Chapter 43

368 23 0
                                    

Jaicy's POV

TAHIMIK akong nakatulala sa kisame habang katabi ang natutulog kong nobyo. Kagaya nga nang inaasahan ko ay hindi naman natupad ang dapat na pagsisiping naming dalawa ni Prince.

No'ng sinabi n'ya sa akin na, "I want to fuck you hard," hindi na talaga ako umasang magkakatotoo pa iyon. Alam ko naman kasing napagod s'ya sa byahe at paniguradong makailang beses na rin s'yang nasermunan ni Tito habang nasa sasakyan pa lang sila pauwi.

Hindi na rin naman ako nagtampo dahil kulang pa ang oras ko sa gabing ito para resolbahin ang nangyaring gulo sa isip ko kagabi.

Hanggang ngayon ay may takot pa rin sa dibdib ko.

Baka nga hindi pa siguro sina Mama sa relasyon namin ni Prince pero alam kong hinihintay na lang nila na isa sa amin ang umamin dahil hindi naman lingid sa kaalaman ko na masyado na kaming halata.

Tila masyado yata akong napalagay na matatanggap kami agad ng pamilya namin.

Pero no'ng makita ko ang pagkamuhi sa mukha ng maamong Tito ko kagabi ay parang bulang nawala ang pag-asa kong matanggap pa ng mundong ito ang pagmamahalan naming dalawa.

Ano ba'ng mali sa ginawa ko?

Nagmahal lang naman ako, 'di ba?

Bakit kailangan kaming husgahan ng mundo dahil lang sa pareho kaming lalaki?

"Jaicy..."

Impit akong napahikbi nang gumalaw si Prince sa tabi ko. Nakapikit pa rin ang mata n'ya at alam kong tulog pa rin s'ya sa mga oras na ito.

Sinulyapan ko ang orasan na nakasabit sa pader.

Alas kwatro na ng umaga.

Siguradong gising na si Mama para ihanda ang mga ititinda n'yang gulay sa palengke.

Maingat kong tinanggal ang braso ni Prince mula sa pagkakayakap sa akin. Naisip kong mas lalo lang kaming pagdududahan kung mananatili ako sa tabi ni Prince.

Bahala na kung paano namin haharapin si Tito mamaya.

Nanlalambot ang mga tuhod kong binuksan ang pinto ng bahay namin. Agad kong nakita ang abalang si Mama na kasulukuyang inilalagay sa bayong ang mga gulay na napitas n'ya sa bakuran namin. Tipid s'yang ngumiti sa akin.

"Gusto mo bang ipaghanda muna kita ng almusal?" malambing na tanong ni Mama.

Hindi ko na napigilan at kusa nang bumagsak ang mga luha sa mata ko. Nag-aalalang lumapit sa'kin si Mama para aluhin ako. "Bakit ka umiiyak, anak?"

"S-Sorry po..." humihikbing saad ko. Nagtatakang tumingin sa mga mata ko si Mama. Hindi ko na yata kayang magsinungaling pa. Nahihirapan na rin akong magtago kay Mama. "T-Totoo po iyong hinala ni Tito Otep sa amin ni Prince. M-Magkarelasyon po kaming dalawa..."

Ang inaasahan kong galit na reaksyon ni Mama ay napalitan ng pagtataka. Imbes kasi na magalit ito sa narinig ay matamis lamang itong ngumiti sa akin na tila inaasahan na n'yang sasabihin ko 'to.

"Oh eh bakit ka umiiyak at humihingi ng tawad? May ginawa ka bang mali?"

Mugto ang matang napatingin ako kay Mama.

"H-Hindi po kayo galit?"

Ngumiti s'ya.

"Bakit naman ako magagalit? Hindi naman kasalanan ang magmahal. Tanggap ko ang relasyon ninyong dalawa ni Prince, anak."

Tila nawalan ako ng mabigat na batong nakadagan sa aking dibdib sa narinig. Hindi ako makapaniwalang tatanggapin ni Mama ang relasyon namin. Buong gabi pa akong nag-alala na baka itakwil n'ya ako dahil sa kalokohang ginawa ko.

"Ma..." tanging nasambit ko. Matamis itong ngumiti sa akin at niyakap ako. "Salamat po..."

Hinaplos ni Mama ang buhok ko.

"Lalamig din ang ulo ng Tito Otep mo. Sigurado akong nagulat lang din s'ya sa nalaman. Bilang ama ay nag-aalala lang iyon na mabatikos si Prince ng mga tao lalo na't maraming tumitingala sa kanya..."

Sumisinghot akong kumalas sa pagkakayap kay Mama. "Paano po kapag hindi kami natanggap ni Tito? Ilalayo po ba n'ya sa'kin si Prince?"

Hindi sumagot si Mama. Sa halip ay pinunasan lamang nito ang mga luha sa mga mata ko.

Marahil ay wala rin s'yang sagot sa maaaring maging desisyon ni Tito Otep.

Lalong binalot ng lungkot ang puso ko.

*****

Parang apoy na mabilis na kumalat sa buong baryo ang rebelasyon ni Prince sa telebisyon. Ilang mga kapitbahay ang intensyonal na dumadaan sa purok namin para lamang tanungin si Mama kung totoo bang silahis ang tinuturing na kayamanan ng lugar namin. Si Tito Otep naman ay hindi lumalabas ng bahay dahil sa kahihiyan. Ang balita ko pa mula kay Mama ay nagkalat daw ang bote ng alak sa salas nila.

Lalo tuloy ako binalot ng konsensya. Pumunta rito si Prince kanina para makausap sana ako perp tumanggi akong labasin s'ya.

Pakiramdam ko ay lalo ko lang palalalain ang sitwasyon kung ipagpapatuloy ko pa ang relasyon naming dalawa.

Tama lang siguro na itigil na namin ang kung anong meron kami.

Hindi madali sa'kin ito at pinag-isipan ko talaga ito ng mabuti. Wala akong naiisip na ibang solusyon kung hindi ang makipaghiwalay sa Prince.

Kailangan kong isalba ang career n'ya.

Kailangan kong isalba ang mabuting pagkakaibigan ng pamilya naming dalawa.

Gagawin ko ito para sa ikatatahimik ng buhay naming lahat.

"Please, just let me talk to him, Tita. I know he's inside. It's been three days. I missed him..."

Impit akong napaiyak habang nakasandal sa pinto ng kwarto ko. Rinig ko mula rito ang pakikiusap ni Prince kay Mama.

"Kung ako ang masusunod ay gusto ko talagang mag-usap kayong dalawa pero wala akong magagawa kung gusto ng anak kong layuan ka muna pansamantala."

Tila salamin na binabasag ang puso ko lalo na nang matahimik s'ya. Alam kong sa mga oras na ito ay nalilito na s'ya sa inaasal ko. Maayos naman kasi akong umalis sa tabi n'ya pero heto ngayon at iniiwasan ko s'ya.

Pero masisisi n'yo ba ako kung pipiliin ko ang mas makakabuti sa aming dalawa?

"Mabuti pa't ayusin mo muna ang gusot sa into ng tatay mo. Nag-aalala iyon sa'yo lalo na't kalat na sa balita ang interview mo."

Parang kinurot ang puso ko sa narinig.

Ako ang dahilan kung bakit nasisira ang career ni Prince ngayon. Dapat ay pinigilan ko na lang ang sarili na mahulog sa kanya.

Hindi sumagot si Prince pero naramdaman ko na umalis na s'ya ng bahay namin.

Kailan ba matatapos ito?

Art Of The Devil (Devil Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon