°_Chapter 33_°
.
Rebecca's Point of View:
.
"What?!" sigaw nang karamihan. Syempre kasama ako dun. Walang'ya naman kasi tong si Ms. Javier. Parang may galit sa iba at alam kong isa ako dun.
.
"Ma'am naman, lalaki ang partner ko tapos papatabihin mo kami sa iisang kama. Okay ka lang?" naiiritang komento ni Marga. Sumang-ayon kami sa komento niya. Nakakainis kasi. Si Austin ang magiging katabi ko nito. Kasi si Jane may partner na. Kainis naman kasi tong si Austin. Kung bakit pa pinalitan niya ng ibang partner si Jane. Asar!
.
" Ano ba ang problema kung may katabi kayong lalaki. Dahil ba baka may mangyaring 'di kaaya-aya? Well it's up to you kung hindi kayo makapagpigil. It's your responsibility, anyway." may point din naman si Ms. Javier dun pero mali parin!
.
Hindi nakapagreact ang iba pero may aangal pa ng unahan na sila ni Ms. Javier. "No buts. Nakarehistro na ang mga pangalan niyo pati narin ang mga partner niyo. Pumunta na kayo dun sa bulletin at tignan kung saang room kayo. Don't worry, dalawang kama ang mayroon sa kada isang kwarto kaya apat kayong matutulog sa isang kwarto." Paliwanag ni Ms. Javier at agad na kaming pumunta sa gilid ng hotel kung saan nakalagay ang bulletin board. Sana kasama ko si Jane.
.
Iniisa isa ko ang bawat pangalan para mahanap ko na ang pangalan namin ni Austin.
.
"Room number 922; 6th floor
Pair 1: Rebecca Mendoza and Austin de Guzman
Pair 2: Natasha Gilbert and Anton Kaeden," agad akong napanganga ng mabasa ang ikalawang pair na makakasama namin sa room 922..
Ang malas naman oh! Bakit yung brochur-ng bruha na iyon pa ang makakasama namin.
.
"Good luck, Becca. Alam kong makakayanan mo ang babae na yan sa loob ng apat na araw." nag-aalinlangang sabi ni Jane. Napahilamos nalang ako sa mukha at sinamaan si Austin ng tingin.
.
Kinamot niya ang kanyang ulo sa likuran at ngumiti, " I'm sorry. Hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari."
.
Napabuntong-hininga nalang ako at pumikit ng madiin. Hindi ko talaga maimagine na kasama ang babaeng yun.
.
Kahit naiinis ako I still manage to composed myself. "Tara na nga. Asar."
.
Si Austin parin ang nagtulak ng mga maleta ko at pumasok na kami sa hotel at pumasok sa elevator. I press the button papunta sa 6th floor.
.
Tahimik lang ako hanggang sa magbukas ito. Hindi ko siya pinansin. Si Austin. Siya ang may pakana kaya kasama ko siya sa iisang kwarto.
.
Iniisa isa ko ang pintuan kung saan may number na 922. "Heto na ata yun. Can you open door?" sabi ni Austin at tumango lang ako.
.
Pagkapasok ko palang ay agad ng lumaki ang singkit kong mga mata.
.
My god! An'yare sa kanilang dalawa? Bakit ganyan? Ang babastos nila!
BINABASA MO ANG
Marrying my Teacher [COMPLETE/UNEDITED]
RomantikAll Rights Reserved, 2014. Story Started: April 9, 2014 Story Finished: June 1, 2016 Unedited!!!! [Anong magiging reaksyon mo kung ikakasal sa Teacher mo?] Nasa NewBurgh's League academy nag-aaral si Rebecca and she's taking business ad. At sa hindi...