Chapter 19

2.6K 129 13
                                    

Jaicy's POV

Buong gabi akong hindi nakatulog dahil kay Ryu. Nalilito ako. Bakit s'ya gano'n kagabi? Bakit n'ya ako hinawakan sa pisngi?

"Hmm you're awake?" bulong ni Prince.

Napangiti ako nang maramdaman ko ang pag-ikot ng kamay n'ya sa baywang ko. "Kanina ka pa gising?" inaantok na tanong n'ya.

"Hmmm," sagot ko. Ramdam ko ang paghinga n'ya sa tuktok ng ulo ko na nagbibigay ng labis na kilig sa sistema ko.

"I love you," malambing na bulong n'ya. Parang sinundot ang puso ko dahil sa narinig. Inabot ko ang kamay n'ya at dinala sa bibig ko. Mahina kong hinipan 'yon.

"Ang lamig ng kamay mo," mahinang sabi ko habang hinihipan ang kamay n'ya.

"It's cold eh. Let me hug you more," parang batang sabi n'ya at mas hinigpitan ang yakap sa 'kin.

"Hindi p'wede. 'Di ba ay ngayon ang uwi ng Daddy mo? Kailangan natin s'yang salubungin." Maingat kong tinanggal ang kamay n'ya sa baywang ko at bumangon. Pinagmasdan ko ang boyfriend kong nakangusong nakatingin sa 'kin.

"Ayaw mo lang ako lambingin eh," nagtatampong sabi n'ya na kinatawa ko. Parang bata.

"Tumayo ka na riyan," parang matandang utos ko at lumabas ng k'warto n'ya para ipagtimpla s'ya ng gatas.

Naabutan ko si Lei na nanonood sa sala. Nakataas ang paa n'ya sa coffee table habang may hawak na libro.

"Aba aba? Kailan ka pa natutong magbasa?" nakalolokong sabi ko at sinilip ang binabasa n'ya. Nanlaki ang mata ko nang tumambad sa 'kin ang hubo't hubad na litrato ng mga babae.

Agad ko s'yang tinuktukan sa ulo. "Ang manyak mo talaga!" asar na sigaw ko. Natatawa naman s'yang umiwas at tumayo para mag-unat.

"Late ka bumangon ah? Ano'ng ginagawa n'yo ni kuya sa k'warto, ha?" nanunuksong sabi n'ya at tinaasan baba pa ako ng kilay. Natatawa ko s'yang inirapan at dumiretso ng kusina. Parang aso naman s'yang bumuntot sa 'kin.

Tahimik akong kumuha ng baso at gatas sa cabinet habang s'ya naman ay prenteng sumandal sa lamesa.

"But seryoso, may something ba kayo ni kuya?" tanong n'ya na nagpatigil sa 'kin. Nilipat ko ang tingin sa g'wapong mukha n'ya. Seryoso ang mukha n'ya at walang bakas ng kahit anong pagbibiro.

Ngumiti ako at umiling.

"Baliw!" natatawang sabi ko at tinuon ang pansin sa pagtitimpla ng gatas.

Nangibabaw sa kusina ang baritonong tawa n'ya. "Oh c'mon Jaicy. I know that something's up between you two. Everyday ka kayang natutulog sa k'warto ni kuya," natatawang sabi n'ya at kinuha ang tinitimpla kong gatas.

"Hoy! Kay Prince 'yan," reklamo ko na agad n'yang kinangisi.

"See? Pati pagtitimpla ng gatas inaako mo na. Akin na lang 'to ah?" natatawang sabi n'ya at nilagok ang gatas na ginawa ko. Naiiling na lang akong kumuha ng panibagong baso.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba sa sinabi n'ya. Mas'yado ba kaming halata?

"Good morning."

Napatingin ako sa pinto nang marinig ko ang boses ni Prince. Nagkukusot pa s'ya ng matang lumapit sa 'kin at yumakap. Agad ko 'yong tinanggal nang makita ang nakalolokong ngisi ni Lei.

Sumisipol s'yang lumabas ng kusina habang suot ang ngisi n'ya. Napailing na lang ako.

Agad kong hinarap ang nakanguso kong boyfriend. Mukhang nagtatampo pa dahil sa ginawa kong pag-alis ng kamay n'ya sa baywang ko.

"'Di ba sabi ko bawal tayo maging sweet kapag may nakakakita?" sermon ko. Lalong humaba ang nguso n'ya sa sinabi ko.

"Ang hirap naman eh! Iba na lang," parang batang reklamo n'ya at yumakap ulit sa 'kin. Pero agad ko ulit s'yang nalayo sa 'kin nang pumasok si Ryu ng kusina.

Naiilang kong kinuha ang kutsara at nagkunwaring abala sa pagtitimpla ng gatas.

"Jaicy that's salt," wika ni Prince na nagpalaki ng mata ko. Agad kong tiningnan ang powder sa kutsara at asin nga iyon at hindi asukal. Palihim kong nakurot ang sarili.

"Ako na lang ang magtitimpla." Wala na akong nagawa nang agawin ni Prince ang baso sa 'kin. Palihim kong sinulyapan si Ryu na tahimik na nagsasalin ng tubig sa baso

Ang lamig pero nakahubad baro s'ya.

Bumaba ang tingin ko sa mga nag-uumbukang pandesal sa t'yan n'ya. Paano s'ya nagkaroon ng gano'ng katawan sa edad na disinuwebe?

"Nandiyan na raw ba si Daddy?" basag ni Prince sa katahimikan. Napatingin ako sa kanya. Umiinom na s'ya ng gatas.

"Hindi ko pa alam eh. Gusto mo na bang pumunta sa 'min?" tanong ko. Nakangiti s'yang tumango at palihim na hinawakan ang kamay ko sa ilalim ng lamesa.

Hinintay naming makalabas si Ryu bago kami magkahawak kamay na lumabas ng kusina.

"Good morning po," magalang na bati ni Prince kay Mama.

"Umupo na kayo. Nagprito ako ng tuyo at itlog," nakangiting sabi ni Mama. Agad naman kaming sumunod. Hinawakan ni Prince ang kamay ko sa ilalim ng lamesa.

Sabay-sabay kaming kumain maliban kay Ryu na nanatili sa k'warto n'ya. Isa siguro sa nagustuhan ko sa mga kababata ko ay hindi sila mapili sa pagkain. Kumakain pa rin sila ng tuyo at itlog. 'Yon kasi ang karaniwang kinakain namin noon no'ng mga bata pa kami.

Pero kung ano'ng tagal ng panahon na naming kumakain nito ay s'yang tagal ding matutunan ni Prince ang pagkain ng tuyo. Kaya ito at pinaghihimay ko pa rin s'ya.

Nasa gitna kami ng pagkukuwentuhan nang makarinig kami ng busina sa labas. Nagkatinginan kaming lahat at sabay-sabay na sumilip sa bintana. Hindi nga kami nagkamali dahil nandoon na si Tito Otep.

"Kumain ka na ba?" agad na tanong ni Mama kay Tito Otep na mukhang pagod na pagod sa b'yahe.

Ginulo ni Tito ang buhok ko at nakangiting pinagmasdan ang dalawang anak n'ya.

"Nasaan si Ryu?" nagtatakang tanong n'ya.

"Nasa k'warto pa n'ya po. Bababa po 'yon mamaya," nakangiting sagot ko. Naiiling namang sinulyapan ni Tito ang bintana ni Ryu.

"Actually pumunta ko dito kasi binigyan si Prince ng free 3 days and 3 nights sa La Estalla Resort. Eh owner pala 'yong napagbilhan ng artwork n'ya. Ayon natuwa ng husto binigyan ng free vacation 'to si Prince," kuwento ni Tito. Napatingin ako kay Prince na walang reaksyon sa narinig n'ya.

Mukhang sanay na s'yang makatanggap ng mga gano'ng regalo sa sikat na mga tao.

"Sasama ba kayo Susan?" nakangiting tanong ni Tito kay Mama. Napatingin naman sa 'kin si Mama kaya agad akong tumango.

Gusto ko pumunta ng resort!

"Oh eh sige! Kailan ba 'yan?" natutuwang sagot ni Mama.

"Mamayang hapon ay umalis na tayo. Ihanda n'yo na 'yong mga dadalahin n'yo," nakangiting sagot ng lalaki.

Humigpit ang hawak ko kay Prince. Nagtataka s'yang tumingin sa 'kin. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin s'ya kahit hindi alam ang dahilan kung bakit ako masaya.

Art Of The Devil (Devil Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon