Sorry kung matagal ang update. Madami kasing gawain. Buti nalang at bakasyon na simula bukas.
Thank you po pala sa mga new readers na nagparamdam. Thank you sa votes and comments.
[Vote kung nagustuhan, comment kung ano ang naging reaksyon. Enjoy!]
°_Chapter 23_°
.
Rebecca's Point of View:
.
Halos alas 2 na ng umaga ako nakatulog. Sino ba naman ang makakatulog agad sa mga nangyayari? Yung pag-akbay niya. Yung paglagay niya ng jacket sa akin para hindi makita ng mga manyak ang sexy kung katawan. Yung pagyakap niya. Tapos--- tapos--- kyahhhh! Yung pagtawag niya sa akin na asawa niya. Ahhhh! Nakakamatay na sa kilig to the bones.
.
Pero, paano kung hindi siya totoong concern? Paano kung hindi yun totoo? Yung lahat ng kabutihan na ibinahagi niya sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko ng maisip ko iyon. Bigla kasing sumikip na parang sa iglap lang ay may mamumuo ng luha sa magkabilang mata ko.
.
Ahhh! Think positive Rebecca. He cares for you. Yan ang isipin mo.
.
Naglalakad na ako palabas ng kwarto at isinara ang pinto. Mamimiss ko talaga ang lugar na ito. Madami kasing magagandang alaala ang maiiwan rito.
.
"Hindi ka naman ata masyadong excited umuwi?" tanong ni Sir ng makarating ako sa labas ng resort. Hinihintay nalang niya kasi ako rito.
.
"Eh sino ba ang ma-eexcite umuwi kung ganito kaganda ang lugar na ito?" sabi ko habang nakapout. Syempre joke lang yun. Mamimiss ko 'to dahil sa happy memories na kasama ko siya.
.
"Babalik pa naman tayo ahh." sabi niya tapos--- biglang lumapit sa akin. Papalapit ng papalit!
.
Damn! Yung puso ko. Nagwawala na. Juice colored. Ano na bang nangyayari sa akin?
.
"Hindi mo sinusuot ang seatbelt mo. Mabilis pa naman akong magmaneho." para akong tanga at nakapikit pa talaga ako. Akala ko kasi... kasi... hahalikan niya ako. Nalungkot tuloy ako ng wala sa oras.
.
Umayos na si Sir at in-on ang engine. Tinignan ko ulit ang resort. Mamimiss kita. Promise!
.
"Hindi man lang ba tayo bibili ng pasalubong sir?" tanong ko. Baka kasi magtampo yung dalawa kong magulang sa akin. Magkakasala pa ako sa paningin nila. Baka lumaki. Alam niyo na.
.
"Bibili naman. Ano bang klaseng bagay ang gusto mong ipasalubong?" napa-isip naman ako dun. Kung mga bagay, mabibili lang sa amin.
.
"Hindi bagay, pagkain ang ibibigay ko. Iba kasi ang mga cuisines dito sa Palawan compared dun sa Manila." tumango lang siya at pinaharurot ang sasakyan niya. Hindi naman ako takot sa mabilis. Sanay na ako since palagi ko itong ginagawa nung may scooter pa ako.
.
Huminto ang sasakyan sa harap ng isang... tiangge?!
.
"Ba't naman sa tiangge pa?" tanong ko. Ang baho kaya rito. Sari-saring baho. May mabaho at may mabaho.
.
BINABASA MO ANG
Marrying my Teacher [COMPLETE/UNEDITED]
RomanceAll Rights Reserved, 2014. Story Started: April 9, 2014 Story Finished: June 1, 2016 Unedited!!!! [Anong magiging reaksyon mo kung ikakasal sa Teacher mo?] Nasa NewBurgh's League academy nag-aaral si Rebecca and she's taking business ad. At sa hindi...
![Marrying my Teacher [COMPLETE/UNEDITED]](https://img.wattpad.com/cover/14640335-64-k987775.jpg)