°_Chapter 34_°

8.8K 166 6
                                    

°_Chapter 34_°

.

Synthia's Point of View:

.

Napahawak ako sa aking sentido ng malamang magkasama na pala ang dalawa.

.

Si Angela at ang kanyang malapit ng maging katipan. Hindi ako makapaniwala na aabot ang batang iyon sa ganitong punto. Sa punto na ikakasal na siya ng pilit. Tulad na lamang ng nangyari sa akin noon.

.

Mahirap ang maipagkasundo ng kasal sa taong hindi mo naman mahal o kakilala. Pero iyon na talaga ang nakasanayan.

.

Tumingala ako at mataman na tinignan ang malaki niyang litrato sa dingding. "Sana kilala mo pa ako, anak."

.

Naramdaman ko ang mga likidong umaagos galing sa aking mata. Masakit ang mahiwalay sa isang anak. Lalo na't siya nalang ang aking natitirang pamilya.

.

Pinagmasdan ko ang bawat anggulo ng kanyang mukha. Nakuha niya ang aking mga mata pati narin ang aking maninipis na labi.

.

" Magkakasama uli tayo, Angela." sabi ko sabay ko ng aking telepono at tinawagan ang lalaking aking pinagkakatiwalaan noon. Kahit manloloko ito may nakukuha parin akong mga balita ukol sa aking anak.

.

"Ipaaga ang kasal." narinig ko pa ang pagkabigla niya pero huminahon narin siya ng ilang saglit.

.

"May problema ba sa sinabi ko, Roderick?"

.

"Wa--wala Madam. Sasabihan ko na agad ang pamilya nilang dalawa.Nabigla lang ako kasi biglaan." nanliit lalo ang aking mga mata ng marinig ko na naman ang kanyang kalokohan.

.

Huminga ako ng malalim bago sagutin ang sinabi niya. " Gusto ko sa susunod na linggo na ang kasal hanggang sa maaari." at binabaan ko na siya ng tawag.

.

Hinanap ko agad ang phone number ni Atty.

.

"Pakihanda ang divorce paper. Alam mo na ang kasunduan. Sa susunod na linggo na ang kasal." direkta kong utos. Matagal itong nakasagot sa aking sinabi.

.

" Ah--h yes Ma'am. Ihahatid ko na diyan mamayang biyernes ang divorce paper." sagot niya sa kabilang linya.

.

Malapit na anak. Malapit na malapit na tayong magsasama ulit.

.

Rebecca's Point of View:

.

"May sayad ka ba? Paano nalang kung may makakita sa atin?" sabi ko sabay hila sana ng aking kamay na nakahawak sa kanya ng mas higpitan niya ang pagkakahawak.

.

"Huwag kang mareklamo. Binigyan na nga kita ng pagkakataon para makachancing sa akin. Tch."

.

Napanganga nalang ako sa rason niya. At ako pa talaga ang chumachancing ngayon? Eh siya nga ang unang humawak sa kamay ko ehh.

Marrying my Teacher [COMPLETE/UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon