°_Chapter 27_°
.
Rebecca's Point of View:
.
"Hindi siya distorbo, Rebecca." napalingon ako sa likod and there, may namumuo ng luha sa mga mata ko.
.
"Cha---Chace?" puno ng kaba ang makikita mo sa mukha ni Euricka. Ako naman, parang guguho na.
.
Bakit ganito? Bakit sobrang sakit? Parang crush ko lang naman siya tapos minahal pero hindi naman todo todo pero ang sakit talaga. Kainis naman oh!
.
Magsasalita pa sana ako ng ilagay ni Sir ang float sa table namin and... hugged Euricka. Sht! Ang sakit!
.
"Damn! I miss you so much, Euricka." sabi ni Sir habang nakasubsob ang mukha sa balikat ni Ate. Napatingala nalang ako para hindi na tuluyang tumulo ang luha ko but dammit! Ang hirap pigilan. Tumutulo pa rin. Sorry kung o.a. ako. Meron kasi ako ngayon.
.
"Excuse me." sabi ko and run. Ang hirap na kasing pigilan at ayaw pang tumigil tong mga peste kong luha.
.
Ace's Point of View:
.
Natigil nalang ako sa paglalakad ng makita ko si Euricka kasama si Rebecca. Damn! Lumakas bigla ang tibok ng puso ko.
.
Bumalik na siya, si Euricka... ang fiancè ko. Ang fiancè kong sobra kong mahal.
.
"Diba sabi ko sayo, may date ako. Ayaw ko ng distorbo, Euricka." pagtitimpi sabi ni Rebecca kay Euricka. Pero parang nainis ako ng marinig ko ang sinabi ni Rebecca.
.
"Hindi siya distorbo, Rebecca." napalingon silang dalawa sa akin pero na kay Euricka lang ako nakatutok. Para siyang magnet, I cant take off my eyes on her.
.
"Cha---chace?" utal niyang sabi. Yung boses niya, nakakamiss.
.
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at niyakap si Euricka. "Damn! I miss you so much, Euricka." ngayon nalang ako nakaramdam nang ganito ka sigla. Tama nga sila, energizer mo talaga ang mga mahal mo sa buhay.
.
"I miss you too, Chace." she said and hug me back. Parang may kuryenteng nanalatay sa akin habang nasa ganito kaming sitwasyon.
.
I heard some people clapping their hands at doon ko lang napagtanto na nasa public lang pala kami.
.
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya and saw her smiling at me. Parang anghel kung tignan ang babaeng nasa harapan ko.
.
Alam ko, nagiging cheesy at korny na ako. Pero wala eh, mahal ko na ang pinag-uusapan.
.
"Pwedeng sa labas tayo mag-usap Chace? Nakakahiya kasi sa mga tao dito. Parang nakakita na sila ng live love story." sabay tawa niya ng kaunti. Tumango lang ako at hinawakan ang kamay niya. Magkahawak kamay kaming naglalakad habang sa makarating sa parking lot.
BINABASA MO ANG
Marrying my Teacher [COMPLETE/UNEDITED]
RomanceAll Rights Reserved, 2014. Story Started: April 9, 2014 Story Finished: June 1, 2016 Unedited!!!! [Anong magiging reaksyon mo kung ikakasal sa Teacher mo?] Nasa NewBurgh's League academy nag-aaral si Rebecca and she's taking business ad. At sa hindi...
![Marrying my Teacher [COMPLETE/UNEDITED]](https://img.wattpad.com/cover/14640335-64-k987775.jpg)