[A/N: Vote kung nagustuhan. Comment kung ano ang iyong reaksyon. Enjoy!]
°_Chapter 15_°
.
Rebecca's Pov:
.
"Ano bang nangyari dyan sa paa mo?" pag-aalalang tanong ni Leo.
.
"Natapilok ako kanina sa mansion." sagot ko sa kanya. Andito kasi kami ngayon sa sasakyan niya. Ayaw ko pa kasing bumaba dahil sa paa ko.
.
"Ba't ka kasi natapilok? Dapat iniingatan mo ang sarili mo eh. Tsk, dapat na ata akong magpropose sayo para tumira na tayo sa iisang bubong at ng maalagaan kita at mabantayan." namula naman ako sa sinabi niya at the same time nakokonsensya. Di ko pa kasi nasabi sa kanya tungkol sa kasal. Sana ikaw nalang ang mapapangasawa ko Leo. Ang sarap siguro sa pakiramdam.
.
"Ano ka ba? Ang bata pa natin para dyan." at umiwas ako ng tingin pagkatapos ko yung sabihin. "Tara, baba na tayo." binuksan ko na yung pinto ng sasakyan at nakaramdam na naman ako ng sakit sa aking paa.
.
"Teka lang, hintayin mo ako. Masakit pa yang paa mo. Wag ka munang maglakad. Gusto mo buhatin kita?" Leo.
.
"Ha--h wag na! Nakakahiya, baka akalain nila buntis ako kaya nahimatay kaya binuhat mo ako. Alalayan mo nalang ako sa paglalakad. Okay na yun." nakakahiya naman kasi talaga. Baka kung ano na ang iisipin ng iba. Magiging malandi pa ako sa paningin nila. Tumango nalang siya dahil alam kong 'di niya ako matitiis.
.
Inalayan niya akong maglakad hanggang sa maka-abot na kami sa room.
.
Nakita ko na lahat ng kanilang atensyon ay nasa aming dalawa. Bigla akong napatingin sa gitna kung san nakatayo si Sir. Pagtataka ang makikita mo sa ekspresyon niya.
.
"Why are you late?" tanong niya sa aming dalawa. Actually, nakatingin lang siya sa akin. Tutunawin ba niya ako?
.
"Masaki----" 'di ko na pinatapos si Leo dahil ayaw kung malaman niya ang sitwasyon ko.
.
"May dinaanan lang kami Sir. Sorry kung late kami." pagsisinungaling ko sa kanya. Tumaas yung dalawa niyang kilay na para bang hindi pa siya kontento sa rason ko.
.
He sighed, "Okay, just sit." Accounting ang subject niya sa amin. Kahit Business ang course ko ay may subject pa kami na accounting. Nakakainis nga ehh! Kaya nga ako nagbusiness para di ako mahirapan may subject pa na accounting. Kulang nalang nag-take ako ng accountantcy.
.
"Miss Mendoza, where's your report?" napalaki ang mata ko sa sinabi niya. Dammit! May report nga pala ako! Di ko pa naman nagawa! Aishh!
.
Nga pala! May deal kami na hindi niya itutuloy ang report. O.O Wala ba siyang isang salita?!
.
"Ahh---h ano---sir--- ngayon pala yun?"
.
" Hindi mo ba nagawa?" tanong niya na may dalang galit. Huhuhu.
BINABASA MO ANG
Marrying my Teacher [COMPLETE/UNEDITED]
Любовные романыAll Rights Reserved, 2014. Story Started: April 9, 2014 Story Finished: June 1, 2016 Unedited!!!! [Anong magiging reaksyon mo kung ikakasal sa Teacher mo?] Nasa NewBurgh's League academy nag-aaral si Rebecca and she's taking business ad. At sa hindi...