Chapter 27

2.4K 111 20
                                    

Jaicy's POV

Mahigpit ang kapit n'ya sa 'king baywang habang patuloy ang atras namin papunta sa kama. Napaungol ako nang pumasok ang kamay n'ya sa loob ng damit ko. Ramdam na ramdam ko ang maingat na paghaplos n'ya sa 'king balat. Ang sarap sa pakiramdam.

Sabay nang pagbagsak ng katawan ko sa kama ay ang pagbitaw n'ya sa baywang ko. Nakatayo lang s'ya sa may kama at nakatitig sa 'kin na parang isang maamong tupa.

"Jaicy," mahinang ungol n'ya. Namumungay ang mga mata kong pinagmasdan ang mukha n'ya. Sobrang pula na ng leeg at tainga n'ya. Nag-iinit na rin ba s'ya?

"I have to use the bathroom."

Parang bulang nawala ang init ng katawan ko sa sinabi n'ya. Inosente s'yang ngumiti sa 'kin at pumasok ng banyo. Tameme akong napatingin sa pintong pinasukan n'ya.

"Seryoso ba s'ya?" hindi makapaniwalang bulong ko sa sarili. Napairap na lang ako at tumitig sa kisame.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Pinaghalong hiya at asar ang bumabalot sa sistema ko ngayon.

Ano pa nga ba'ng aasahan ko kay Prince? Malamang ay wala s'yang alam sa mga ganitong bagay. Mas inosente pa s'ya sa bata.

Biglang pumasok sa isipan ko si Ryu. Ano kaya ang gagawin n'ya kung kami ang nasa gano'ng sitwasyon? Papakawalan n'ya rin kaya ako kagaya ng ginawa ni Prince?

Erase! Erase!

Bakit ko ba iniisip ang damuhong 'yon? Nababaliw na yata ako. Nakuha ko pa talagang isipin kung s'ya ang nasa sitwasyon ni Prince. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at nagpalit ng damit.

Umasal na lang ako na parang walang nangyari paglabas n'ya ng banyo. Mas'yado yata akong naging mapusok. Kung anu-ano kasing erotikang libro ang binabasa ko eh. Pati tuloy sa boyfriend ko ay nagagamit ko.

May mga scheduled activities na kami para sa bakasyon na ito. Mamayang tanghali ay magje-jet ski kami. Hindi ako marunong n'on s'yempre pero may magtuturo naman daw.

Magkasama kaming lumabas ni Prince ng k'warto. Hindi ko maiwasang mailang sa presensya ni Ryu. Kita ko kasi mula sa sulok ng mga mata ko ang matalim na tingin n'ya sa magkahawak na kamay namin ni Prince. Kailangan ko talaga s'yang makausap tungkol dito.

Sumapit ang tanghali. Busog pa 'ko dahil sa kinain ko kaninang umaga kaya hindi na ako sumabay sa kanila. Gano'n din si Prince. Hindi ko alam kung nasaan na si Ryu pero si Lei ay nandito na agad sa may pangpang at hindi makapaghintay.

"Maximo!" malakas na bati ni Lei sa lalaking naglalakad papalapit sa 'min.

Bahagyang umawang ang bibig ko dahil sa hubad na katawan n'ong Maximo. Napakamoreno ng balat n'ya at talagang nagpuputukan ang mga pandesal sa t'yan. Hindi rin naman nagpapahuli ang g'wapong mukha n'ya.

"Hola, amigos!" bati ng lalaki. Tumaas ang dalawang kilay ko dahil sa lengguwaheng ginamit n'ya. Ngumiti ako nang dumapo ang tingin n'ya sa 'kin. "Hola, hermoso." Nahihiya akong napadikit sa boyfriend ko dahil sa tono ng boses n'ya nang sabihin n'ya 'yon.

Hindi ko s'ya maintindihan pero ang flirty pakinggan ng boses n'ya.

"Hindi ba s'ya marunong mag tagalog? Paano n'ya tayo matuturuan?" nakangusong tanong ko. Tumawa naman 'yong Maximo at tumingin sa 'kin.

"Marunong akong mag tagalog kaya huwag kang mag-alala," sagot n'ya na may kasama pang kindat. Napatingin ako kay Prince dahil sa ginawa ni Maximo pero parang wala lang sa kanya 'yon.

"Kayo lang bang tatlo, amigo? Akala ko ay kasama n'yo si Ryu?" nagtatakang tanong nito. Luminga linga pa ito na tila hinahanap si Ryu.

Bigla kasing nawala ang damuho pagkatapos kami samaan ng tingin kanina. Hindi ko alam kung saan nagpunta. Baka roon sa babae n'yang halos pumutok na ang hinaharap sa sobrang laki.

"Oh, you're here. Shall we start?"

Napatingin ako sa gilid ko at nandoon na si Ryu at tahimik na nakatayo sa gilid. Wala s'yang suot na pang-itaas kaya nakabalandra ang mga tattoo n'ya sa katawan. Napaiwas ako ng tingin nang pumihit ang mukha n'ya sa gawi ko.

"Mainit ba?" tanong ni Prince.

Nagtataka akong napatingin sa kanya. Sobrang pula na ng maputlang balat n'ya dahil sa sikat ng araw. Dahan-dahan akong tumango.

"M-Medyo. Nauuhaw ka ba?"

Parang bata s'yang umiling at pinatong ang braso sa balikat ko. Wala sa sarili akong napatingin kay Ryu. Bahagyang nanlaki ang mata ko nang magtama ang mata naming dalawa. Bakas sa mata n'ya ang selos.

"A-Ang bigat." Marahan kong tinanggal ang braso ni Prince sa 'kin. Nagtataka n'ya akong tiningnan pero hindi ako umimik.

Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa 'yon. Dahil ba sa uri ng tingin na binibigay sa 'min ni Ryu?

"Okay, let's start. Uunahan ko na kayo amigos. Jet Ski can cause injuries if you're not careful enough, so lend me your ears," pagsisimula n'ya. Tahimik lang akong nakikinig sa lahat ng sinasabi ni Maximo.

Hindi pala basta basta ang Jet Ski. Maraming kailangan tandaan at gawin bago magpaandar nito. Bigla tuloy akong kinabahan. Parang ayoko ng tumuloy gaya ni Tito Otep at Mama. Kaya pala ayaw nila dahil mahirap.

"Nervous?" mahinang bulong ni Prince sa 'kin. Malambing akong tumango. Tanging haplos sa balikat ang nagawa n'ya sa akin dahil sa mga taong kasama namin.

Hindi nagtagal ay isa-isa na kaming pinasampa ni Maximo sa Jet Ski. Patuloy sa pagtambol ang puso ko pero kinakalma naman ako ni Maximo. Paano kung hindi ko makontrol 'to? Baka lumipad ako. Jusmisyo!

Sirena ako hindi ibon.

"Put your hands on the bars and your feet on the footrests," saad n'ya at ginaya ang kamay ko sa mga bagay na binanggit n'ya.

"Kinakabahan ako," mahinang sabi ko sa kanya. Tinaas ni Maximo ang tingin sa 'kin. Pansin ko ang kakaibang emosyon sa mga mata n'ya pero hindi ko na lang 'yon pinansin.

Ikamamatay ko yata itong jet ski na 'to.

"Do you know that money can actually buy you happiness?" nakangiting saad n'ya. Nagtataka akong tumingin sa kanya. "Because it can buy you a jet ski. Have you ever seen a sad person on a jet ski?" Tinaas baba pa n'ya ang dalawang kilay n'ya.

Matamis akong ngumiti sa kanya.

"Rebotarás tan bellamente como en la cama," nakangising saad n'ya at bumitaw sa akin. Kumunot ang noo ko dahil sa paraan ng pagsabi n'ya n'on. Parang may halong pang-iinsulto.

Nanlaki ang mata ko nang biglang sumulpot sa likod n'ya si Ryu. Sobrang dilim ng mukha nito na tila makapapatay ng tao.

"RYU!"

Art Of The Devil (Devil Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon