Chapter 22

2.6K 113 11
                                    

Jaicy's POV

"Ryu tama na!"

Pilit ko s'yang tinulak palayo sa kawawang lalaki. Duguan na ang mukha nito at wala ng malay. Jusko!

Agad kong hinarang ang sarili ko nang akmang papatungan ulit ni Ryu ang lalaki.

"Tama na sabi!" malakas na sigaw ko. Nag-igting ang panga n'ya at marahas na binitawan ang kwelyo ng lalaki. Naaawa akong napatingin sa binata. Halos mamaga na ang mukha nito sa dami ng tinamong sugat at pasa.

Napalayo ako nang maglapitan ang kasamahan nito. Mukhang kanina pa sila nandito at nanonood.

Galit akong tumingin kay Ryu na masama pa rin ang tingin sa lalaki. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko alam na may ganitong side s'ya.

Nahihiya akong napatingin sa nagbubulungang mga nanonood. Galit kong hinablot si Ryu palayo sa mga nagkakagulong mga tao. Hindi na naman s'ya nagmatigas at nagpahila na lang.

Mabibigat ang mga yapak ko habang hinihila s'ya papunta sa liblib na parte ng resort.

"Nababaliw ka na ba!" malakas na sigaw ko sa mukha n'ya. Blangko lang s'yang nakatingin sa 'kin at parang hindi alintana ang namumuong delubyo sa mga mata ko. Singkit ako pero hindi ko maiwasang pandilatan s'ya.

"Paano kong napuruhan mo iyon? Gusto mo bang makulong!" Nanatili lang s'yang tahimik. Bakas pa rin sa naglalabasang ugat sa leeg n'ya ang galit pero mukhang mas pinipili n'yang kimkimin 'yon.

Agad akong napayakap sa sarili nang umihip ang malamig na hangin. Nanlalabo na ang mata ko dahil sa tama ng ininom ko kanina pero hindi ko pinansin 'yon dahil sa nagingibabaw na emosyon sa kalooban ko. Galit ako. Galit ako dahil sa ginawa n'ya ro'n sa lalaki. Ano'ng karapatan n'yang bumugbog ng kung sinu-sino?!

Kumunot ang noo ko nang gumalaw si Ryu. Hinubad n'ya ang jacket n'ya at pinatong sa balikat ko.

"Let's go back," mahinahong sabi n'ya.

Walang paalam s'yang tumalikod at nagsimulang maglakad palayo. Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya. Naiinis akong napapadyak sa pinong buhangin. Bastos kausap!

Kahit masama ang loob ko ay sumunod pa rin ako sa kanya. Nanghahaba ang nguso ko sa sobrang asar. Paano n'ya nagagawang maging kalmado? Hindi n'ya ba alam kung gaano kaseryoso ang ginawa n'ya? Ano na lang ang sasabihin ni Tito kapag nakarating 'to sa kanya? Na ang second son n'ya ay bumugbog ng isang walang kalaban laban na lalaki?

"Bagalan mo nga ang paglalakad mo!" inis na sigaw ko.

Mas nilakihan ko ang hakbang ko para maabutan s'ya. Kumunot ang noo ko sa nakitang babaeng tumatakbo papalapit sa kanya. S'ya 'yong babae kanina. Umaalog lahat ng p'wedeng umalog sa kanya dahil sa pagtakbo n'ya.

"Oh my gosh! Ryu are you okay?" maarteng sabi nito at hinawakan pa ang mukha ni Ryu.

Kumunot ang noo ko sa nasaksihan. Kailangan may paghawak talaga?

Lalong umasim ang mukha ko nang idikit n'ya ang malaking hinaharap n'ya sa braso ni Ryu. Mukhang nagustuhan naman ni mokong at hindi man lang umiwas.

Bigla akong nakaramdam ng kagustuhang isubsob sa buhangin 'yong babae. Hindi ko alam pero naaasar ako sa kanya. Hindi naman ako ganito kanina no'ng nakita ko s'yang nagsasayaw sa stage.

Ilang dipa lang ang layo ko sa kanila pero sa tingin ko naman ay sapat na 'yon para malaman ng babaeng 'to na magkasama kami. Kung makalingkis parang wala ako dito.

"'Iyon ho manong." Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko ang isang babaeng tinuturo sina Ryu at 'yong babae. Sa tabi n'ya ay isang matanda na abala sa pag-aayos ng lambat. Hindi ko na sila pinansin at agad na akong lumapit kina Ryu.

"Akala ko ba ay babalik na tayo?" tanong ko. Umarte pa 'kong hindi napansin 'yong babae. Umakto akong nagulat nang mapatingin ako sa kanya. "Nandiyan ka pala. Hello sa 'yo," mapaklang bati ko. Bahagyang tumaas ang kilay ng babae at tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa.

"Hi," maarteng sabi n'ya at umirap. Muli n'yang binalik ang atensyon kay Ryu. "Let's wander around, Ryu! Birthday gift mo na sa 'kin." Ngumuso pa s'ya at mas dinikit ang dibdib kay Ryu. Sarkastiko akong napatawa. Landi ate gurl, ah?

"I already sang for you. Wasn't that enough?" nakasimangot na sagot ni Ryu.

Ano raw? He sang for her? Kaya pala mukhang napipilitan s'ya sa stage kanina. Bakit naman n'ya kakantahan ang babaeng ito aber? Nagbirthday rin ako pero hindi naman n'ya ako kinantahan.

"I want your company, Ryu. You know exactly what I want," makahulugang sabi nito at nagdrawing pa ng kung anu-ano sa dibdib ni Ryu. Nakagat ko ang labi sa sobrang asar. Sa harapan ko talaga ah?

Nang-aakit n'yang dinala ang kamay ni Ryu sa baywang n'ya. Lalong humaba ang mukha ko nang tumingin sa 'kin si Ryu at ngumisi.

"Sure but let's bring him back to his boyfriend first so we can have our own private time together," nakangising sabi n'ya habang hindi tinatanggal ang eye contact sa 'kin. Napasimangot ako.

Iba ang naging dating sa 'kin ng sinabi n'ya. Hinahamon n'ya ba 'ko ng selosan?

Teka. Ano ba'ng iniisip ko! Bakit may selos akong sinasabi sa utak ko. Erase! Erase!

Pilit akong ngumiti at sumagot. "Magandang ideya! Sigurado akong miss na miss na ako n'on eh," nakangiting asong sagot ko. Hindi ko na pinansin 'yong babaeng halos mapilas na ang mukha sa sobrang ngiti dahil sa sinabi ni Ryu. Palihim ko silang inirapan at nauna nang maglakad.

Kahit nasa likod ko sila ay alam kong walang tigil sa kakalandi sa kanya 'yong babae na Stacy pala ang pangalan ayon sa pagkakarinig ko.

"Stacy stop. We're in public," rinig kong suway ni Ryu sa babae. Napairap ako nang marinig ko ang malanding tawa nito.

"Oh c'mon Ryu. You know I like it this way," maharot na sagot nito at tumawa na naman na parang bulateng naasinan.

Nakasimangot akong naglakad pabalik sa room namin. Kita ko na ang maliwanag na part ng resort kung saan nagaganap 'yong birthday party n'ong Stacy.

Kumunot ang noo ko nang may makita akong lalaking mabilis na tumatakbo papalapit sa 'kin. Nanlaki any mata ko nang makita ang hawak n'yang sako.

"Ahhh!" matinis na sigaw ko nang isuklob sa 'kin n'ong lalaki 'yong hawak n'ya. "Ryu tulong!" Nagpumiglas ako nang maramdaman ko ang pagkapit nito sa baywang ko at ang paglutang ko sa ere.

Ilang beses kong sinuntok at kinurot 'yong lalaki sa likod pero parang wala s'yang nararamdaman.

Kumakabog na ang dibdib ko sa sobrang kaba. Baka sila 'yong kasamahan n'ong lalaki kanina! Baka nandito sila para gantihan kami!

Malilintikan talaga ako nito!

Art Of The Devil (Devil Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon