°_Chapter 37_°

7.7K 148 7
                                    

May maraming typos at wrong grammar. Walang oras para i-revised.

°_Chapter 37_°


Synthia's Point of View:


Nakaupo ako sa isang engrandeng couch dito sa mansion habang hinihintay ang aking abogado.


Mga hangal! Yan ang maituturing ko sa lahat ng mga pinagkakatiwalaan ko.


"Andito na po ang inyong abogado Madam." tumango lang ako at suminyas na papasukin na.


Humarap ito sa akin at bumati ng magandang umaga. Hindi naman ako bastos kaya binati ko na rin.


"Natuloy ba ang kasal ng anak ko?" nakita ko ang pagbago ng kanyang ekpresyon. Kinakabahan kung maituturing.


Napalunok ito bago sumagot. "Yes madam."


Ngumiti ako ng mapait at pinaupo muna siya. Tinawag ko ang mga katulong na handaan kami ng makakain. Kaya kami nalang dalawa ang naiwan.


"May I see the marriage contract?"


Binuksan niya ang kanyang envelope at may kinuhang papel. "Yan po ang lahat ng kontrata sa kasal."


Binasa ko ito. Andun ang pangalan ng aking anak ngunit ibang lalaki ang nakalahad.


"Nagkamali ka ata ng nadala Atty. Hernandez." napataas ang magkabilang kilay nito at napatanong.


"Bakit naman, Madam?"


I put all the fake contracts on the table and I crossed my arms. " Don't you think na papalampasin ko ang kasal ng aking anak, Atty. Hernandez?"


Nakita ko ang pagtiim-baga niya at napayuko. Konsensiya. Iyan lang ang dapat niyang maramdaman dahil sa mga kahangalan niyang nagawa.


"I trusted you. Ikaw ang kauna unahang pwede kong mapagkakatiwalaan dahil binayaran kita at matagal na kitang abogado." I stopped.


Saktong dumating ang dalawang maid dala dala ang mga makakain namin. Pinaalis ko na sila pagkatapos.


"It wasn't my intention to betrayed you, Madam."


"And what is your intention?" malamig kong tanong sa kanya.


He let out a big sighed. "I can't tell you, Madam."


"Is it because of your father?" napakunot ang noo niya sa tanong ko. Tumingin ito sa akin at parang hindi makapaniwala.


"Roderick was also my lawyer before. He knows everything I have because I trusted him. But it ended up na ninakawan niya ako para lang sa kompanya niyo." I smiled bitterly and drink some tea. I remembered all those betrayal.

Marrying my Teacher [COMPLETE/UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon