Jaicy's POV
[Six Years Later]
"Napakahusay talagang pintor!" malakas na papuri ng isang mayamang lalaki sa painting ng boyfriend kong si Prince Kyle Vasquez na mas kilala na ngayon bilang 'The Crown Prince'.
Ang mga tao na mismo ang nagbansag nito sa kanya dahil sa tagal n'ya sa industriya ay hindi na mabilang ang mga awards na natanggap n'ya dahil sa galing n'ya sa pagpinta. Ilang mga artworks na rin n'ya ang naisabit sa National Gallery of Art na nagpapatunay ng kanyang husay at galing.
Bilang boyfriend n'ya ay syempre naman ay proud ako sa kanya. Ako na yata ang pinakaswerteng tao sa Mundo magmula nang maging akin s'ya.
"You did a pretty good job designing this place," sambit ng isang lalaki sa likuran ko.
Umusbong ang matamis na ngiti sa mukha ko nang makita ang boyfriend kong si Prince. Nagpaalam s'ya sa'kin kanina na babalik na sa hotel dahil hindi na kaya ng social battery n'ya ang dami ng taong humihingi ng picture sa kanya dito sa Gallery.
Hindi ko naman masisisi ang lalaki dahil tatlong oras lang yata s'ya natulog kagabi. Masyado kasi s'yang nalibang sa pagpinta ng bago n'yang artwork na sigurado akong maibebenta na naman n'ya sa nakalululang halaga.
"Thank you, love. Akala ko ba ay matutulog ka na? Hindi ka ba inaantok?" tanong ko.
Wala na akong nagawa nang biglang higitin ni Prince ang baywang ko para yakapin. Ipinatong din n'ya ang baba sa ulo ko kaya naman para kaming mga tukong magkayakap dito sa prestigious event na ito.
"Kung inaantok ka ay bumalik ka na sa hotel. Kami na Tito Otep ang bahala dito. Saglit na lang din naman ay matatapos na ito. I'll follow you soon, hmm?" malambing na sabi ko sa kanya. Hindi s'ya sumagot at nanatiling nakasubsob sa leeg ko. Wala na akong nagawa kung hindi hayaan s'ya sa trip n'ya. Magtatampo lang s'ya sa 'kin kapag pinilit kong baklasin ang pagkakayakap n'ya sa'kin. Ayaw ko naman n'on.
Sa loob ng limang taon ay marami nang nagbago. Natuto na kaming tanggapin ng publiko. Unti-unti na ring naging bukas ang mga tao sa same sex relationships. Maraming mga kilalang artista ang unti-unting naglabas ng totoo nilang sekswalidad.
Nakatapos rin ako ng program na Bachelor of Science in Interior Design sa Majua University sa Manila kung saan kinailangan kong manirahan ng limang taon.
Kaya nga't heto na ako ngayon at pinagmamasdan ang pinakauna kong proyekto bilang isang registered interior designer.
Naging madali na rin naman sa 'kin ang lahat dahil sa impluwensya ng boyfriend ko. Kahit papaano naman ay nagmature na s'ya nang bahagya. Alam na n'ya ngayon kung paano gagamitin ang popularity n'ya para makuha ang gusto n'ya. May mga pagkakataon lang talaga na mas pinipili pa rin n'ya magpababy sa akin.
Baby ko raw kasi s'ya e.
"Let's go back. I can't sleep without you," parang batang bulong n'ya sa tainga ko.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago mahinang tinapik ang likuran n'ya. Umatake na naman ang pagiging clingy at maligalig n'ya. Hindi s'ya titigil hangga't hindi n'ya ako nahihila pabalik ng hotel. Alam na alam ko na ang galawan n'ya.
May gusto na naman s'yang gawin.
Wala na akong nagawa nang hilahin ako ni Prince palabas ng Gallery.
Malapit na sana kami sa exit nang mahagip ng mga mata ko ang pinagkakaguluhang painting. No'ng una ay iniisip kong baka isa lang ito sa mga artworks ni Prince pero no'ng marealize ko na nasa iisang lugar lang ang lahat ng likha n'ya ay doon ako binalot ng kuryusidad.
BINABASA MO ANG
Art Of The Devil (Devil Series #1)
RomanceWARNING! Mature content inside. A BxB story. _________ An androgynous discreet gay reunites with his three insatiably hot childhood friends. _________ Originally written by LunaticPessimist. Book cover by Urakumu Aero