Chapter 38

678 38 4
                                    

Jaicy's POV

"TAMA NA!" malakas na sigaw ko pero parang wala silang narinig.

Tulala lang na nanonood ang mga kasama namin na tila hindi rin inasahan ang biglang pagsusuntukan ng dalawa.

"RYU, TAMA NA!"

Tumigil naman si Ryu nang marinig ako. Pero nang akmang tatayo na sana s'ya upang umalis ay bigla s'yang ginantihan ng suntok ni Caloy sa mukha. Bumagsak sa sahig si Ryu at agad s'yang pinaibabawan ng lalaki.

Hindi na ako nag-askya ng panahon at agad na lumapit para awatin sila.

"TAMA NA SABI!"

Hinila ko ang damit ni Caloy para ilayo s'ya kay Ryu pero wala itong epekto. Hinawakan ko ang magkabilang balikat n'ya at buong lakas s'yang hinila papalayo.

"AHHH!"

Tumumba kaming dalawa ni Caloy sa tablang sahig.

Nakaibabaw s'ya sa 'kin kaya kita ko ang pumutok na labi at ilang bangas n'ya sa mukha. Sumara ang kamao ko nang ngumisi s'ya sa 'kin.

"Mukhang may sinusubo ka na, ah? Mahaba ba ang pila?" pangungutya n'ya. Sinamaan ko s'ya ng tingin at malakas na tinulak palayo sa 'kin. Nakangisi lang itong humiga sa sahig na tila tuwang-tuwa pa dahil nanalo s'ya sa suntukan nila ni Ryu.

Agad akong lumapit sa kawawang lalaki.

"A—Ayos ka lang?"

Ang bobo ng tanong ko pero hindi ko na kasi alam ang sasabihin. May sugat s'ya sa kilay at labi. Dumudugo rin ang ilong n'ya. Mukhang napuruhan talaga s'ya.

"Get out of here..." utos n'ya. Tatayo pa sana s'ya at parang gusto pang gumanti pero pinigilan ko s'ya. Mariin kong hinawakan ang balikat n'ya at mukhang nakuha n'ya naman ang gusto kong sabihin.

"P—Prince!"

Nilingon ko ang boyfriend kong mukhang kakagising lang sa mahimbing n'yang tulog.

"What happened?" nagkukusot ng matang tanong n'ya.

Hindi ko s'ya sinagot at tinuro ang kapatid n'ya. "Tulungan mo akong i-uwi si Ryu," sabi ko. Kahit nagtataka ay tumayo na rin ito para tulungan akong akayin ang kapatid n'ya. Hindi ko na nagawang magpaalam sa celebrant. Baka hindi ko na mapigil ang sarili ko kapag nakita ko na naman ang ngisi sa mukha ni Caloy.

Pag-uwi pa lamang namin ng bahay ay agad ko na s'yang dinala sa kwarto n'ya para mabigyan ng first aid.

Dumiretso naman sa kwarto n'ya si Prince dahil sa antok.

"Pangarap mo ba talagang maging boksingero?" sarkastikong tanong ko. Hindi s'ya sumagot. Tinaas ko ang tingin sa mga mata n'ya. Nakatitig s'ya sa 'kin. "Paano na lang kung napuruhan ka talaga? Ano'ng sasabihin ko kay Tito Otep?"

Magkaharap kaming nakaupo sa kama. Dahan-dahan kong nilagyan ng ointment ang labi n'ya.

Nalayo ko ang daliri ko nang biglang s'yang dumaing.

"Ayan. Ang tapang mo kapag makikipagsuntukan pero ointment lang tumitiklop ka na."

"Kaunting may hindi ka magustuhan sa isang tao ay kamao agad ang pinangkakausap mo."

"Hindi ba p'wedeng makipag-usap ng ayos? Hindi ka ba marunong n'on? Pakikibasag ulo na lang ba talaga ang alam mo?"

Ilan lang iyan sa mga sermong lumabas sa bibig kong walang preno kakasalita habang nililinis ang sugat n'ya. Tahimik naman s'yang pinagmamasdan ako. Ni hindi nga ako sigurado kung pumapasok ba sa tainga n'ya ang mga sinasabi ko. Para kasi s'yang tulala na hindi maintindihan.

"Magpalit ka ng damit. Puro alikabok iyang suot mo."

Aalis na sana ako nang bigla s'yang maghubad sa harapan ko. Napaiwas ako ng tingin nang lumantad sa akin ang maskulado n'yang katawan.

"Do you expect me to just watch you getting harassed?" mababang boses na tugon n'ya. Tinaas ko ang tingin sa tsokolateng mga mata n'ya.

Coming from him na nilalandi ako sa ilalim ng lamesa?

Nagustuhan mo naman iyon.

What? No! Shut up.

"Malaki na ako. Hindi ko kailangan ng tulong mo."

Blangko s'yang tumingin sa 'kin. Ang kaninang mapungay n'yang mga mata ay biglang naningkit.

"I wasn't helping you. I was protecting you."

Humigpit ang hawak ko sa medicine kit na bitbit ko. Kita ko ang unti-unting pagdilim ng mukha n'ya. Mukhang hindi n'ya nagustuhan ang sinabi ko. Linunok ko ang nerbyos at taas noo s'yang nginisian.

"...guess what? Hindi ko kailangan ng protection mo. It's none of your business. I'm not your responsibility."

Bumaba ang tingin ko sa kamao n'yang nakayukom. Naglalabasan na ang ugat sa mga braso n'ya sa sobrang galit pero pinipigilan n'ya ang sariling sumabog sa harapan ko.

I'm not liking this anymore. Si Prince dapat ang gumawa ng mga ginawa n'ya kanina. S'ya dapat ang pumuprotekta sa akin mula kay Caloy.

Hindi si Ryu.

Iwinaksi ko ang namumuong maruming imahinasyon sa utak ko at pinihit ang sedura nang marahas n'yang isara ito ulit gamit ang kamay n'ya. Namimilog ang mga mata kong napatingin sa pinto. Ramdam ko ang presensya n'ya sa likuran ko. Alam kong kaunting atras lang ay magdidikit ang katawan naming dalawa. Pinanood ko s'yang ikandado ang pinto sa mismong harapan ko.

"No te vas, Mi amor."

Unti-unting kumabog ang dibdib ko. Gumapang ang mga kamay n'ya sa maliit kong baywang. Mahina n'ya akong hinila papalapit sa kanya. Namula ang buong mukha ko sa naramdamang bukol.

Kailan pa tumigas iyon?!

"I'm horny."

Mabilis kong tinapik ang mga kamay n'yang malanding nakapulupot sa baywang ko.

"T—Tigilan mo ko, Ryu! Wala ako sa mood makipagbiruan sa 'yo."

Hindi ko alam kung bakit tila naaapektuhan ako sa bawat haplos na binibigay n'ya sa 'kin. Nakayakap s'ya sa likod ko habang nagsisimulang gumala ang kamay n'ya sa loob ng damit ko.

"R—Ryu, ano ba! Nasa kabilang kwarto lang si Prince."

Mahina kong sigaw sa kanya pero parang wala s'yang narinig at pinihit ako paharap para salabungin ng halik. Nabitawan ko ang hawak na medicine kit. Unti-unting nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa senswal na paggalaw ng kanyang mga labi. Sinubukan ko pa s'yang itulak pero nakita ko na lang ang sarili kong tuluyan ng bumigay sa binata.

Hinawakan n'ya ng maiigi ang batok ko habang walang tigil sa paghalik sa akin.

B—Bakit ganito?

Bakit parang nasabik ako sa mga halik n'ya?

Kinarga n'ya ang magkabilang hita ko nang hindi pinaghihiwalay ang labi naming dalawa. Sunod kong naramdaman ay ang malambot n'yang kama sa likuran ko.

"Eres mia."

Art Of The Devil (Devil Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon