°_Chapter 45_°

8.4K 145 7
                                        

[Author's note: Maraming typos at wrong grammar, sorry. Happy new year pala:)]

°_Chapter 45_°

Rebecca's Point of View:

I'm getting crazy. Why did I respond to that kiss? I'm already cheating at Austin.

Pagkapasok ko sa bahay ko ay agad akong sinalubong ni Austin at ni Jane.

I'm feeling speechless. Hindi ko magawang mapakapagsalita. Kinakabahan ako. Kasi masasaktan ko yung taong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako at kahit kailan hindi ako sinaktan.

"Becca." he hugged me as I enter my house. He's scared and I can feel it.

I hugged him back. Nakokonsensiya ako. Ang sama sama ko na ba? Ako ang pumasok sa sitwasyong ito pero parang hindi ko magawang panindigan.

" Anong ginawa niya sa'yo, Bec?" nag-aalalang tanong ni Jane sa akin.

Hindi ko muna siya nasagot dahil hanggang ngayon nakayakap parin si Austin sa akin.

Kumalas rin siya at hinawakan ang magkabila kong balikat.

" Are you okay?" tanong ni Austin.

Tumango lang ako. Tinignan ko si Jane at ngumiti sa kanya. I want them to feel relieve. Ayaw ko namang mag-alala sila palagi sa akin.

" Wala siyang ginawang masama sa akin. I'm fine so no need to worry, okay." sabi ko at hinaplos ang mukha ni Austin.

Nakita ko pa kung paano siya lumunok pero ngumiti rin sa huli. May problema pa rin ba siya?

Tinanong nila ako kung kumain na daw ba ako at sinabing tapos na. Nagshower nalang muna ako at nagbihis ng pajamas at loose shirt.

Pumunta ako sa kusina at naisipang magtimpla ng kape. Pumunta ako sa balcony ng bahay at doon naisipang inumin ang kape.

Medyo malamig dito pero nababawasan rin ang lamig ng nararamdaman ko dahil sa kape.

" It's cold." sabi niya sabay lagay ng blanket sa balikat ko." Why are you here? You're supposedly sleeping right now. "

Gumaya siya sa akin na kasalukuyang nakasandal sa railings.

"Hindi kasi ako makatulog kaya naisipan ko munang uminom ng kape..." I said.

Tinignan ko siya. Hindi siya nakatingin sa akin at parang ang lalim ng iniisip niya. Is he still worried?

Umusog ako papalapit sa kanya at nang maramdaman niya na nakadikit na ako sa kanya tsaka niya namalayang magkatabi na talaga kami.

Tumitig siya sa akin kaya tinanong ko na. "May problema ka ba?"

Kumunot lang ang noo niya tsaka umiwas ng tingin. May problema pa nga 'to.

Gusto kong malaman ang problema niya gaya ng ginagawa niya sa akin. Siya yung tumulong sa akin noon kaya it's time for me to help him narin. Ang laki na ng utang na loob ko sa kanya. I can't lose this man.

Minsan nalang ang mga taong katulad niya. Hindi mo agad makikita. They don't deserve to get hurt. Wala lang naman siyang ibang ginawa na maaaring ikakasakit sa akin.

" Ni minsan ba naisip mo na mahal mo ako?" napalunok ako sa tanong niya.

Oo, mahal ko siya pero hindi bilang siya kundi bilang isang kaibigan na hindi ko kayang mawala.

Mariin kong pinikit ang mata ko tsaka ko siya sinagot. " Yes, I do."

Nakita ko pa sa sulok ng mata ko na napatingin siya sa akin. Hindi ko siya tinignan. Hindi ko siya matignan dahil malalaman niya na nagsisinungaling lang ako.

Marrying my Teacher [COMPLETE/UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon