Jaicy's POV
Ilang segundo rin akong nakatitig sa kanya bago ako nagpakawala ng isang malakas na tawa. Nagtataka naman s'yang tumingin sa 'kin at parang iniisip kung ano'ng nakatatawa sa sinabi n'ya.
"Puro ka kalokohan!" Piningot ko ang matangos na ilong n'ya. "Magpalit ka na ng damit. Hihintayin kita sa baba," nakangiting paalam ko at saka lumabas ng silid.
Pagkasarado ko ng pinto ay agad kong sinapo ang nagwawala kong puso.
Jusko! Ang magkakapatid yatang ito ang tuluyang magpapabigay sa 'kin.
Pinunasan ko ang mga namuong pawis sa noo ko. Kung hindi pa siguro pumikit ang mga asul n'yang mata kanina ay hindi ako matatauhan. Baka hanggang ngayon ay tameme pa rin ako sa banat n'ya.
Hindi naman kasi s'ya gano'ng klase ng lalaki. Hindi s'ya nagbabato ng mga gano'ng linyahan kaya halos magpiyesta ang mga paruparo sa tiyan ko nang marinig ko ang banat n'yang iyon. Kung kay Lei ko iyon narinig ay baka nasakyan ko pa pero ewan ko ba...
Siguro ay dahil sanay akong inosente lang s'ya at walang ka-alam alam sa mga gano'ng bagay?
Awtomatikong lumayo ang katawan ko sa silid ni Prince nang magbukas ang pinto ni Ryu. Blangko s'yang tumingin sa 'kin. Umusbong ang matinding asar ko sa binata.
Ngingisi ngisi pa s'ya kanina habang tinotorture ako ni Lei sa dagat tapos nagsusungit na naman s'ya ngayon. Hindi ko talaga s'ya maintindihan.
Aalis na sana s'ya nang mabilis kong pinulupot ang mga kamay ko sa braso n'ya. Kita ko ang panlalaki na mga mata n'ya sa ginawa ko. Kahit naman ako ay nagulat. Bakit ko nga ba s'ya pinigilan?
Namimilog ang mga mata n'yang tumingin sa 'kin. Hindi ko maiwasang makyutan kay Ryu dahil ngayon ko lang nakita ang gano'ng emosyon sa mga mata n'ya pero mas nanaig ang takot ko nang maramdaman ko ang paninigas ng maskuladong braso n'ya.
Kahit naiilang ay matamis akong ngumiti sa kanya. "Sabay na tayo," malambing na sabi ko. Gusto kong pumalakpak dahil diretso kong nabitawan ang mga salitang 'yon sa kanya pero agad naglaho 'yon nang dumilim ang mukha n'ya.
May masama ba sa sinabi ko?
"Let go," mariing utos n'ya.
Parang kuting kong binitawan ang braso n'ya. Masungit s'yang tumalikod sa 'kin at naunang bumaba ng hagdan. Problema n'on?
"Jaicy?" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at saktong nakita ko ang palabas ni Prince sa k'warto n'ya. "Akala ko sa baba mo 'ko hihintayin?" nagtatakang tanong n'ya.
"Baba o taas, wala namang pinagkaiba 'yon." Bahagya akong tumawa at saka tinanggal ang nakasabit pang price tag sa T-shirt n'ya. Mangha naman n'yang hinabol ng tingin 'yon.
"Hindi ko nakita 'yon, ah?" nakangangang saad n'ya.
Sabay kaming bumaba ng hagdan. Nanliit ako sa malaking agwat ng mga height namin. Para akong elementary student sa tabi n'ya. Hindi na ako umapela nang hawakan n'ya ang mga kamay ko. Lagi naman n'yang ginagawa 'yon no'ng mga bata kami.
"Good afternoon po, Tita," magalang na bati ng katabi ko. Halos umabot naman sa tainga ang ngiti ng nanay ko nang makita s'ya.
Kung mayro'n sigurong paborito si Mama sa tatlo ay si Prince na 'yon. Gusto kasi ni Mama ang pagiging polite at talented niya. Hindi ko naman masisisi ang nanay ko dahil ideal son naman talaga si Prince.
Hindi naman ako nagtatampo ro'n. Parang anak na kasi talaga ang turing ni Mama sa mga anak ni Tito Otep. Nakaka-proud pa nga eh. Hehe.
Pinagsaluhan namin ang nilutong pansit ni Mama. Lahat kami ay narito maliban kay Ryu. Tinanong pa ako ni Mama kung nagpaalam ba s'ya sa 'kin pero umiling ako. Bakit naman magpapaaalam sa 'kin ang damuhong 'yon? Ni ayaw ngang magpahawak. Muling umusbong ang inis ko sa kanya.
Nainis ako kasi hindi ko s'ya maintindihan. Akala ko ay okay na kami pero ito na naman s'ya at nagsusungit. Gusto ko s'yang kurutin! Napakagulo n'yang tao. Daig pa n'ya ang menopausal na ginang.
Kung hindi si Mama ay si Lei ang nagpapaingay sa hapag. Panay ang kuwentuhan nila at maya't maya rin ang tanong ni Mama tungkol sa pagiging pintor ni Prince.
"May girlfriend ka na ba, iho?" walang pakundangan na tanong ni Mama.
"Ma!" sita ko pero inosente lang sa 'king tumingin si Mama."Hindi na bata itong si Prince, 'nak. Twenty two na itong kaibigan mo at saka nagtatanong lang naman ako," nakangusong saad pa ni Mama kaya nagtawanan ang mga kasama namin sa table. Bigla akong nahiya dahil tama naman si Mama. Nasa tamang edad na si Prince.
Mas nagmukha pa tuloy akong matanda dahil sa pagsuway ko kay Mama. Pero kasi naman...
Nagpresinta akong maghugas ng pinggan. Hindi mawala sa isip ko ang sagot ni Prince kanina sa tanong ni Mama.
'Meron po pero hindi pa n'ya alam.'
P'wede ba 'yon? Hindi alam ng girlfriend n'ya na may relasyon sila? Imbes na ma-wirduhan si Mama sa sagot ni Prince ay mukhang bilib na bilib pa s'ya. Iba raw talaga ang takbo ng isip ng mga artist. Malalim. Makahulugan.
'Di ko gets. Ano'ng hidden meaning do'n? Parang wala naman. Daming knows ni mother.
Diretso ako sa bahay nina Tito. Nangako kasi ako na tutulungan ko si Prince mag-ayos ng k'warto. May ilang painting na kasing dapat tanggalin doon at iniisip ko palang na mag-isa niya 'yong gagawin ay nag-aalala na 'ko. Hindi ako overacting. Sadyang clumsy lang talaga si Prince at laging kailangan alalayan.
Naabutan ko s'yang pinapasok ang mga old artworks n'ya sa isang kahon. Tumaas ang dalawang kilay n'ya nang makita ako.
"Bakit ka nandito?"
"Sabi ko tutulungan kita 'di ba?" nakangusong sagot ko.
"Sabi ko kaya ko 'di ba?" panggagaya n'ya sa tono ng boses ko. Inirapan ko lang s'ya at nagsimula nang imisin ang mga nagkalat na papel sa k'warto n'ya. Ilan sa mga iyon ay mga napagkatuwaan n'ya lang na i-drawing.
Kagaya ng isang 'to. Isang matandang nagtitinda ng sorbetes. Nanghihinayang ako na itapon ang hawak ko pero sabi n'ya ay h'wag daw ako magtira dahil pampakalat lang.
"Prince?" tawag ko.
"Kuya Prince," pagtatama n'ya. Humaba ang nguso ko. Nakaupo pa rin s'ya sa sahig at inaayos ang mga art materials n'ya. Hindi man lang lumingon.
"Prince?" tawag ko ulit.
Seryoso s'yang tumingin sa 'kin. "Bakit hindi mo 'ko tinatawag na kuya?" tanong n'ya.
Napanguso ako. Hindi ko naman talaga s'ya tinatawag na kuya dati pa. Kahit noong 12 years old ako at 16 s'ya ay Prince na naman talaga ang tawag ko sa kanya. Bakit s'ya biglang naging sensitive ro'n?
Natahimik kami sa loob ng k'warto. Nababa ko ang hawak kong acrylic paints. Itatanong ko lang naman sana kung gagamitin n'ya pa ang mga ito pero bigla n'yang pinuna ang tawag ko sa kanya.
"Ayaw mo ba 'kong maging kuya?" makahulugang tanong n'ya. Hindi nakaligtas sa mata ko ang kakaibang emosyong dumaan sa mga mata n'ya.
BINABASA MO ANG
Art Of The Devil (Devil Series #1)
RomansaWARNING! Mature content inside. A BxB story. _________ An androgynous discreet gay reunites with his three insatiably hot childhood friends. _________ Originally written by LunaticPessimist. Book cover by Urakumu Aero