Chapter 2

4.4K 199 7
                                    

Jaicy's POV

Naghabaan ang leeg ng mga kapitbahay namin nang makauwi kami sa bayan. Bitbit ang mga maleta, bag at iba pang pasalubong nila sa iba naming mga kapitbahay ay tinahak namin ang may kalakihang bahay ng Tito ko.

Makalipas ang anim na taon ay muli nang magkakaroon ng tao sa loob ng bahay nila.

"Akin na 'yan."

Inagaw sa 'kin ni Lei ang bitbit kong bag. Umiling naman ako at nagpumilit na tumulong.

"Mas malaki pa sa 'yo 'tong bag. Kapag 'di ka tumigil d'yan isisilid kita dito sa loob," pananakot n'ya na tinawanan ko lang.

As if naman na kasya talaga ako roon.

Masaya silang sinalubong ng mga kapitbahay namin. Hindi na nagawang umalis ni Tito dahil tinadtad na s'ya ng pangungumusta ng mga ito. Minabuti na naming mauna sa loob para maipasok na ang mga gamit nila.

"Napagod ka ba sa b'yahe?" tanong ko kay Lei. Hinabol ko ng tingin ang paakyat na si Ryu.

Kanina pa n'ya ako hindi pinapansin.

"A little. Tara sa k'warto ko. I'll give you my gift," nakangiting sabi n'ya. Pumalakpak ang tainga ko sa sinabi n'ya. Muntik ko nang makalimutan ang tungkol sa regalo na ibibigay n'ya sa 'kin.

Sumunod ako sa kanya sa ikalawang palapag ng bahay nila. Nadaanan pa namin ang nakasaradong k'warto ni Ryu. "Let's see..." rinig kong bulong n'ya.

Pagkabukas n'ya ng pinto ay napangiti s'ya dahil malinis ito. Walang nagbago sa k'warto n'ya. Maayos pa ring nakadisplay sa shelf ang collection n'ya ng figurines ni Super Flash. Gano'n pa rin ang bedding n'ya. Kulay asul na stripes pa rin. Pati ang study desk n'ya ay puno pa rin ng nga comic books na paborito naming basahin noon.

"I missed this room," aniya. Bakas sa mata n'ya ang kasiyahan.

Naglakad ako papunta sa malambot n'yang kama at umupo. "Kailan daw susunod si kuya Prince?" tanong ko habang hinuhubad n'ya ang pang-itaas n'yang damit.

"He's currently working on an artwork. He didn't want to leave it unfinished kaya pinauna n'ya na kaming umuwi ng Pilipinas," sagot n'ya. Lumantad sa 'kin ang malaking katawan n'ya nang tuluyan na n'yang mahubad ang damit n'ya.

Parang kailan lang ay palito pa ang bansag ko sa kanya dahil sa sobrang payat ng katawan n'ya. Ngayon ay puno na s'ya ng muscles.

Binata na talaga s'ya.

Nagpalit s'ya ng komportableng damit at umupo sa tabi ko. Ngumiti s'ya sa'kin at inabot ang isang paper bag. "Hiling mo sa 'kin 'yan no'ng mga bata pa tayo."

Lumawak ang ngiti ko nang maalala ko ang hiling ko sa kanya bago sila umalis.

Walkie talkie!

Binuklat ko ang paper bag at hindi nga ako nagkamali.

"Salamat!" Nakangiti kong inikot ang maliit kong mga kamay sa baywang n'ya.

"Happy birthday," bulong n'ya. Sinubukan kong gamitin ang device at gumagana ito.

"Gusto mo bang pumasyal saglit?" tanong ko na agad naman n'yang sinang ayunan.

Marami nang nagbago sa bayan ng San Isidro simula no'ng umalis sila. Ang dating tulay na tinatambayan namin ay tinambakan na at isa na ngayong patag na kalsada. Ang eskwelahang pinasukan namin noon ng elementarya ay sarado na. May iilan na ring mga supermarket dito. Hindi kagaya noon na sa palengke lang makakikita ng mga gano'n.

Paglabas namin ng k'warto ay s'yang labas rin ni Ryu.

"Where are you going?" tanong ni Lei sa kapatid n'ya. Bumaba ang tingin ko sa suot n'ya. Mukhang may pupuntahan s'ya.

"I'm meeting someone," sagot n'ya. Saglit n'ya akong tinapunan ng tingin. Ngumiti naman ako kaagad pero agad din s'yang tumingin pabalik kay Lei.

"Already?" natatawang saad ni Lei. Nagtataka akong napatingin sa kanilang dalawa.

"Tss," ang tanging naging sagot n'ya sa kapatid n'ya. Nauna s'yang bumaba ng hagdan at umalis.

"Saan s'ya pupunta?" Nagtataka akong tumingin sa katabi ko na kasulukuyang nakangisi ngayon. Ano'ng nakatatawa?

"It's a guy thing," sagot n'ya na nagpapula ng pisngi ko.

May kikitain kayang babae si Ryu? Ang bilis naman. Wala pang isang oras ang nakararaan nang makauwi sila dito ay may natipuhan na agad s'ya.

Nakapatong ang mabigat n'yang braso sa 'kin nang lumabas kami ng bahay. Nadaanan pa namin sina Mama na abala pa rin sa pagkukuwentuhan. Nagpaalam kami sa kanila at sinabihan nila kaming umuwi ng maaga.

"Lumaki kang kamukha si Tita," sambit n'ya habang naglalakad kami patungo sa pantalan.

"Kamukha ko naman talaga si Mama." Ngumuso ako at tumingala patingin sa kanya. Dumaan ang mata ko sa matulis n'yang jawline.

"Oo, kamukha mo nga to the point na mukha kang babae," natatawang saad n'ya na lihim na ikinangiti ko. Akmang kukurutin ko s'ya nang makita ko ang anak ni Mang Karding na si Mike.

Bitbit n'ya ang isang balde ng mga bagong huli na isda.

"Hello, Mike! Ang daming huli, ah?" nakangiting bati ko habang nakatingin sa mga isda.

Nahihiya s'yang bumati pabalik. "H—Hello sa inyo." Tumingin s'ya kay Lei at tipid na ngumiti. "Nakabalik ka na pala, Lei," aniya. Ngumiti naman pabalik ang katabi ko.

Hindi na talaga nawala ang pagiging lambutin ng kilos at boses ni Mike. Kung hindi pa siguro dahil sa crush n'ya na si Jasmin ay iisipin kong bakla s'ya.

"Dadalhin mo na ba 'yan sa lola mo?" tanong ko sa kanya. Tumango naman s'ya sa 'kin bilang sagot.

"Una na ako sa inyo," nakangiting sabi n'ya. Tumango naman kaming dalawa ni Lei at pinanood s'yang umalis bitbit ang balde.

"Si Mike na ba 'yon?" hindi makapaniwalang tanong ni Lei sa 'kin. Natatawa naman akong tumango.

"Ang lamya pa rin ng kilos n'ya, 'no?"

Tumingin sa 'kin si Lei kaya nagtama ang mata naming dalawa. "Huwag kang magpapaloko sa mga gano'ng lalaki. Kunwari lang walang interes sa babae 'yang mga gan'yan pero nasa loob ang kulo," babala n'ya. Natatawa naman akong umiling iling.

"Mas mukhang manyak ka pa kaysa kay Mike, 'no," pang-aasar ko sa kanya.

"Aba't!"

Agad akong tumakbo palayo sa kanya. "HOY!" malakas na tawag n'ya habang hinahabol ako.

Mahigit isang oras rin kaming naghabulan nang mapagdesisyunan naming umuwi na. Madilim na ang daan at iilang streetlights na lang ang nagbibigay ng ilaw sa mabatong kalsada.

Nakaakbay pa rin s'ya sa 'kin. Medyo ngalay na ang balikat ko pero hinayaan ko na lang s'ya.

Pagpasok namin sa bahay nila ay agad kaming dumiretso sa taas.

"Hintayin mo na lang ako dito," bilin n'ya sa 'kin at saka pumasok ng k'warto para magpalit ng damit. Sa bahay kasi namin sila maghahapunan. Nagluto si Mama ng specialty n'yang adobo sa gata na paborito naming lahat.

Nagpanting ang tainga ko nang makarinig ako ng boses ng babae.

"Aghh... Ugh..."

Napatingin ako sa k'warto ni Ryu. Unti-unting namula ang pisngi ko nang mapagtanto ko ang nangyayari sa loob ng k'warto n'ya.

Art Of The Devil (Devil Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon