"Enjoy everyone."
Tangena paano ako mag eenjoy sa ganitong lugar? Sobrang ingay at nakakahilo ang paikot ikot ng mga estudyante.
"Walter tara doon tayo!" Wala akong nagawa ng hilain ako ni Soliel sa kung saan.
Sa dami ng tao ay hindi ko rin mahagilap si Blaze. Basta ang alam ko ay magkakasama kaming tatlo kanina.
"Soliel doon na lang kasi ako." Kanina pa 'ko nagrereklamo.
Ayaw ko sana mag attend ng ganito kaso pinilit ako nina Blaze. Last naman na daw ito dahil next year ay senior high school na kami. Oo nga naman.
Pero kasi... naalala ko 'yong nangyari sa amin ni Achizz!
Ganitong ganito din kasi ang eksena bago nangyari 'yon! Natatakot na tuloy akong maglasing matapos mangyari 'yon.
"Ano ba Walter! Akala ko ba hinihintay mo ang araw na 'to?" Pangungulit ni Soliel.
"Wala akong sinabing gano'n," singhal ko.
"Ay wala ba?"
Napairap naman ako. Nanatili lang akong nakatayo habang nagsasayawan ang iba, sinasabayan ang malakas na tugtog. Nang makita kong abala si Soliel sa grupo ng kababaihan ay doon ako nakaisip na tumakas.
It's already 9PM kaya dumiretso na lang ako ng cafeteria para kumain. Mas masarap kumain e.
Medyo nagulat pa 'ko ng makita si Robelyn na nakatayo sa pwesto kung saan kami nagkita kanina. Napailing ako ng maalala ang usapan namin. May dala siyang paper bag na paniguradong damit ko. Nang makalapit ako sa kaniya ay lumingon na siya sa'kin.
Inabot niya agad ang paper bag sa akin. "Salamat, nilabhan ko naman agad 'yan kani-"
"Hindi na, sa 'yo na 'yan," sabi ko na umiling pa.
Umangat naman ang kilay niya at napailing rin. "Dapat sinabi mo na kanina pa para hindi ako nagmadaling magpalaba nito at isa pa..." Huminto siya para tignan ang relo niya. "Naghintay ako ng halos isa't kalahating oras."
Nanlaki pa ang mata ko at medyo natawa. "Okay sorry ha Robelyn Ybañez," sarkastikong sabi ko. "Buti na lang mabait pa 'ko, tara kain." Yaya ko na tinuro pa ang cafeteria sa hindi kalayuan.
"Hindi mo ba kayang kumain mag isa o gusto mo lang akong makasabay sa pagkain?"
Lalo akong natawa na napalayo pa ang tingin sa kaniya. "Wow," hindi makapaniwalang usal ko tsaka muling lumingon sa kaniya. "Wala lang akong kasama kumain 'no at kaya ko din mag isa kumain pero dahil utang na loob ko na sa 'yo, Robelyn niyaya kitang kumain ngayon na."
Napairap naman siya at tumango. "Okay," sabi niya tsaka una ng naglakad.
Napailing naman ako na medyo natawa pa. Pinagmamasdan ko lang siya mula sa likod. Maangas siya kung maglakad at... maliit. Maganda naman si- No, she's cute.
Nang makarating kami ng cafeteria ay napakunot ang noo ko ng mauna siyang umorder at puro 'yon dinner tsaka naunang maupo. Napakurap kurap pa ako kaya umprder na rin ako ng dinner na tulad ng sa kaniya. Kanin at adobo tsaka kape. Bumili din ako ng fries tsaka burger para sa aming dalawa.
Nang maupo ako sa tabi niya ay doon lang siya nagsimulang kumain. Tahimik lang kaming kumakain. Napapalingon ako sa kaniya pero masyado siyang focus sa pagkain niya.
"4th year high school?" tanong ko.
Napalingon naman siya sa akin tsaka umiling. "3rd."
Tumango tango naman ako. "Goodluck,"
Mayabang naman siyang ngumisi. "Goodluck sa 'yo," may halong yabang ang tono niya.
"Oyyyyyyy!!!"
Napalingon kami sa kakapasok lang na mga estudyante. Sila ang kaibigan ni Robelyn. Narinig kong napamura si Robelyn ng pabulong na napayuko pa. Natawa naman ako sa kaniya. Inirapan niya lang ako.
Lumapit nga sa amin ang kaibigan niya at tulad ng dati ay tinutukso kami.
"Kaya pala hindi ka na bumalik dahil may bebetime ka na ah!" Panunukso ng isa.
Bebetime amp.
Buti na lang ay saktong ubos na ang pagkain namin ni Robelyn ng dumating sila kaya tumayo na siya kaya sumunod na rin ako.
"Mauna na 'ko," pagpapaalam ko.
Tumango naman siya. Nginitian ko lang sila bago ako naglakad palayo. Narinig ko pa na tinutukso pa din siya kaya natawa akong patago. Nang makalayo ako ay dumiretso ako ng parking lot para doon na magstay. Kahit sa pwestong ito ay rinig na rinig ang lakas ng tugtog mula sa dance floor. Hihintayin ko na lang sina Soliel at Blaze para sabay sabay kaming umuwi.
Medyo madilim ang parteng 'to kaya dumiretso na ako ng kotse ko pero nagulat ako ng may humawak sa kamay ko. Iniharap niya ako sa kaniya at doon ko lang siya nakilala, si Achizz.
"Ano?" Kalmadong tanong ko.
"Lets talk please," sabi niya.
Hindi siya amoy alak kaya alam kong hindi siya lasing.
Kumunot naman ang noo ko. "Anong pag uusapan?"
"Walter I can't hide it anymore," malambing ang tono niya na para bang nagmamakaawa ang mukha. "Mababaliw ako kapag hinayaan ko pang patagalin 'to."
Naramdaman ko ang palad niya na gumagapang sa bewang ko.
Pakiramdam ko ay bumilis din ang paghinga ko.
Sa madilim na parteng ito ay alam kong walang makakakita sa aming dalawa pero pakiramdam ko ay nadadala niya ako sa kung saan gamit lang ang tingin.
Pa'no bang mababawi
Lahat ng mga nasabi? HmmNapakunot pa ang noo ko ng marinig ang kantang 'yon. Hinawakan ni Achizz ang kamay ko at inilagay 'yon sa bewang niya.
'Di naman inakalang
Ika'y darating lang bigla
Ng walang babala"Walter, tumingin ka sa mata ko," sabi niya na hinawakan pa ang panga ko para magtama ang tingin namin. "Anong nararamdaman mo?"
Sa isang iglap
Nagbago ang lahat
Hindi ko na kaya pa na magpanggap"Ano bang pinagsasasabi mo Achizz?" Pilit kong nilalabanan ang tingin niya.
"Walter I like you, I really do."
Ikaw ang kumpas 'pag naliligaw
Ikaw ang kulay sa langit na bughawLalo siyang lumapit at hinawakan ang pisngi ko para haplusin. Nakatitig siya sa labi ko at ramdam ko ang panginginig ng kamay niya. Kinakabahan siya at pilit na pinapatapang ang loob.
Sa bawat bagyo na dumadayo
Ikaw ang kanlungan na kailangan ko
Kahit hindi mo alam
Ilang beses mo akong niligtas
Ikaw ang hantungan at aking wakas"Hindi ko alam kung paanong nangyari Walter basta bigla ko na lang naramdaman."
Pa'nong maniniwala
Ika'y nasa 'king harapan? Hmm
'Di naman naiplano
Ako'y mabihag ng gan'to
Totoo ba ito?"Pero Achizz." Pilit kong pinapaintindi sa kaniya 'yong gusto kong sabihin na hindi ko kayang mabanggit. "Hindi ko pa kaya."
Sa isang iglap
Nagbago ako
Hindi ko na kayang mawalay sayo"Alam ko," sabi niya na ngumiti ko. "I know Walter. Let me love you until you feel the same."
Ikaw ang kumpas 'pag naliligaw
Ikaw ang kulay sa langit na bughaw"Achizz,"
"Please?" Pagmamakaawa niya na hinawakan pa ang kamay ko.
Napalunok muna ako bago tumitig sa kaniya ng matagal.
Pinag iisipan ko ang bagay na 'to. Hindi ako pwedeng magbitaw ng salita na alam kong pagsisisihan ko balang araw.
"Sige, pumapayag na 'ko."
__________________________________________________________________________
YOU ARE READING
Chasing Series#1: Chasing You | ✓
RomantiekSERIES COLLABORATION CHASING SERIES 1: CHASING YOU -Achizz Stephen Se -Walter Frinzz THIS IS A BOY LOVE STORY THAT MAKES YOU FEEL IN LOVE AND HURT AT THE SAME TIME. CHASING SOMEONE YOU DON'T KNOW IF YOU GET OR YOU JUST WASTING A TIME OF IT. THIS BOY...