Jaicy's POV
Hindi ko maiwasang mahiya sa ginawa ko kay Prince. Ni hindi nga ako sigurado kung alam n'ya ba iyong ginawa ko sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa iyon.
Nababaliw na yata ako.
"Jaicy?" Isang malambing na boses ang nagpabalik sa 'king wisyo. Tinuon ko ang atensyon sa nobyo kong nakahiga sa lap ko.
"Gutom ka na ba?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya. Umiling s'ya.
Inosenteng ngumiti si Prince sa 'kin.
"I love you."
Kusang tumaas ang dalawang sulok ng labi ko sa sinabi n'ya. Nakangiti kong sinuklay ang buhok ni Prince gamit ang mga daliri ko.
"Are you okay? Kanina ka pa nakatulala. What are you thinking?" nag-aalalang tanong n'ya. Pinagmasdan ko ang maamong mukha n'ya. Walang bahid ng kahit anong kapilyuhan. Hindi ko maiwasang balutin ng konsensya dahil sa ginawa ko kanina.
Oo nga at nobyo ko s'ya pero tama ba iyong ginawa ko?
"Hmmm?" Binaling ko ang tingin sa pader na tinititigan ko kanina pa. Nakapaskil doon ang artwork na ginawa n'ya noon. Iyong babaeng may kulay bahagharing buhok. "Ang ganda kasi ng gawa mong iyan," palusot ko.
Kita ko sa sulok ng mga mata ko ang ginawa n'yang pagsunod tingin sa pinagmamasdan ko.
"I'm glad you like it. Ikaw ang iniisip ko habang ginagawa iyan."
Nasaan na kaya si Ryu?
"It's already available on my page."
Bakit hindi pa s'ya sumabay sa amin?
"Dad told me that I should make my signature larger next time. Do you think I should do that?"
Itutuloy ba n'ya ang naudlot nilang lampungan n'ong Stacy?
"Jaicy?"
Ano ba namang pakialam ko. Makipaglampungan s'ya kung kanino n'ya gusto. Bahala s'ya sa buhay n'ya.
"Jaicy?"
May pa-isla date pa silang nalalaman. Ma-stranded sana silang dalawa doon tapos liparin iyong tent nila!
"Jaicy!"
Parang bulang biglang pumutok ang mga tanong na naglalaro sa isipan ko nang marinig ko ang mas pinalakas na boses ni Prince. Agad kong binaling ang tingin sa kanya. Puno ng pagtataka ang asul na mga mata n'ya. Tipid akong napangiti.
Ano ba'ng nangyayari sa 'kin? Hindi ako makapokus.
"B—Bakit?" tulirong sagot ko.
Ilang segundo n'ya akong tinitigan bago s'ya unti-unting ngumiti.
"I'm hungry."
_
Lumipas ang gabi na hindi pa rin bumabalik si Ryu. Hindi ko maiwasang mag-alala. Masyado ba akong naging harsh sa kanya?
BINABASA MO ANG
Art Of The Devil (Devil Series #1)
Любовные романыWARNING! Mature content inside. A BxB story. _________ An androgynous discreet gay reunites with his three insatiably hot childhood friends. _________ Originally written by LunaticPessimist. Book cover by Urakumu Aero