Jaicy's POV
Pinapanood ko lang si Prince habang abala s'ya sa pagpipinta. Bigla tuloy ako tinamaan ng nostalgia. Ganitong ganito rin ako noon no'ng mga bata kami. Solo audiece n'ya sa lahat ng live performances n'ya.
Dumapo ang tingin ko sa seryosong mukha n'ya. Para s'yang anghel na nagpipinta. Anghel na may tinatagong kapilyuhan.
"Sabi ni Lei may tinatrabaho ka raw na painting kaya late ka nakauwi?" pagsisimula ko ng usap. Panakaw s'yang tumingin sa 'kin habang maingat na kinukulayan ang may kalakihang canvas n'ya.
"Hmmm? Yeah. I was working on an abstract painting," nakapokus parin sa canvas na sagot n'ya. Ngumiti naman ako dahil do'n. Kung sa iba kasi ay tila nagsasara ang tainga n'ya, sa 'kin ay hindi. Sumasagot s'ya sa mga tanong ko kahit busy s'ya sa pagpipinta. Minsan nga ay s'ya pa ang nagtatanong para hindi ako mabagot.
"Hindi ka ba nangangalay riyan?" nakangiwing tanong ko habang pinagmamasdan ang may kalakihang braso n'ya.
Biglang lumitaw sa isipan ko ang maskuladong braso ni Ryu. Ang laki ng pagkakaiba nilang magkapatid pagdating sa physical features. Di hamak na mas malaking tao si Ryu kaysa kay Prince. Hindi naman kasi physically active si Prince. 'Yong matagal na paghawak na nga lang yata ng brush ang pinaka-pysical activity n'ya.
"I'm used to it. P'wedeng paabot n'on?" Parang bata n'yang tinuro ang maliit na basahan na nakapatong sa bed side table.
Binangon ko ang sarili ko sa kama n'ya at kinuha ang puting basahan. "Hmmm," mahinang sabi ko at inabot sa kanya ang basahan. Nanlaki ang mata ko nang bigla n'yang hilahin ang kamay ko. Napaupo ako sa lap n'ya.
"Ano ba!" asar na sigaw ko at tatayo na sana pero hinawakan n'ya ang baywang ko.
"Kiss muna," parang batang sabi n'ya at ngumuso. Napatingin ako sa mapulang mga labi n'ya.
Tsup!
"Ayan na," nagpipigil ng ngiting sabi ko. Hindi ko alam. Basta kinikilig ako. B'wisit na lalaking 'to.
Humaba ang nguso n'ya at mukhang nabitin sa kiss ko. "Ang bilis naman. Tagalan mo. Mga ten seconds," parang prinsipeng saad n'ya at ngumuso ulit. Kahit napapangiti ako ay hindi ko maiwasang kabahan.
Hindi kasi ako marunong humalik.
"Ang tagal naman. Five seconds lang!" reklamo ko.
"Fine," supladong sabi n'ya at muling ngumuso. Kinakabahan kong pinaglapat ang mga labi namin. Nakapikit ang mga mata n'ya kaya kitang kita ko ang mahaba n'yang eyelashes. Habang ako naman ay dilat na dilat na parang tarsier at naghihintay ng violent reaction mula sa kanya.
Nanigas ako nang biglang gumalaw ang labi n'ya. Lagpas five seconds na!
Ilalayo ko na sana ang mukha ko nang hawakan n'ya ang likod ng ulo ko at mas diniin pa ang mukha ko sa kanya. Ang isang kamay naman n'ya ay mabilis na hinuli ang mga kamay ko nang akmang itutulak ko s'ya.
Ang bilis ni kupal.
"Hmmpp!" Mauubusan ako ng oxygen. Jusko!
Mabigat ang mga paghinga ko nang bitawan n'ya ang labi ko. Agad kong inagaw ang kamay ko sa kanya at asar na kinurot ang tagiliran n'ya.
"Oww!" natatawang daing n'ya.
Padabog akong umalis sa lap n'ya at binato sa mukha n'ya ang basahan. Pulang pula ang mukha ko sa pinaghalong hiya at kilig. Napakagwapong nilalang naman kasi kaya hindi ko magawang maasar nang tuluyan.
Nakangisi s'yang bumalik sa pagpipinta. Tuwang-tuwa pa ang kumag dahil nakahalik na naman s'ya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses n'ya na 'kong nahalikan ngayong araw.
He likes to kiss me. He wasn't lying when he said that. Walang minuto yatang hindi basa ang labi ko dahil sa kanya. No'ng una ay simpleng mabilis na halik lang pero kalaunan ay gumagalaw na ang labi niya. Ngayon ay nanlaban pa sa pagputol ko ng halik. Umaasenso ang lolo Prince n'yo.
"Kumain ka ba?" tanong ko. Medyo asar pa rin pero pumawi na.
"I don't eat dinner."
"Kumain ka. Masama 'yang nagpapalipas ng gutom. Ang payat mo na nga eh." Pinagmasdan ko ang katawan n'ya. Hindi naman s'ya sobrang payat talaga. Pero lumiliit talaga s'ya kapag natatabi sa dalawang nakababatang kapatid n'ya. Mas nagmumukha s'yang bunso.
"I'm not hungry," pagtanggi n'ya.
"Kahit kaunti lang. I'll cook for you!" masiglang sabi ko. Tumaas naman ang sulok ng mga labi n'ya kaya alam kong papayag na s'ya. Number one fan ko kasi s'ya pagdating sa pagluluto. Ewan ko kung may deperensya ang dila n'ya pero s'ya lang kasi ang nasasarapan sa luto ko. Hehehe.
"Okay. Basta hindi heavy. I can't sleep when I'm full." G'wapo s'yang ngumiti sa 'kin. Matamis akong ngumiti at lumabas ng k'warto para ipagluto s'ya. Kahit hindi ako magaling magluto, marami naman akong alam na dishes kaya sigurado akong magugustuhan n'ya pa rin.
Napatigil ako sa k'warto ni Ryu nang makarinig ako ng tugtog ng gitara.
"I missed you. Even you're in his arms, I'll hold you. Wish I was him so I could stay with you," kanta n'ya mula sa loob ng silid.
Napangiti ako sa malamig na boses ni Ryu. Hindi ko mapigilang kiligin sa labas ng k'warto n'ya. Para akong paralisadong bulate na sinabuyan ng asin at hindi malaman kung mangingisay ba o hindi.
"Ginagawa mo riyan?"
Napatingin ako sa hagdan nang marinig ko ang malalim na boses ni Lei. Agad ko s'yang sinalubong ng ngiti. Nakabalik na pala s'ya. "Kumain ka na?" sweet na tanong ko at lumingkis sa braso n'ya. Parang nakakita naman s'ya ng multo at nanliliit pa ang mga matang napatingin sa 'kin.
"Ano'ng nakain mo? Para kang in heat na pusa sa sobrang sweet mo," nang-aasar na sabi n'ya at ngumisi. Agad nabura ang ngiti sa labi ko. Nanggigigil kong pinisil ang matigas na braso n'ya.
"Aray!" daing n'ya.
"Ewan ko sa 'yo!"
Tatawa tawa pa s'ya habang bumaba ako ng hagdan. Madilim na sa labas. Hinatiran lang kami ng ulam ni Mama kanina para may hapunan kami. Si Mama at Tito Otep ang magkasamang umalis sakay ng mamahaling sasakyan nila.
Masaya ako dahil nakakagala na si Mama. Kaysa naman sa lagi s'yang nasa palengke at nagtitinda. Naiintindihan ko naman na ginagawa 'yon ni Mama para sa 'min lalo na't malapit na 'ko mag-kolehiyo. Pero hindi rin naman masamang lumabas paminsan minsan 'di ba? Mas'yadong maganda ang Mama ko para magtinda lang. Kailangan n'ya rin irampa ang gandang namana ko sa kanya.
Maingat akong nagluto. Gusto ko kasi na masarap ang kalabasan nito kahit na alam kong wala akong talent sa pagluluto. Daan ko na lang siguro sa salestalk. Hehehe.
Napangiti ako nang marinig ko ang mabilis na mga yapak ni Lei. Hindi na yata nakapaghintay at bumaba na dahil sa sarap ng amoy nang niluluto ko. Charot!
"Walang sunog. Nagluluto lang ako," pangunguna ko bago pa n'ya 'ko alaskahin. Nakapokus lang ako sa paghalo ng lugaw at hindi pinapansin ang malilikot na galaw n'ya sa kusina.
"Gusto mo rin ba kumain? Pinagluto ko si Prince. H'wag ka mag-alala walang lason—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang makita ko si Ryu na nagsasalin ng tubig sa baso. Akala ko si Lei.
Napatingin ako sa hubad na katawan n'ya. Tanging sweatpants lang ang suot n'ya at sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako tumingin sa bukol n'ya. 'Yon nga ang unang pumukaw ng atensyon ko eh. Parang may tinatago s'yang malaking santol sa brief n'ya.
"It's burning."
Napataas ako ng tingin sa mukha n'ya. Pinagmasdan ko ang swabeng pag-inom n'ya ng tubig at ang pagtaas baba ng adam's apple n'ya. Kumunot ang noo n'ya habang nakatingin sa 'kin. Para s'yang endorser ng tubig. Ang g'wapo. Mahuhubo yata ang brief ko. Binaba n'ya ang baso at inis na tinuro ang kalan.
"I said it's burning!" malakas na sabi n'ya. Parang bulang biglang pumutok ang imahinasyon ko at agad napatingin sa niluluto kong lugaw.
"Hala! Burning nga," naghihisterikal na sigaw ko at mabilis na pinatay ang apoy. Napatingin ako kay Ryu nang marinig ko ang nakakaakit na pagtawa n'ya.
"Tulala kasi mas'yado," nakangising sabi n'ya at lumayas ng kusina.
BINABASA MO ANG
Art Of The Devil (Devil Series #1)
Любовные романыWARNING! Mature content inside. A BxB story. _________ An androgynous discreet gay reunites with his three insatiably hot childhood friends. _________ Originally written by LunaticPessimist. Book cover by Urakumu Aero