Chapter 37

856 42 3
                                    

Jaicy's POV

"A—Ano ba..." naiilang na sabi ko. Hindi ko alam kung ano'ng gusto n'yang ipahiwatig. Please, s'ya na lang?

Nababaliw na yata s'ya.

"Bitawan mo na 'ko. Hinahanap na ako ng kapatid mo," dahilan ko pa at pilit na kumawala sa mahigpit na yakap n'ya. Nagtagumpay naman ako pero nang masilayan ko ang mukha n'ya ay parang kinurot ang puso ko. Lumuluha talaga s'ya.

Ang lalaking may matigas na imahe sa lahat ay umiiyak para sa isang kagaya ko.

Ano ba'ng nangyayari sa kanya?

"Ryu, if this is about what happened to us in the resort—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang mag-igting ang mga panga n'ya.

Napaatras ako nang lumabas ang mga ugat sa leeg n'ya kasabay nang nagpipigil n'yang pag-iling. Parang gusto n'yang manakit pero pinipigilan n'yang lumabas ang dyablo sa katauhan n'ya. Napasinghap ako nang mahigpit n'yang hawakan ang maliit kong braso.

"You really think it's just because of that?" magkadikit ang ngiping tanong n'ya.

Gusto ko sana s'yang sagutin pero nanunuot ang sakit sa braso kong hawak n'ya.

"Nasasaktan ako Ryu!"

Parang wala s'yang narinig at mariin lang akong pinagmasdan.

"Ryu!"

Tila nawala sa sarili ang lalaki at hindi ako marinig. Mas lalong humigpit ang kapit n'ya sa braso ko.

"A—Ahh!"

Pilit kong tinanggal ang malaking kamay n'ya sa'kin pero masyado s'yang malakas. Bakas na ang sakit sa mukha ko pero hindi n'ya pa rin ako binibitawan. Taimtim n'ya pa rin akong pinagmamasdan na tila ba nagugustuhan pa ang nakikita.

"RYU, ANO BA!" malakas na sigaw ko. Parang nabuhusan s'ya ng tubig at mabilis na pinakawalan ang kawawang braso ko.

Nanlalaki ang mata n'yang napahawak sa ulo sa sobrang gulat. Parang hindi s'ya makapaniwala sa nagawa n'ya. Halo-halong emosyon ang naglalaro sa mga mata n'ya ngayon at isa doon ang pagsisisi. Lalapit sana s'ya para alalayan ako pero umatras ako.

Dumaan ang lungkot sa tsokolateng mga mata n'ya.

"S—Sorry..." mahinang saad n'ya at mabilis na umalis. Naiwan akong nalilito sa pangpang hawak ang namamagang braso.

_

Pagkauwi ko ay agad akong inusisa ni Prince kung saan ako nagpunta. Gusto ko sana s'yang awayin pero baka mahalata n'ya ang tinatago kong mapulang braso.

"Are you sure you don't want to sleep here?" makulit na tanong nito. Napabuntong hininga ako.

Sabi ko kasi sa kanya ay sa bahay muna ako matutulog ngayon. Ayaw n'yang pumayag kaya pilit akong kinukulit. Oras kasi na makita n'ya ang pula sa braso ko ay tatadtarin n'ya ako ng tanong. Hindi ko naman kayang itago sa kanya ito hanggang sa pagtulog. Mapapansin at mapapansin n'ya ito. Kaya doon muna ako sa amin.

"Huwag ka na makulit d'yan. Makikita mo naman ako bukas na bukas ng umaga."

"Then, why bother leaving? P'wede ka naman matulog dito. Your clothes are here."

Art Of The Devil (Devil Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon