Jaicy's POV
"I swear, I heard him, Prince. Hindi ako baliw. He talked to me. He spoke something in Spanish. He even..." Agad akong napatigil nang mapagtanto ang mga sunod na litanya ko. Gusto ko mang patunayan na buhay si Ryu at naramdaman ko s'ya ay hindi ko magawa.
How do I tell my boyfriend that Ryu is alive?
That I know that for a fact because he even kissed me.
Isang pagod na tingin ang pinukol sa akin ni Prince. Mahigit isang oras na kasi akong nagpupumilit na manatili sa hospital dahil sa paniniwalang pumasok sa kwarto ko si Ryu. Dumating pa sa puntong pati ang security team ng hospital ay naistorbo namin sa kagustuhan kong malaman ang katotohanan.
Pero nang mai-check nila ang CCTV ay gano'n na lamang ang panlulumo ko nang sabihin nilang walang pumasok sa room ko pagkalabas ni Prince.
Ilusyon ko nga lang ba ang lahat?
Baliw na nga ba talaga ako?
"Love..." mahinang tawag sa akin ni Prince. Hindi ako sumagot at nanatiling nakaharap sa pader.
Alam kong hindi s'ya naniniwala sa akin. Kahit naman ako ay frustrated na rin dahil hindi ko mapatunayan ang narinig at naramdaman ko.
But I felt his lips against mine.
That's the strongest proof I have that he's alive.
Hindi kabaliwan ang lahat ng mga pagpapakita sa akin ni Ryu.
Minsan ko nang naamoy ang perfume n'ya sa office ko. Ilang beses na rin akong nakatanggap ng misteryosong red rose sa apartment ko. And when I almost got raped when I was walking back to my board house from University three years ago, a mysterious man saved me. It might be dark and traumatizing that night but I saw his face.
It was Ryu.
Ngayon n'yo sabihin sa aking baliw ako!
Siguro nga ay hindi ko mapatunayan ang lahat nang sinasabi ko ngayon pero alam ko sa puso't isip ko na buhay si Ryu at s'ya ang may pakana ng lahat ng ito.
He wants me to know that he's alive.
Naramdaman ko ang pag-upo ni Prince sa tabi ko. Ilang saglit pa ay ang sunod ko nang naramdaman ay ang pagbuhat n'ya sa akin palipat sa wheelchair.
"Let's go home..." malamig na sabi n'ya.
Hindi na ako nanlaban nang itulak n'ya ang wheelchair palabas ng silid. Wala na rin naman akong magagawa dahil alam kong isang baliw na lang ang tingin sa akin ni Prince kapag umaandar ang sumpong kong ganito.
Minsan ay gusto ko ring kwestyunin ang mga nakikita ko. Iniisip ko na baka epekto ito ng katotohanan na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang pagkawala ni Ryu.
Na hanggang ngayon ay nagsisisi pa rin ako na hindi ko nasabi sa kanya ang totoo.
Na s'ya talaga ang totoong mahal ko.
*****
[A Weeek Later]
"Are you sure na kaya mo nang magtrabaho ulit? You don't have to force yourself, Jaicy. Don't rush yourself. Ako na ang bahalang magtuloy ng project mo. You know you can always transfer it to me," makahulugang saad ng colleague kong si Veronica. Kunwari pa nitong tinapik ang balikat ko na akala mo'y nag-aalala talaga sa kalagayan ko.
Alam ko namang gusto n'ya lang makuha ang oportunidad na makuha ang project ko para magkaroon na s'ya ng big break.
Pareho kaming Junior Designers ni Veronica. Mahigpit ko na rin talaga s'yang kakompetensya kahit noong college pa lang kami. She's always below me but she somehow managed to follow me here sa firm ko. A part of me wants to believe that she's insecure dahil sa excellence ko both in academics and in real-life setting. I don't know to be honest. Wala rin naman akong pakialam sa kanya.
BINABASA MO ANG
Art Of The Devil (Devil Series #1)
Roman d'amourWARNING! Mature content inside. A BxB story. _________ An androgynous discreet gay reunites with his three insatiably hot childhood friends. _________ Originally written by LunaticPessimist. Book cover by Urakumu Aero