Jaicy's POV
MABILIS na inihanda ni Tito Otep ang sasakyan upang pumunta ng kabilang bayan kung saan sinasabing nangyari ang aksidente.
Namumutla at kinakabahan akong nakasakay sa likod ng kotse katabi si Prince. Hindi na ako pinagbawalan ni Tito Otep. Hinayaan na lamang n'ya akong sumama dahil ang tanging nasa utak lang naming lahat ay ang lagay ni Ryu. Nandito rin si Lei at Prince na halatang nag-aalala rin sa sinapit ng kapatid nila.
Hindi ko magawang ipokus ang utak ko. Tila masisiraan ako ng bait kakaisip sa sinabi ng pulis sa akin.
A—Ano'ng ibig n'yang sabihing patay na si Ryu? P'wede ba iyon? Baka naman nasa ospital pa lang. H—Hindi naman basta-basta namamatay ang isang tao sa aksidente, 'di ba?
Hindi p'wedeng wala na s'ya...
Hindi...
Napatingin ako sa kamay na pumatong sa nanginginig kong mga kamay. Tinaas ko ang tingin kay Prince. Matipid s'yang ngumiti sa kabila nang pamumugto ng mga mata n'ya. "Everything will be fine..." mahinang wika n'ya.
Hindi ko na napigilan at kusa nang lumabas ang pinipigilan kong mga luha.
[Kamakailan lang nang umingay ang pangalan ng isang prodigy na artist na si Prince Kyle Vasquez dahil sa rebelasyon nito tungkol sa kanyang sekswalidad at karelasyong lalaki. Ngayon ay isang mainit na balita na naman tungkol naman sa kanyang kapatid ang ating ihahatid. Natagpuang nasusunog ang sasakyan ni Ryu Felix Vasquez matapos itong mahulog sa ginagawang tulay sa San Miguel. Ayon sa pulisya ay maaaring lasing ang biktima nang mangyari ang aksidente. Makikita kasi sa isang CCTV footage ang mabilis at walang prenong pagpapaandar ng sasakyan ng biktima. Ayon pa sa kanilang imbestigasyon ay sinubukan daw itong habulin ng mga pulis ngunit masyadong matulin ang sasakyan. Samantala, hindi nagawang i-retrieve ang bangkay ng biktima matapos masunog sa pulbos ang sasakyan at ang sakay nito. Ako si Mikaela Tuzon para maghatid ng maiinit na balit—]
Agad na pinatay ni Lei ang radyo matapos ibalita ang aksidente ni Ryu. Lalo kaming nanlumo sa narinig. Hindi ko inaasahan na agad itong ibabalita sa publiko. Hindi man lang nila hinintay na ikumpirma muna ng pamilya ng biktima ang pagkamatay nito bago nila binalita.
Nang silipin ko si Tito mula sa driver's seat ay halata na ang pagkabalisa nito. Marahil ay kagaya ko ay umaasa pa rin s'yang hindi totoo ang sinabi ng pulis kanina.
Parang hindi kasi magawang tanggapin ng utak ko na patay na si Ryu dahil masyadong mabilis ang pangyayari.
Buhay pa s'ya noong isang Linggo eh...
P'wedeng nagkamali lang sila, 'di ba?
Hindi ba?
Kasalanan ko ito. Kung hindi ko sana binitawan iyong masasakit na salitang iyon sa kanya ay baka hindi sya umalis.
Hindi sana s'ya naaksidente.
Kasalanan ko ang lahat...
BINABASA MO ANG
Art Of The Devil (Devil Series #1)
RomantizmWARNING! Mature content inside. A BxB story. _________ An androgynous discreet gay reunites with his three insatiably hot childhood friends. _________ Originally written by LunaticPessimist. Book cover by Urakumu Aero