30

42 0 0
                                    

"Congrats mahal ko."

Literal na napahinto ako para lang tignan si Achizz. D-Did he call me... mahal ko?

Pakiramdam ko ay may kung anong umagos na tumawa sa dibdib ko. Parang isang mahiwagang salita 'yon na hindi na kaya pang burahin ng isip ko. His voice makes me soft. Hindi ako bakla pero mahal ko si Achizz.

"A-Ano? Gusto kong marinig ulit. Ano 'yon?" Pangungulit ko na lalong lumapit pa sa kaniya.

Napangiti naman siya at kinagat ang sariling labi habang nakatitig sa akin. "Congrats mahal ko." Sa paraan niya ngayon ay binagalan niya.

Wala ako sa sariling napayakap sa kaniya. Hinahaplos niya naman ang buhok ko na lalong ikinagiginhawa ng pakiramdam ko.

"I'm so proud of you. With honor ka pa," sabi niya na hinawakan pa ang medal na suot ko.

"Nanliit ako sa 'yo," sabi ko naman na napairap pa. "Ikaw nga with high honor."

"Hindi ka naman maliit." Mapanuksong titig niya na napakagat pa sa labi.

Nanlaki naman ang mata ko at malakas siyang sinuntok sa braso. Nakita ko kung paano siya mapangiwi sa sakit.

"Gago ka talaga," singhal ko bago inayos ang sarili.

Nauna ng umuwi sina Mom at Dad dahil aasikasuhin pa raw ang mga bisita. Nauna na rin sina Blaze at Soliel dahil may kaniya kaniya din daw silang bisita pero pupunta ako sa bahay nilang dalawa bago sila pumunta ng bahay. Napag isipan kasi naming icelebrate ito ng magkasama.

"Ang sakit Walter tsk," singhal niya na hinihilot pa ang kanang braso niya na sinuntok ko.

"Sa susunod bibig mo na susuntukin ko."

"Napakaunfair naman," sabi niya na ikinataas ng kilay ko. "Kiss ang palagi kong binibigay sa 'yo samantalang puro sakit ng katawan naman binibigay mo sa akin."

Hindi ko na lang siya pinansin. Marami nanaman kasi siyang sasabihin kapag sinabayan ko pa.

"Gusto mong sumama kina Soliel at Blaze mamaya? Mag oovernight kami sa bahay," sabi ko sa kaniya habang nagmamaneho ako.

Binalik na kasi ni Dad ang kotse ko dahil ayos naman na 'yong sa kaniya.

Umiling naman si Achizz. "Hindi na. Enjoy niyo na lang 'yan," sabi niya na ngumiti pa.

Tumango naman ako. Nang makarating kami ng bahay ay maraming bisita ang  bumungad sa akin. Iisa lang din naman ang bati nila.

"Congrats."

"Salamat," sabi ko naman sa kanila.

Sa dami nila ay kailangan kong mag entertain isa isa. Ang hindi ko inaasahan ay...

"M-Miss Alejandra?"

Halos malaglag ang panga ko habang nakatingin sa kaniyang naglalakad palapit sa akin. Ang magandang mukha ng Mom ni Achizz ay ikinakakaba ko. Kasama din nito ang asawa niya na nakilala ko na noon pero sobra akong kinakabahan ngayon na halos hindi ko na nahahawakan ng maayos ang baso.

"Congrats Walter," bati sa akin ng mag asawa.

"A-Ah salamat hehe."

Nahihiya ako sa kanila. Hindi nga ako makatingin ng maayos sa kanila. Hindi rin ako nahinto sa paglunok dahil sa kaba.

"Calm down Walter, we already know the truth." Napalingon ako kay Miss Alejandre ng sabihin niya 'yon.

Halos mabitawan ko ang hawak kong baso dahil sa kaba. Hindi talaga maintindihan ang kalabog ng dibdib ko. Parang gustong kumawala ng puso ko sa katawan ko.

"Hindi nga ako nagkakamali at magugustuhan niyo rin ang isa't isa," natatawang sabi ng Dad niya. "Congrats Walter, goodluck to your next journey!"

Napangiti naman ako sa kanila kahit may halong kaba. "Salamat."

Saan ba si Achizz? Bakit hindi ko makita? Gusto niya ba talagang manghina ako sa harap ng pamilya niya?

"Where's your Mom? I want to talk to her," sabi ni Miss Alejandre na ngumiti pa.

"Nasa loob po."

Nakahinga lang ako ng maluwag ng pareho silang naglakad palayo. Hinanap naman agad ng mata ko si Achizz na abalang nag aayos din ng mga bisita. Lumapit ako sa  kaniya at bumulong.

"Narito ang pamilya mo," bulong ko sa  kaniya.

Tumango naman siya. "Alam ko dahil ako ang sumalubong sa kanila sa labas," sabi niya naman.

"At hinayaan mo lang akong kausapin sila?" Kunot-noong tanong ko.

Napakunot din ang noo niya. "Kailangan bang samahan pa kita?" Pamimilosopo niya.

Napailing na lang ako. Napalingon ako sa bagong kakapasok lang na bisita. Si Robelyn. Itinaas ko kaagad ang kamay ko para makuha ang atensyon niya. Sinabihan ko kasi siya kanina na pumunta sa bahay ko dahil may kaunting salo salo.

"Congrats," sabi niya na inabutan pa ako ng gift.

Napangiti naman ako. "Salamat," sabi ko naman. "Tara kain," pag aalok ko sa kaniya.

Sumunod naman agad siya kaya ako na ang kumuha ng pagkain sa kaniya.

"Saan ka nga nag aaral?" tanong ko sa kaniya habang abala na siyang kumakain.

"Stellio International School," sabi niya na ikinalaki ng mata ko.

Doon din nag aara ang ex ni Achizz at doon din ako mag aaral. "May STEM sa school niyo 'di ba? Doon ako mag-aaral," madaldal na sabi ko na ikinalingon niya.

"Goodluck," sabi niya na ngumiti pa.

Tumango naman ako. Napalingon ako kay Achizz ng makitang naglalakad ito palapit sa amin. Nagtama nanaman ang tingin nila ni Robelyn at sabay na nagngitian bago ito tumingin sa akin.

"Maiwan na muna kita ha," sabi ko bago tumayo at lumapit kay Achizz. "Uwi ka na ba?" tanong ko sa kaniya na hinawakan pa ang bewang niya.

Umiling naman siya. "Tutulong ako dito. Pumunta ka na sa mga kaibigan mo, naghihintay na ang mga iyon," sabi niya na hinawakan din ang bewang ko.

Napatingin naman ako sa relo ko at mukhang oo nga. Tumango naman ako sa kaniya at ngumiti.

"Sure ka ba na dito ka lang?" tanong ko sa kaniya at baka magbago ang isip niya.

Tumango naman siya. "Sige na enjoy," sabi niya na medyo tinulak pa ako.

Ngumuso naman ako, nanghihingi ng kiss. Napaangat naman ang kilay at gilid ng  labi niya.

"Wow first time ko atang maeexperience 'to," sabi niya na halatang namamangha nga.

"Alin?" Kunot-noong tanong ko.

"Yong ikas mismo nanghingi ng kiss mula sa akin," sabi niya bago ako hilain at halikan sa labi.

Napangiti naman ako bago humarap sa kaniya. "See you tomorrow," sabi ko.

"Enjoy mahal ko."

__________________________________________________________________________

Chasing Series#1: Chasing You | ✓Where stories live. Discover now