Chapter 33

2.1K 83 14
                                    

Warning SPG

Jaicy's POV

Hindi ako nakasagot sa tanong ni Prince. Kunot noo pa rin s'yang nakatingin sa 'kin at naghihintay ng sagot. Agad kong kinuha ang kamay ko sa kanya at tinago.

"I—Ito? Baka sa posisyon natin sa sasakyan kanina. Naipit kasi mga kamay ko no'ng yakap kita. Mawawala rin 'to agad," pagsisinungaling ko. Hindi ko maiwasang mautal dahil sa nerbyos. Hindi ako sigurado kung bebenta pa ba sa kanya ang mga kasinungalingan ko.

Agad napalitan ng pag-aalala ang kalituhan sa mukha n'ya.

"You should have told me. Pumasok ka na sa loob. We have to take care of that," sabi n'ya at akmang hihilahin ako papasok ng bahay pero tumanggi ako. Nilingon ko ang mga kahon na naiwan sa sasakyan. Kailangan ko pang dalhin sa loob ang lahat ng 'yon. "Jaicy?" tawag n'ya.

"Susunod ako. Umuna ka na," nakangiting tugon ko.

Sinundan n'ya ng tingin ang mga kahon na nilingon ko. Tumaas ang dalawang kilay ko nang bigla s'yang maglakad papunta ro'n. Namilog ang mga mata ko nang isa-isa n'yang kuhanin ang mabibigat na kahon na naglalaman ng mga gamit na dinala namin sa trip. Speaker ni Tito Otep at free souvenirs na galing sa La Estalla resort.

"P—Prince! Ako na riyan. Bumalik ka na lang sa loob." Pilit kong inagaw ang mga kahon na hawak n'ya pero hindi n'ya binigay. Dumadali na naman s'ya sa pagiging prince charming n'ya e hindi naman s'ya sanay magbuhat. "Ibaba mo na 'yan. Tatawagin ko na lang si Lei. Pabalik na 'yon. Pumasok ka na kasi!" pangungulit ko pa.

Pinagpatong patong n'ya ang mga mga box sa kamay n'ya at binuhat na parang wala lang ang mga ito. Napaawang ang bibig ko habang sinusundan s'ya ng tingin pumasok sa loob ng bahay.

Kailan pa s'ya natuto magbuhat?

"Jaicy?" tawag n'ya. Nasa may pinto na s'ya at hinihintay akong sumunod sa kanya.

Nakangiti akong naglakad papalapit sa boyfriend ko. "Marunong ka pala magbuhat, huh?" nanunuksong komento ko. Humaba naman ang nguso n'ya.

"Ikaw lang naman 'tong overprotective sa 'kin."

"Aba't s'yempre. Last time na nagbuhat ka kaya sumemplang ka sa sahig. Hahah!"

"Bata pa tayo n'on."

"Oh, bakit? Ikaw pa rin naman 'yong lampang Prince na kilala ko."

"Psh."

"Hahahah!"

Masaya kaming pumasok sa loob ng bahay. Nakasalubong pa namin si Lei na mukhang palabas para kuhanin ang mga natitirang gamit sa sasakyan. Nahuli n'ya kaming nagtatawanan kaya lumabas ang mapaglarong ngisi sa mga labi n'ya.

"Ayieeee. Magkasama 'yong mag-fubu," nanunuksong saad nito na kinaikot ng mga mata ko. Nakangiti lang si Prince sa kanya na mukhang tuwang tuwa pa sa pang-aasar ng kapatid.

"Fubu?" inosenteng tanong ni Prince.

Agad kong sinamaan ng tingin si Lei bago pa s'ya makapagsabi ng kung anong kabalastugan kay Prince. "Wala iyon. Tara na sa taas. Baba mo na lang d'yan 'yang mga kahon," malambing na tugon ko. Sinunod naman ako ni Prince at magkasama kaming umakyat ng k'warto.

Art Of The Devil (Devil Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon