Chapter 4

3.8K 166 1
                                    

Jaicy's POV

Pagmulat ko ng mata ko ay kilikili na agad ni Lei ang bumungad sa 'kin. Nakayakap ang mga kamay ko sa kanya habang nakaakbay naman s'ya sa 'kin. Pinilit kong imulat ang mga naniningkit kong mata at tumingin sa bintana.

Maliwanag na.

Tinaas ko ang tingin ko sa mukha n'ya. "Tulog na tulog ka ah..." mahinang kausap ko sa kanya kahit alam kong hindi naman n'ya ako naririnig. Binuhat ko ang mabigat n'yang braso upang tanggalin sa balikat ko.

"Ahmmpp..." impit na ungot ko matapos iunat ang katawan ko. Kinumutan ko muna ang bold star kong kaibigan bago lumabas ng k'warto.

Si Tito ang naabutan ko sa sala pagkababa ko. Nakaupo s'ya sa sofa habang iniinom ang umuusok n'yang kape.

"Good morning po," nakangiting bati ko.

"Good morning iho. Gusto mo ng kape?" tanong n'ya. Pinatong n'ya sa coffee table ang hawak n'yang diyaryo at akmang tatayo pero pinigilan ko s'ya.

"Ako na po!"

"Oh sige," aniya at bumalik sa pagkaka-upo. "Buksan mo na lang iyong binili kong instant na kape. Hahaluan mo na lang iyon ng mainit na tubig." Nakangiti pa n'yang tinuro sa akin ang kape na nakalagay sa lamesa nila. Tumango naman ako at nagtungo na ng kusina.

Ngayon na lang ulit ako makatitikim ng instant coffee. Mas sanay kasi kami sa kapeng barako kaya wala mas'yadong nagbebenta ng gano'n sa 'min.

Nasa gitna ako ng pagsasalin ng mainit na tubig nang bumababa hagdan si Ryu. Hindi ko maiwasang tingnan ang g'wapong mukha ng kababata ko. Magulo pa ang mga buhok n'ya at mukhang kagigising lang.

"Gutom ka na ba?" tanong ni Tito. Binalik ko ang atensyon ko sa pagtitimpla ng kape.

"No," tipid na sagot n'ya sa ama. Nakita ko mula sa sulok ng mga mata ko ang paglakad n'ya papunta ng kusina. Bahagyang nanlaki ang mata ko nang tumigil s'ya sa tabi ko. Nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Done?" saad n'ya na nagpalito sa 'kin. Done ang alin?

"H—Huh?"

Napakislot ako nang kuhanin n'ya ang kapeng tinimpla ko. Tumalikod s'ya at umakyat ng hagdan na parang walang nangyari. Tameme akong napatingin sa thermos na hawak ko.

Hindi ko talaga s'ya maintindihan. Kagabi ay parang ayaw n'ya akong kausapin pero ngayon inaagawan n'ya pa 'ko ng kape.

"Jaicy?" Napatingin ako kay Tito nang tawagin n'ya ako.

"Bakit po?"

"Luluwas ako ng Maynila. Pag-uwi kasi ni Prince ay kakailanganin n'ya nang aalalay sa kanya. Alam mo naman ang kaibigan mong iyon. Ilap sa tao kaya baka hindi n'ya malaman ang gagawin kapag dinumog s'ya ng media," mahabang litanya ni Tito. Napatango naman ako.

Sobrang sikat na ng mga likha ni Prince na lagi na s'yang laman ng mga diyaryo at telebisyon. Sa edad kasi na 19 years old ay siya ang kauna-unahang Pilipinong nakapagdisplay ng artwork sa World Art Museum. Ilang mga sikat na tao na rin ang bumili ng mga gawa n'ya sa nakalululang presyo.

Wala nga akong alam sa mga museum at arts na 'yan eh. Naririnig ko lang sa balita.

"Baka abutin kami ng isang linggo doon. P'wede mo bang bantayan itong mga kababata mo? Ang titigas na kasi ng ulo ng mga 'yan," pakiusap ni Tito na agad ko namang sinagot ng tango.

"Opo naman po! Ako po'ng bahala sa kanila. Mag-iingat po kayo. Hihintayin ko po ang pagbabalik ninyo," nakangiting sagot ko. Kita ko ang  kaginhawaan sa mga mata ni Tito na para bang nabunutan s'ya ng isang malaking tinik sa dibdib.

Hindi naman mahirap ang pakiusap ni Tito. Isa pa ay sigurado naman akong makasusundo ko rin si Ryu. Masungit din naman s'ya noon pero naging close ko rin s'ya kalaunan kaya hindi malabong maulit 'yon ngayong malaki na kami.

Sabay-sabay naming pinagsaluhan ang dalang umagahan ni Mama. Nabanggit na pala ni Tito kay Mama ang tungkol sa pagluwas n'ya. Hindi naman matago sa mukha ni Lei ang kasiyahan. Paniguradong magbubulakbol 'to. Pero pasensya s'ya dahil ako ang bantay n'ya.

"Paano? Una na ako sa inyo. Bantayan mong mabuti itong mga binata ko Jaicy," nakangiting bilin sa 'kin ni Tito.

"Opo! Mag-iingat po kayo," nakangiting sagot ko. Luminga linga si Tito sa paligid na parang may hinihintay na lumabas upang magpaalam sa kanya. Bigla ko tuloy naalala si Ryu.

Hindi s'ya sumabay sa 'min sa umagahan kanina. Naroon pa rin s'ya sa k'warto n'ya at nagkukulong.

"Ingat po!" Pinanood namin ang paglayo ng tricycle.

Automatic na gumuhit ang asar sa mukha ko nang maramdaman ko ang kamay ni Lei sa pang-upo ko. "Ano ba!" Tinabig ko ang kamay n'ya at tumatawa naman s'yang pumasok ng bahay.

Nagpaalam sa 'kin si Mama na mamalengke kaninang umaga. Naiwan tuloy ako dito sa makulit na lalaking 'to.

"Saan mo dadalhin 'yan?" tanong n'ya habang nakatingin sa hawak kong plato.

"Saan pa? Edi sa kapatid mo. Hindi pa s'ya kumakain ng umagahan. Hindi n'ya nga 'ata ginalaw 'yong pagkain na iniwan ko sa lamesa kagabi," nakangusong turan ko.

Muli ko na namang naalala ang pagkaing nasayang kagabi. Specialty pa naman 'yon ni Mama pero napanis lang kaya pinakain ko na lang sa mga asong kalye. Hindi ba s'ya mamatay ng lagay na 'yan?

Kita ko ang nakalolokong ngiti sa mga labi n'ya at parang may kung ano'ng kapilyuhan na namang iniisip. "Okay. Good luck!" nagpipigil ng ngiting sabi n'ya. Hindi ko na lang s'ya pinansin at umakyat na ng hagdan patungo sa k'warto ni Ryu.

"Ryu?" mahinang tawag ko. Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto n'ya.

Walang sagot.

"Ryu?"

"May dala akong pagkain. Hindi ka ba nagugutom?"

Nanatili pa rin s'yang walang sagot. Sinubukan kong pihitin ang door knob at bahagyang napaawang ang bibig ko nang magbukas ang pinto n'ya.

"Ryu?" Dahan-dahan kong binuksan ang pinto n'ya. Nilibot ko ang tingin ko sa kulay abo n'yang k'warto.

Ang tagal na rin nang huli akong makapasok dito. Dumako ang mata ko sa mga nakadikit na poster sa pader n'ya. Iyon ang paborito n'yang banda no'ng bata pa kami. Sinasabayan ko pa s'yang kumanta no'n kahit sintunado naman ako.

Naglakad ako patungo sa study desk n'ya at pinatong ang dala kong pagkain. Sana naman ay kainin n'ya.

Aalis na sana ako nang makita ko ang gitara n'ya. Wala sa sarili akong napalapit doon. Nakasandal 'yon sa may aparador n'ya. Yumuko ako para tingnan ang inukit kong pangalan n'ya sa gilid ng gitara. Napangiti ako sa mga alaalang biglang nag-flash sa utak ko.

Sobrang close namin noon na hindi n'ya nagawang magalit nang ukitan ko ang paborito n'yang gitara.

"Pero marami ka ng gitara ngayon..." bulong ko habang pinagmamasdan ang iba pang bago n'yang gitara.

"What are you doing here?"

Napakislot ako nang marinig ko ang malamig n'yang boses. Gulat akong napatingin sa pinto.

Magkadikit ang mga kilay n'yang nakatingin sa 'kin habang tuloy sa pagtulo ang tubig mula sa kan'yang basang buhok. Bumaba ang tingin ko sa hubad n'yang katawan.

Napalunok ako sa nakita ko.

Jusmiyo marimar

Kita ko ang gulat sa mga mata n'ya nang mapagtanto n'yang wala s'yang saplot.

"FUCK!"

Nanlaki ang mata ko nang ibato n'ya sa mukha ko ang hawak n'yang tuwalya.

"Close your fucking eyes!"

Art Of The Devil (Devil Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon