Chapter 12

3.4K 158 7
                                    

Jaicy's POV

Kusang gumalaw ang mga paa ko papalapit sa bahay nila. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng aking puso. Labis ang kasiyahang makikita sa'king mukha. Halos magkandarapa pa ako sa mabilis kong pagtakbo.

"Paraan po!" Hinawi ko ang mga nagtutumpukang mga ale at lumusot papasok ng bakuran.

Hinihingal akong napatigil sa tapat ng bahay nila. Bahagya kong inayos ang nagulo kong buhok bago binuksan ang malaking pinto.

Doon na nga tumambad sa 'kin ang kababata kong si Prince. Hindi na n'ya nagawang lumingon pa dahil agad ko s'yang sinalubong ng isang mahigpit na yakap.

"Prince!" masayang bati ko. Parang gusaling tumumba sa sandalan ng sofa ang katawan n'ya dahil sa ginawa kong pagdamba. Mahigpit na nakapulupot ang kamay ko sa baywang n'ya. Pilit kong sinisiksik ang mukha ko sa matigas na dibdib n'ya. Hindi ako makapaniwalang nandito na s'ya!

Mahina s'yang tumawa. "Haha! Na-miss rin kita Jaicy," tugon n'ya. Nilayo ko ang sarili ko sa kanya upang mas mapagmasdan ng mabuti ang kanyang mukha.

Wala pa ring nagbago. Ang guwapo n'ya pa rin.

Dumapo ang tingin ko sa mahaba n'yang mga pilikmata. Para talaga s'yang manika. Kagaya ng mga kapatid n'ya ay matangos at mataas rin ang kan'yang ilong. Halos maging kulay dugo naman sa pula ang kanyang mga manipis na labi.

Sa kanilang tatlong magkakapatid ay si Prince ang may pinakamaputing balat. Hindi ko nga alam kung maputi pa ba ang tamang term. Mas tama sigurong tawaging maputla ang balat n'ya.

"Jaicy."

Nagising ako sa aking pangangarap nang tawagin n'ya ang pangalan ko.

"Bakit? May kailangan ka ba? Gusto mong kumain?" sunod-sunod na tanong ko sa binata. Nahihiya n'yang iniling ang ulo n'ya.

"Iyong tuhod mo," mahinang saad n'ya. Nagtataka akong tumingin sa tuhod ko at nanlaki ang mata ko nang makita kong nasa pagitan pala ito ng mga hita n'ya. Agad akong lumayo sa kanya at namumulang nag-iwas ng tingin.

"S-Sorry!"

"Hahah! It's okay," nakangiting sagot n'ya. Hinawakan n'ya ang kamay ko at hinila palapit sa kanya. Napaupo tuloy ako sa tabi n'ya.

Nag-init ang pisngi ko nang maglabas s'ya ng isang bouquet ng rosas. "For you," nakangiting sabi n'ya at inabot sa 'kin ang mabangong mga bulaklak. Namumula ko iyong tinanggap.

Ang sweet at thoughtful n'ya pa rin.

"Hello big bro!"

Sabay kaming lumingon sa pinto kung saan pumasok si Lei. Malawak ang ngiti sa kanyang mga labi. Kasunod n'ya ang nakapamulsang si Ryu. Kasalungat naman nito ang kapatid na blangko ang ekspresyon at dire-deretsong umakyat ng hagdan. Hindi man lang binati ang kuya n'ya.

"Where's Dad?" tanong ni Lei.

"He's talking to Manager Lim," nakangiting sagot ni Prince.

Hindi ko maiwasang mahawa sa maaliwalas na mukha n'ya. Lagi talaga s'yang nakangiti noon pa man. Never ko pa nga s'ya nakitang nagalit kahit isang beses. Nginingitian n'ya lang lahat nang nang-aaway sa kanya noon. Ako pa nga ang nagtatanggol sa kanya dahil sa totoo lang...

Para s'yang pinanganak kahapon.

Madali s'yang naloloko ng mga taong nakapaligid sa kanya. Maraming mga bagay s'yang hirap na gawin mag-isa gaya nang pagbubukas ng easy open na lata. Naiintindihan naman naming lahat 'yon dahil lumaki s'yang kulong sa kanyang k'warto at walang ibang ginawa kung hindi magpinta at mag-drawing.

Kaya nga naging malapit ako sa kanya eh. Sobrang genuine n'ya kasing tao.

Sa totoo lang ay parang hindi s'ya deserve ng mundo. Total package na kasi ang kaibigan ko. Mabait, guwapo, talented, matangkad, mayaman at matalino kaso medyo naive lang talaga kaya nga todo bantay ako sa kanya.

Naalala ko kasi no'ng mga bata kami, may tumawad ng painting n'ya sa halagang bente pesos. Lugi pa s'ya sa ginamit n'yang mga materyales. From 50,000 pesos ay naging bente pesos ang halaga ng napakaganda n'yang artwork.

Simulo n'on ay si Tito na ang namamahala ng lahat ng transactions n'ya. Ito na nga sila ngayon. Nakapag-abroad at nakaluluwag na. May mamahaling sasakyan pa.

"I'll go get Tita."

Mukhang gutom na talaga si Lei at hinahanap na ang nanay ko. Lalabas na sana s'ya ng pinto nang muli n'ya kaming tinapunan ng tingin. "Take your time love birds," nakangising saad ni Lei. Natatawa na lang akong nailing.

Binalot kami ng saglit na katahimikan.

"Saan kayo galing?" tanong ni Prince. Tumingala ako sa kanya at ngumiti.

"Naligo kami sa dagat. Kung mas maaga sana ang uwi mo ay isasama ka namin. Sakto at ang init ng panahon." Bumaba ang tingin ko sa suot n'yang damit.

Nakaputing long sleeves s'ya at cream colored na pants. Kahit na maginhawa sa mata ang kulay ng damit n'ya ay hindi ko pa rin maiwasang banasin sa suot n'ya. Tirik na tirik ang araw pero nakamahaba pa s'ya.

Dumapo ang tingin ko sa nakasuksok na panyo sa chest pocket n'ya. Kinuha ko 'yon at pinunasan ang namumuong mga pawis sa noo n'ya.

"Magpalit ka ng damit sa taas. Ang init tapos balot na balot ka," puna ko sa suot n'yang damit. Nakangiti naman s'yang tumango habang pinagmamasdan akong punasan ang g'wapong mukha n'ya.

Tinulungan ko s'yang iakyat ang mga maleta n'ya.

Mas excited pa ako sa kanyang buksan ang k'warto n'ya makalipas ang anim na taon. Kagaya nga kasi ng sabi ko noon, tinitiis ko ang nakababagot n'yang pagpipinta makalaro lang s'ya. Sa sobrang kabagutan ko ay naki-drawing ako kahit stick man lang naman ang kaya ko.

"Buksan mo na," excited na sabi ko sa kanya.

Pinanood ko s'yang ipasok ang susi sa door knob. Nakaiilang labas masok na s'ya pero hindi pa rin nabubuksan ang pinto. Napabuga na lang ako ng hangin at inagaw sa kanya ang susi.

"Ako na," mahinang saad ko. Pinasok ko ang susi at kusa nang nagbukas ang pinto n'ya.

Awtomatikong tumaas ang sulok ng mga labi ko nang tumambad sa amin ang makulay n'yang k'warto. Ang daming nakapaskil na artwork sa pader n'ya. Naroon pa ang ilang mga gawa ko sa study table n'ya. Walang punda ang kama at unan n'ya pero maliban doon ay wala nang nagbago sa k'warto n'ya.

Pinasok n'ya sa k'warto ang mga maleta n'ya. Agad ko s'yang tinulungan dahil baka mabali pa ang likod n'ya. Hindi pa naman s'ya sanay magbuhat ng mabigat.

"Nandito pa pala ito?"

Nakangiti kong pinagmasdan ang ginuhit n'yang larawan ko. Tanda ko pa kung paano ako nakatulog sa paghihintay sa kanyang matapos sa pagpipinta. Wala pang sampung minuto akong nakatutulog no'n nang magawa n'ya 'yan.

"Bakit hindi mo inuwi?" Tumabi s'ya sa akin at tinanggal sa pagkakadikit ang papel. "Ayaw mo ba? 'Di ba binigay ko sa 'yo 'to?" nagtatakang tanong n'ya.

Mapakla akong napangiti. "Baka kasi ma-miss kita nang sobra kapag nakita ko 'yan kaya pinaiwan ko kay Tito Otep no'ng nag-eempake kayo."

Gumuhit ang isang matamis na ngiti sa mga labi n'ya.

Bigla s'yang yumuko kaya nagpantay ang mga mukha namin. Napaawang ang bibig ko dahil sa malapit na view ng g'wapo n'yang mukha. Kumabog ang dibdib ko sa sobrang kaba. Ramdam ko na ang mainit n'yang hiningang tumatama sa mukha ko. Amoy mint.

"Simula ngayon, babayaran ko ang anim na taong pagkalayo ko sa 'yo."

Napatingin ako sa asul na mga mata n'ya. Babayaran?

"I'll be yours."

Art Of The Devil (Devil Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon