Chapter 3

4K 187 8
                                    

Jaicy's POV

Napakislot ako nang lumabas si Lei mula sa k'warto n'ya. Nagtataka n'yang sinundan ng tingin ang tinitigan kong pinto ni Ryu.

Tuloy pa rin sa pag-ungol ang babae sa loob na tila sarap na sarap sa kung ano mang kababalaghang ginagawa nila. Mahinang tumawa si Lei at pinihit ang katawan ko patalikod.

"Don't mind his business. Simula ngayon ay sanayin mo na ang sarili mo sa pagiging manyak ni Ryu," natatawang bulong n'ya at mahina akong tinulak pababa ng hagdan.

Namumula akong dumiretso sa pinto palabas ng bahay nila. Sa tapat lang ng bahay nila nakatirik ang bahay namin. Madilim sa parteng ito ng barangay namin dahil hindi pa ito napatatayuan ng mga streetlights. Tanging buwan lang ang nagsilbing ilaw namin. Hinawakan n'ya ang nilalamig kong kamay at pinasok sa bulsa ng pants n'ya.

"Nandito na po kami!" malakas na sabi ko. Lumabas naman si Mama sa kusina at nakangiti kaming inayang umupo sa lamesa.

"Ang bango naman po!" nakatawang komento ni Lei. Mukhang kinilig naman ang nanay ko sa pambobola niya. Lumabas si Tito sa kusina bitbit ang isang umuusok na kawali.

"Baka mapaso ka!" paalala ni Mama kay Tito. Umupo na kaming lahat nang matapos na ang paghahain.

Nagtatakang tumingin sa 'min si Mama. "Nasaan si Ryu?" tanong n'ya. Nagkatinginan kaming dalawa ni Lei. Muli na namang namula ang mukha ko nang maalala ko ang narinig ko kanina.

"S—Susunod na lang daw po s'ya. Nag-aayos po yata ng gamit," pagsisinungaling ko. Mukhang bumenta naman 'yon kina Mama habang si Lei naman ay nagpipigil ng tawa.

Palihim kong sinipa ang paa n'ya sa ilalim ng lamesa.

"Aw!" daing n'ya.

Napuno ng kuwentuhan ang hapag-kainan. Hindi naging sapat ang dalawang oras sa anim na taon naming pagkawalay sa isa't isa kaya naman nagpresinta na akong maghugas ng pinggan habang patuloy sa pagkukuwento si Tito tungkol sa panganay n'yang anak.

"Ang painting na ginawa n'ya noong eleven years old s'ya ay naibenta sa halagang kalahating milyon," kuwento ng lalaki. Matamis akong napangiti habang sinasabon ang mga baso.

Nakaka-proud naman ang kababata ko.

Hindi kagaya ng dalawang nakababatang kapatid n'ya ay tahimik lang s'ya at mahiyain. Natatandaan ko pa noon, kinakailangan ko pang tiisin ang nakababagot na pagpe-paint n'ya makalaro lang s'ya.

"Ako ba 'yang iniisip mo?"

Napakurba ang likod ko nang biglang pumulupot ang kamay n'ya sa baywang ko.

"Tumigil ka nga d'yan," suway ko. Dumadali na naman s'ya sa pagiging pilyo n'ya.

Pinatong n'ya ang baba n'ya sa balikat ko. Tuloy pa rin ako sa paghuhugas kahit na may tarsier na nakayakap sa 'kin ngayon. "Sabihin mo naman sa 'kin kung sino'ng pinakamaganda dito sa barangay natin."

Napairap ako sa sinabi n'ya.

"Natatandaan mo pa si Chichay?" tanong ko. Saglit s'yang tumahimik at tila inaalala ang pangalang sinambit ko.

"Iyong crush namin ni Ryu dati? Iyong batang mahilig sa aratilis na laging nakatirintas ang buhok?" sagot n'ya. Natatawa naman akong tumango.

"Tomboy na s'ya ngayon," kuwento ko. Mukhang nagulat naman s'ya sa sinabi ko.

"What! 'Di ba kikay 'yon?"

"Oo nga eh. Haha! Malay mo ikaw pala ang magpapalambot sa matigas n'yang puso," panunukso ko.

"Tss... No, thanks. I'd rather court you na lang."

Natahimik ako sa sinabi n'ya. Ramdam ko ang pag-init ng buong mukha ko. Tumikhim ako at pilit na kumawala sa pagkakayakap n'ya sa 'kin.

"Hindi ba nagugutom si Ryu?" pag-iiba ko ng usapan. Sumandal s'ya sa lababo at umiling.

"Nagkakainan na sila ng kasama n'ya ngayon. I'm sure na busog na busog na 'yon," pilosopong sagot n'ya. Nanlalaki ang mata kong napatingin kina Mama at Tito na nagkukuwentuhan pa rin.

"Bibig mo!" mahinang suway ko.

Pabiro n'yang iginaya ang kamay n'ya sa bibig at kunwaring sinara. Naiiling na lang akong tumawa. "Dadalahan ko na lang ang kapatid mo."

"Hey! May usapan tayo ah. Punta ka sa room ko after that. We'll watch a movie." Tinaas n'ya ang hawak n'yang CD. Nakangiti akong tumango at ninakawan pa n'ya akong halik sa pisngi bago nagpaalam kina Mama at Tito.

Tinapos ko na ang paghuhugas ko ng mga kasangkapan. Nagsandok ako ng kanin at ulam sa isang pinggan.

"Ma! Do'n po muna ako kina Lei," paalam ko.

Sinuot ko ang tsinelas ko at maingat na tumawid papunta sa bahay nila. Kumunot ang noo ko nang may makita akong anino ng lalaki sa gilid ng bahay nila. Umagaw ng pansin ko ang hinihithit n'yang sigarilyo.

"Baliw ka ba!" malakas na sabi ko. Walang emosyong tumingin sa 'kin si Ryu at nagtaas ng kilay.

Asar kong nilapag sa sa terrace nila ang plato at inagaw ang hawak n'yang sigarilyo. Tinapon ko 'yon sa lupa at inapakan.

"Masama sa kalusugan 'yang ginagawa mo!" Masama ang tingin ko sa kanya pero nanatili pa ring blangko ang ekspresyon n'ya.

Pinagmasdan ko ang katawan n'yang tadtad ng tattoo. Lalo na ang leeg n'ya.

Napaatras ako ng banggain n'ya ako para pumasok sa loob.

Pinilit kong intindihin ang malaking pagbabago ng kababata kong si Ryu. Noon pa man ay masungit na talaga s'ya pero hindi ko lang talaga lubos maisip na makukuha n'ya ang pagiging liberated ng mga kabataan sa ibang bansa.

Iniwan ko na lang sa lamesa nila ang pagkain n'ya.

Umakyat ako papunta sa k'warto ni Lei. Pagpasok ko pa lang ay nakita ko na agad s'yang nakahiga sa kama n'ya at walang suot na pang-itaas.

"Hindi ka ba nilalamig?" Pumuwesto na ako sa tabi n'ya at nakisalo sa kumot. Nasa hita namin ang mamahalin n'yang laptop at may nagpe-play ng palabas roon.

"Mag-iinit din naman ako mamaya," pilyong saad n'ya.

"Bastos ba ang ipapanood mo sa 'kin!" malakas na sigaw ko. Kinurot ko ang matigas na tiyan n'ya pero tumawa lang s'ya.

"Joke lang!"

Tahimik kaming nanood ni Lei ng paborito naming superhero movie. Hawak n'ya ang kamay ko habang balot naman ako ng kumot.

Mataas na lugar ang San Isidro kaya malamig talaga ang klima dito. Kahit summer na dapat ngayon dahil bakasyon na namin ay halos umusok pa rin ang mga bibig namin sa lamig.

Pinilit kong imulat ang mga naniningkit ko ng mata sa antok. "Matulog ka na kung inaantok ka," rinig kong bulong n'ya. Pinikit ko ang mata ko at sumandal sa balikat n'ya.

Naramdaman ko ang paggalaw n'ya sa kamay ko. Inis akong napa-ungot ng ipatong n'ya 'yon sa gitnang bahagi ng katawan n'ya. Rinig ko pa ang pagpipigil n'ya ng tawa.

"Ang pilyo mo talaga!" asar na sabi ko at tumalikod ng higa sa kanya.

Art Of The Devil (Devil Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon