°_6_°
.
Rebecca’s Pov:
.
Gumising na ako dahil sa umingay na ang alarm clock ko. Kahit istorbo, walang magawa. Selos lang ang alarm clock ko sa kama ko.
.
What a beautiful morning. The birds are chirping, the sun rises, and I woke up in a good mood. Chos, ang o.a ko. Pero really, masaya ang morning ko. Nag-stretching lang ako at Pumunta na ako sa C.r at nagshower. Habang naliligo ako, pakanta kanta din ako. Sadyang maganda ang araw na to’.
.
Natapos na akong maligo at nagbihis na ako nang floral na sleeveless at high waist short na color blue. Okay lang naman kasi ang magcivilian sa academy. Nagsuklay at kumain na ako and ready to go to school.
.
Pagkadating ko sa academy ay nakita ko agad si Leo na nakasandal sa sasakyan niya. Tsss. Why so handsome? Im so lucky to have him. Kahit ilang months nalang ang meron sakin. Makakasal na ako. Iniisip ko palang, ang pangit na nang buhay ko.
.
“Gwapo ba?” tss. As always naman ehh.
.
“Napakagwapo. Ba’t ka nagpagupit?” yung buhok niya kasi noon mala-san guko. Tapos ngayon, mala-daniel padilla na.
.
“Wala lang. Ayaw ko lang na mawala ka sakin, ayaw ko nang magkagusto ka sa iba. Sakin ka lang, AKIN.” Napalunok nalang ako nang laway sa sinabi niya. Ayaw niya akong mawala sa kanya ehh ikakasal na nga ako. Di ko nalang sasabihin sa kanya tungkol dun. Ehh ayaw ko namang malaman niya sa iba. ARGGG! Ang gulo.
.
I hugged him,“Di naman ako mawawala sayo ehh. Dahil di kita iiwan kahit anong mangyari. Ikaw lang ang mamahalin ko.” Iba ang gusto kong ipahiwatig nun. Mas mabuti pa kung di niya magets. Di naman ako mawawala talaga sa kanya, ikakasal lang ako. At sa papel lang yun. Di ko siya iiwan kahit may asawa man ako dahil siya lang ang lalaki sa puso ko. Wala nang iba. CHOS! Ang drama ko.
.
Naramdaman ko nalang na yinakap niya rin ako pabalik, sa totoo lang naiiyak na ako. Mahal ko ang lalaking ito, at ayaw kong magsinungaling. Sasabihin ko sa kanya ang totoo. Maybe mamayang uwian nlang. Gusto kong maging masaya na kasama siya sa natitirang buwan. Para akong mamamatay sa drama ko.Pagbigyan niyo na.
.
“That’s good to hear.” And naramdaman kong napasmile siya.
.
“Ehem.” Agad kaming napabalikwas na pagyayakap.
“Kayo na ba? Pano na ako Leo? Huhuhu.” ang arte ni Eunice. Alam kong nagjojoke lang yan. Trip lang namin ang mga ganun.
.
“Oo kami na. Kaya magdusa ka sa inggit.” Walang personalan na sabi ko. Nakisabay lang ako sa kalokohan niya.
.
“Ay ganun, porke’t may boyfriend masungit agad? May nalalaman pang magdusa? Chos ka girl, Sayong sayo na yan, kahit lamunin mo pa nang buhay. Sayong sayo na talaga. Kahit di ka pa mag-share. But alam kong may bibitiw sa inyo sa huli. Walang magtatagal sa relasyon.” That hit me. Alam kong di kami magtatagal. Sakit sa heart. Binatukan ko na lang si Eunice nang di nila mahalata na naaapektuhan ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Marrying my Teacher [COMPLETE/UNEDITED]
RomantizmAll Rights Reserved, 2014. Story Started: April 9, 2014 Story Finished: June 1, 2016 Unedited!!!! [Anong magiging reaksyon mo kung ikakasal sa Teacher mo?] Nasa NewBurgh's League academy nag-aaral si Rebecca and she's taking business ad. At sa hindi...