°_Chapter 17_°

8.4K 208 25
                                    

[author's note: Vote kung nagustuhan, comment kung ano ang naging reaksyon. Enjoy!]

°_chapter 17_°

.

Rebecca's Point of view:

.

Hindi na ako mapakali sa mga nangyayari. Sana sinunod ko nalang si Sir na hindi sabihin kay Leo ang totoo.

.

Nagkadiletche letche na tuloy tong buhay ko. Kung bakit pa kasi ako nasangkot sa gulong ito.

.

Sasabay si Leo sa akin. Sa bahay ko. Ano na ang gagawin ko? Hindi naman ako nakatira dun.

.

Tinignan ko ang phone ko at clinick ang message. I texted my so called fiancè.

to: Sir Fiancè

tulungan mo ako. Pupunta si Leo sa bahay. Tutulungan niya daw akong makatakas sa partnership ng both company natin.

.

Sent!

.

Wala pamang isang minuto ay nagreply na ito. Bilis ahh.

.

Punta ka sa music room. Walang tao dun. Dun tayo mag-uusap.

.

Hindi na ako nagdadalawang isip na pumunta ng hawakan ni Jane ang braso ko.

.

"San lakad mo? Sama kami." sabi niya sakin.

.

"Sa lugar kung san wala kayo." sabi ko at kinuha ang braso ko sa pagkakahawak niya. I'm sorry Jane. Urgent na talaga toh. Nakita ko pa si Leo na nakatingin sa akin. Wag mo na sana akong sundan.

.

Pumunta ako sa c.r. at nagbihis ng pang-disguise. Madami kasi akong damit sa locker kaya meron ako. At para narin hindi na makalat ang mga pangyayari.

.

Tumakbo ako papunta sa music room at nakita ko na siyang nakaupo sa loob.

.

"Paki-lock ng pinto. Baka may makapasok pa." tumango lang ako at sinunod ang sinabi niya.

.

Ng nailock ko na ay tumabi ako sa kanya. "Anong gagawin ko? Hindi pa naman alam nila Mommy at Daddy na may boyfriend na pala ako."

.

"Mahal mo ba si Leo?" tanong niya sakin at tumingin siya sa pwesto ko.

.

"Oo, sobra. Sobrang mahal." sabi ko in a sincere way.

.

"Then kung ganun ay sabihin mo sa parents mo na may boyfriend kana. At baka ang company niyo nalang ang magmerge. Para kung i-arrange kayo ay wala ng problema since mahal niyo ang isa't-isa." bakit parang may naramdaman akong sakit sa dibdib ko sa sinabi niya. Hindi ko alam pero hindi ko nalang pinansin.

.

Napatango ako sa sinabi niya bilang pag-agree sa suggestion niya.

.

"Okay." yan nalang ang tangi kong nasabi since napakaseryoso ng naging usapan namin. Hindi tulad nung nasa mansion niya na palagi nalang kaming nag-aaway.

Marrying my Teacher [COMPLETE/UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon