A/N: Vote kung nagustuhan, comment kung ano ang naging reaksyon. Enjoy!
Good News! Hindi na po ito bitin. Bad news! May side sa akin sa mukha itong bitin.^_^
*****
.
°_Chapter 22.1_°
.
Rebecca's Point of View:
.
Pagkauwi namin sa mansion ay agad akong pumunta sa kwarto at tumalon sa kama. Hmm. Ang lambot lang. Sana ganun din tong puso ko, lumambot na din. Hayyy.
.
Ayaw ko ng mag-isip tungkol sa lalaking yun. Tatanggapin ko na ang lahat. Lahat lahat. Tatanggapin ko nalang na hindi kami pwede para sa isa't-isa. Hinahadlangan na nga kami ng tadhana at ng diyos, kokontra pa ako? Ang hirap na kaya ng kalaban. Hmmp!
.
"Magsimula ka ng mag-impake. Bukas na bukas ay pupunta na tayo sa palawan." utos nito kaya tinignan ko siya ng nakangiti.
.
"Okay. Hmm. Nga pala, ilang araw nga ulit tayo dun? May resort na ba tayong tutuluyan?" tanong ko sa kanya. Sorry naman kung ang tanda ng pag-iisip ko, agad na makalimot kong ilang araw kami dun.
.
"5 days. Sakto pang may isa tayong araw na magpahinga pagnakauwi tayo pabalik rito. And about sa resort, dont worry. May tinawagan na ako para dun." sabi niya sabay alis sa kwarto. Well, ano pa ba hindi ko aasahan sa kanya eh ang yaman naman pala niyan. I'm sure meron silang resort na pagmamay-ari nila ron.
*****
"Teka nga lang! May nakalimutan pa nga ako sa taas. Akin nayong susi. Bilis!" sigaw ko sa kanya. Pano ba naman eh palagi akong minamadali. May nakalimutan lang naman ako. Tsk.
.
Napakamot nalang ito sa ulo niya sa inis at binigay na ang susi at agad niyang pinakuha ang kailangan kong makuha.
.
Umakyat ako agad sa taas at binuksan ang pinto. Kinuha ko na ang kailangan kong kunin at agad na bumaba.
.
"Tara!" excited kong sabi sa kanya. Ngunit sinamaan niya lang ako ng tingin at sumakay na sasakyan.
.
"Thank you sa pagbuhat ng bagahe ko." nakangiti kong sabi sa kanya. Hindi man lang ako sinagot. Tss. Ang cold na naman niya. O baka dalaw na nya ngayong buwan na ito. Hahaha. PMS na naman si Sir.
.
"Manahimik ka nga muna kahit 5 minutes lang, Becca. Ang sakit sa tenga ang malaki mong bunganga." nagpout nalang ako sa sinabi niya. Sakit sa tenga daw. Ano ako, virus?
.
Tumahimik nalang ako gaya ng sinabi niya at kinuha ang iPhone ko. Pumili ako ng mga games.
.
Nahirapan akong pumili since halos 50+ games ang nadownload ko. Pumili pili pa ako hanggang sa napili ko ang game na circle.
.
Ugh! Ang hirap naman ng larong ito. Parang flappy bird lang ehh. Dapat lang hindi matouch ang circle sa black na linya. Tss.
.
Ilang beses pa akong naglaro ng mainis na ako ng lalo.
.
"El pota de Mama naman oh! Bwiset ang gumawa sayo! Grrrr." inis kong i-unistalled ang larong ito.
BINABASA MO ANG
Marrying my Teacher [COMPLETE/UNEDITED]
RomanceAll Rights Reserved, 2014. Story Started: April 9, 2014 Story Finished: June 1, 2016 Unedited!!!! [Anong magiging reaksyon mo kung ikakasal sa Teacher mo?] Nasa NewBurgh's League academy nag-aaral si Rebecca and she's taking business ad. At sa hindi...