Chapter 32

2.9K 131 71
                                    

A/N   Hello — gusto ko lang umepal. Magsalita naman kayo. Hahah. Mas tahimik pa kayo sa silent. I would like to apologize rin pala for inconsistent updates. Working si Author. Sabihin n'yo sa 'kin kung ano'ng reaction n'yo sa kasulukuyang daloy ng kuwento. Kanino kayo boto?  Sa 'kin ba o kay Ryu? Joke lang. Kay Prince o kay Ryu? P'wede rin si Lei.

Jaicy's POV

Tulala ako buong araw. Ni hindi ko na nga na-enjoy ang mga nalalabi naming oras sa La Estalla resort. Mamayang hapon kasi ay uuwi na kami pabalik ng San Isidro.

Hindi ko na rin nakita si Ryu matapos ang nangyari kagabi. Hindi pa s'ya bumabalik sa k'warto namin at sana ay huwag na dahil hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko kung sakali. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang likuran ko. Dinahilan ko na lang kay Prince na sumemplang ako kaya may mga natamo rin akong pasa at sugat. Minabuti ko na ring magsuot ng long sleeves para hindi n'ya na mapuna pa.

Kung sa iba ko sasabihin 'yon at hindi sila agad maniniwala. Pero dahil isang dakilang walang muwang sa mundo si Prince — agad s'yang naniwala sa 'kin.

Napagdesisyunan kong ibaon na lang sa limot ang nangyari sa 'min ni Ryu. Malaking gulo 'yon kung ilalabas ko pa. Pinaghalong away namin ni Prince, ni Mama, at ni Tito 'yon. Ayokong masira ang tahimik na pamilya namin dahil lang sa isang pagkakamali namin ni Ryu. Kaya kahit na ginagambala ako ng konsensya ko ay itatago ko na lang ang lahat.


"Galit ka pa rin ba sa 'kin?" parang batang tanong ni Prince.

Napatingin ako sa lalaking nakahiga sa lap ko ngayon. Kulong lang kami dito sa k'warto dahil ayaw n'yang lumabas. Ayaw ko rin naman kaya okay lang. Hindi ko kayang makita si Ryu at Lei ngayon. Sigurado akong tatadtarin ako ni Lei ng tanong tungkol sa relasyon namin ng kuya n'ya.

"Hindi ako galit. Parang matagal na naman kasi talagang alam ni Lei 'yong tungkol sa 'tin. Ano pa ba'ng magagawa ko eh may pagka-detective 'yang kapatid mo," nakangusong tugon ko. Matamis na ngumiti sa 'kin si Prince. Itinaas n'ya ang daliri n'ya para sundutin ang nakausling nguso ko.

"That's mine," saad n'ya.

Esto es mío.

Napasinghap ako nang marinig ko ang boses ni Ryu sa utak ko. Wala sa sarili kong naalis sa lap ko si Prince.

Bakit biglang bumabalik sa 'kin ang mga nangyari kagabi?

"D—Did I say something wrong?" nag-aalalang tanong n'ya. Agad akong umiling habang hawak pa rin ang dibdib. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.

Paano kung narinig ni Prince 'yong boses sa isip ko?

"S—Sorry. Nasamid lang ako sa sarili kong laway. Haha!" Pinilit kong itawa ang nangangatal kung mga labi. Ngumiti naman s'ya sa 'kin bilang tugon.

Hanggang kailan ako magiging ganito?

Sinugurado kong wala kaming maiiwan na gamit sa resort bago kami pumasok ng sasakyan. Pormal nang nakapagpaalam sina Tito sa may-ari ng resort. Blangko lang ang mukha ni Prince habang nakikipag-usap do'n sa mayamang may-ari. Hindi naman n'ya kasi talagang ugali bumati ng mga tao. Suwerte ka na nga kapag tinangohan ka n'ya.

"Nasaan ka na kaya ang batang iyon?"  nag-aalalang tanong ni Mama.

Paalis na kasi kami pero wala pa rin si Ryu. Iniisip ko tuloy kung dahil ba 'yon sa nangyari sa 'min. Naiilang din siguro s'ya.

Ting!

Napatingin ako kay Lei nang tumunog ang cellphone n'ya. Saglit n'yang binasa ang message bago naiiling na sinabi sa 'ming lahat ang dahilan kung bakit wala pa si Ryu.

"He sent me a message, Dad. Sunod na lang daw s'ya."

Bakas ang kapilyuhan sa mukha ni Lei kaya hindi ko maiwasang magduda. Kasama n'ya siguro iyong malanding Stacy. Pakialam ko? Ngudngod pa n'ya mukha n'ya sa dibdib ng babaeng 'yon kung gusto n'ya.

"O—Ouch," daing ng katabi ko.

Nagtataka akong napatingin kay Prince. Nakatingin s'ya sa braso n'ya kaya bumaba rin ang tingin ko ro'n. Nanlaki ang mata ko nang makita kong mahigpit ko na palang pinipisil ang braso n'ya.

"S—Sorry!" Agad kong binitawan ang namumulang braso ng boyfriend ko. Nakanguso s'yang tumingin sa 'kin habang hinihimas ang namumula n'yang balat.

"Are you still mad at me?" malungkot na saad n'ya. Mabilis akong umiling. Jusko! Hindi ko sinasadya.

"Hindi! Hindi! Ano ka ba. May naalala lang kasi akong nakagigil. Sorry na, hmm? Kiss ko na lang," malambing na sabi ko at hinalikan ang namumulang braso n'ya. Mabuti na lamang at nasa pinakalikod kami ng van. Nakangiti n'ya akong pinagmasdan. "Sorryyyy," mahabang saad ko.

Cute s'yang tumango at hinila ako papalapit sa kanya.

"I love you," malambing na bulong ni Prince sa tainga ko.

Kagat labi akong napasandal sa balikat n'ya.

"I love you too."

Magkahawak kamay kami buong b'yahe. Mataas naman kasi ang upuan sa harapan namin kaya hindi kami makikita ni Mama at Tito Otep dito sa likuran. Maliban na lang siguro dito kay Lei na kanina pa kami tinataasan baba ng kilay.

Hindi ako nagkamali dahil agad n'ya akong tinadtad ng tanong pagkababang pagkababa namin ng sasakyan.

"Ikaw, ah." Bakas ang panunukso sa boses nito kaya hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha. "So, hindi na pala kita p'wedeng galawin kasi kay kuya ka na?" tanong n'ya na nagpataas ng kilay ko.

"Ano'ng galawin?" nalilitong tanong ko. Ngumisi s'ya sa 'kin.

"Ganito, oh."

Sinampal sampal n'ya ang palad n'ya sa saradong kamao n'ya kaya lumikha ito ng isang bastos na tunog.

Plok! Plok! Plok!

Agad namula ang magkabilang pisngi ko dahil sa maruming pag-iisip n'ya.

"Manyak ka talaga!" asar na sigaw ko. Akmang babatuhin ko s'ya ng hawak kong bag pero kumaripas na s'ya ng takbo papasok ng bahay. Namumula akong naiwasan sa labasan. Tinutulungan ko kasi sina Mama maglabas ng mga gamit sa sasakyan.

Gabi na nang makauwi kami. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala kay Ryu. Marunong ba umuwi 'yon? Englishero pa naman 'yong hinayupak na iyon. Sigurado akong hindi makauuwi 'yon mag-isa.

Bahala s'ya.

"Give me that."

Napatingin ako sa lalaking pilit na inaagaw sa 'kin ang bag na hawak ko. Pipikit pikit na kasi s'ya kanina kaya sabi ko mauna na s'yang pumasok pero heto't lumabas pa ulit.

"Kaya ko na 'to. Pumasok ka na sa loob dahil masireno na," parang matandang utos ko pero hindi s'ya sumunod.

Nagtaka ako nang biglang kumunot ang noo n'ya habang nakatingin sa bag na hawak ko. Bumaba ang tingin ko sa tinitingan n'ya at napatigil ako nang makitang nausod na pala ang suot kong long sleeves.

"When did you get these tie marks?"

Art Of The Devil (Devil Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon