12

58 1 0
                                    

"Walter!"

Mabilis akong napalingon sa likod ng may tumawag sa pangalan ko, si Achizz pala. I was busy doing my homework. Nakalimutan ko kasing gawin 'to dahil nakatulog na din agad ako.

"Oh?" nakangiting bungad ko.

Mahaba habang araw din 'nung hindi kami nagkita. Masyado nanamang abala sa klase pati na rin sa practice. Palapit na palapit na kasi ang intramurals na inaabangan naming mga players.

"Can I get your basketball list?" tanong niya na abalang tinitignan ang notebook niya.

Mabilis ko ring kinuha ang list ng basketball at inabot sa kaniya. Tinignan niya naman 'yon at muling nilingo ang notebook niya.

"Sure na ba? Next week na intramurals? Nakakaexcite naman masyado. Maraming chicks." Natawa ako sa sinabi ko kaya natawa din siya.

"Sira ka, chicks lang habol mo, sumbong kita sa coach niyo e," sabi niya habang nakangiti ng inabot sa akin ng list ko. "Salamat. Chineck ko lang kung may kulang."

Tumango naman ako at binalik ang list sa bag. "Graduating ka na no? Grade 12 ka na ngayon, next school year college ka na. Goodluck! Dapat memorable 'to para masaya kang aalis sa school." Madadal na sabi ko sa kaniya.

Tumango naman siya at napahinga pa ng maluwag. "6 years na 'ko dito kaya marami na ding memory. Hindi ko pa nga alam kung saan ako magcocollege." Napangiwi naman siya. "Feeling ko ang tanda ko na, magte20 na ko next month tapos college pa lang ako."

Napakunot naman ang noo ko. "Ano namang masama doon? May nagcocollege ngang may asawa't anak na e.  Hindi naman big deal 'yon."

"Paano kung may magtanong sa akin about doon? Ano sasabihin ko? Nagpariwara kasi ako dati kaya umulit ako ng umilit." Nagbuga naman siya ng malalim na hininga. "Umulit ako 'nung 3rd year high school kasi tumigil ako para lang sumali sa mga gang. Nadrop out ako 'nung 4th year high school. Basta walang kwenta high school memory ko. Nagseryoso lang ako ng buhay nung Grade 11 ako dahil kami na 'nun ni Steven." Napairap pa siya. "Bye, may aasikasuhin pa 'ko."

Napakurap kurap naman ako habang sinusundan siya ng tingin. Angas din ng isang 'yon, magkekwento tapos aalis?

Buong araw ay abala ang lahat. Hindi ko na rin mahagilap ang dalawa kong kaibigan. Hindi ko alam kung anong pinaggagawa nila. Umuwi tuloy akong mag isa. Naabutan ko naman si Weshly na abalang naglalaro ng dolls niya. Kapag narito ang kapatid ko ay paniguradong andito si Mom.

"Kuya! I want to eat ice cream!" sabi ni Weshly na nagtatatalon pa.

Sinenyasan ko naman siyang sumunod sa akin. Mabilis siya umakyat sa pinto at nakangiting pinapanood akong pagbuksan siya ng ice cream.

"Don't spoil her too much. Baka sakitan nanaman siya ng ngipin." Biglang sulpot ni Mom mula sa banyo.

Natawa naman ako at inabot kay Wesh ang ice cream niya. Pumalakpak muna siya at malapad na ngumiti sa akin.

"Thank you."

She's so cute. Paano ko matatanggihan ang batang ito? Sobrang cute!

"It's okay Mom. 'Wag mo lang araw arawin," I said while watching Wesh eating her ice cream. Nagsisimula na din kumalat ang ice cream sa pisngi niya.

Kinabukasan, our coach announced about the intramural happen next week.

"Based from the announcer of intramural, kalaban niyo ang Stellio International School," sabi ni coach Almer.

"Putcha," bulong ni Achizz.

Napalingon ako sa kaniya ng sabihin niya 'yon, nasa likod kami banda. "Bakit?"

"Diyan nag aaral si Steven," bulong niya na siniko pa 'ko.

Nanlaki naman ang mata ko. "H-Ha?"

"In the back, Achizz and Walter. Are you listening?"

Sabay kaming napalingon kay coach ng sitahin kami.

"Daldal kasi," bulong naman ni Blaze na napasinghal pa.

Napasimangot naman ako. Ano bang problema nito?

"Again, mauuna ang basketball sunod billiards, then volleyball, badminton. At 8 in the evening, night party." Coach announced.

Nag ingay ang buong school ng marinig nila ang night party lalo na ang mga babae. Napasinghal naman ako. Mas enjoy maglaro kaysa magparty.

Matapos ang announcement ay mabilis akong tumakbo ng canteen para lumamon. Marami ding mga estudyante dito. Wala namang lesson kaya pakalat kalat ang mga estudyante. Puro kami practice.

"Goodluck!" Nakangiting bati sa amin ni Soliel.

"Masyado ka atang excited?" Taas-kilay na tanong ko. "May kameet up ka 'no? Lagot ka kay Blaze." Pananakot ko sa kaniya.

Nanlaki naman ang mata niya at mabilis na dumipemsa. "Wala ah! Baka nga kayo ang may something ni Achizz e," sabi niya na ininguso pa si Achizz.

Napalingon din tuloy sa'min si Achizz dahil narinig niya ang pangalan niya. Mabilis namang napakunot ang noo ko.

"Hoy sira ka," sabi ko na napasinghal pa.

Natawa naman siya pero iniwan ko na siya para lumapit sa mga kasamahan kong basketball. Naabutan ko naman si Blaze na nakaupo habang kunot na kunot ang noong pumipindot ng cellphone niya. Umupo naman ako sa tabi niya at mabilis na sinilip ang phone niya pero mabilis niya din itong iniwas sa akin.

"Ano ba!" Iritadong sabi niya na tinulak pa ang mukha ka.

"Sino 'yan ha? Mukhang badmood ka ata?" Natatawang sabi ko.

Hindi niya ako pinansin. Nagbuntong hininga lang siya at ibinulsa ang phone niya. Sa itsura niya ay alam kong malalim ang iniisip niya. Hindi ko na muna 'yon pinansin dahil baka lalo siyang mapikon.

"Walter, tara."

Napalingon ako kay Achizz ng tawagin niya 'ko. Nilingon ko pa si Blaze na abala nanaman sa phone niya kaya tumayo na 'ko para lapitan si Achizz.

"Saan?" Kunot-noong tanong ko.

"Ayaw mo ba? Libre ko," sabi niya habang pinakita pa ang bagong card niya.

Napangiti naman agad ako at mabilis siyang hinila papuntang cafeteria. Mas marami ang masasarap na pagkain dito kaysa doon sa isang canteen.

"Saan mga kaibigan mo? Himala at wala ka na masyadong kasama ngayon?" tanong ko habang tumitingin siya sa menu.

Napalingon pa siya sa'kin saglit bago muling tumingin sa menu. "I don't have any permanent friends," sabi niya na ikinatikop ko. "I am not that type of man that you think as permanently friend. Mabilis akong magsawa lalo na kung alam kong hindi deserve ng taong 'yon 'yung efforts ko."

My lips form to 'o' while nodding. Naniniwala naman ako sa kaniya at 'yon naman talaga ang nakikita ko sa kaniya. Paiba iba ang kaibigan niya. Si Francis lang yata ang medyo matagal niyang naging kaibigan.

"Magsasawa ka rin bang kasama ako? I mean kaibigan ako?" tanong ko. Napaisip ako sa bagay na 'yon.

Muli siyang lumingon sa akin. Matagal siyang nakatitig at parang malalim ang iniisip.

"Kaibigan..." Putol na sabi niya bago nagkibit balikat. "I don't know."

________________________________________________________________________________________________

Chasing Series#1: Chasing You | ✓Where stories live. Discover now