°_Chapter 28_°

8K 169 13
                                    

Labis akong nagpapasalamat sa mga bagong readers na nagpaparamdam :) And also, thank you sa comments. Ito lang kasi ang motivation ko para mag-update ng maaga.

.

°_Chapter 28_°

.

Rebecca's Point of View:

.

"Uyy, ano ka ba. Nakakahiya sa ibang tao." sabi ko kay Austin. Ehh akalain mong susubuan pa ako kulang nalang iisipin ng iba na wala akong kamay.

.

"Say AHH na nga lang, luto 'to ng Mommy ko kaya masarap 'to." sabi niya. Naparolled eyes nalang ako at kinain ang subo niya. No choice ako eh.

.

Kanina pa kami magkasama ni Austin since ako pa ang nakuhang TOUR GUIDE ni Miss Delas Verlas sa kanya. Hindi daw kayang maglibot ni Austin mag-isa, sa laki ba naman ng Academy na 'to eh makayanan niyang matandaan ang lahat ng pasikot ng academy.

.

"Bakit mo ba ako sinusubuan huh?" sabi ko habang may pagkain pa sa bibig ko.

.

"Pasasalamat ko na rin sa pagtulong mo sa akin sa paglibot tsaka alam kong napagod ka kaya pagsisilbihan kita." sabi niya habang nakangiti ng napakalapad. Tss. Kung hindi ka lang gwapo ehh.

.

"Wala bang binigay na schedule si Miss tungkol sa oras ng klase mo?" tanong ko.

.

"Hmm, meron. Sa second floor 1-B daw ang section." sabi niya kaya nabilaukan naman ako sa sinabi niya kaya pinainom niya ako ng tubig.

.

"Ibig sabihin, kaklase kita? " sorry naman kung masyado akong o.a. Nabigla lang ako.

.

"Hindi, kapitbahay mo." napapoker ako sa sinabi niya. Nagawa pang mamilosopo eh. Napansin niya ata ang pag-iba ng aura ko kaya umayos siya. "Hindi naman 'to mabiro. Oo, kaklase mo ko kaya nga ikaw ang kinuha ni Miss Delas Verlas na tumulong sa akin." pahayag niya sa akin.

.

20 minutes ata kaming nakastay dito sa cafeteria kaya napag-isipan ko na dalhin siya sa magiging room namin. Hindi naman siya umangal kaya nagsimula na kaming maglakad.

.

"Huwag nalang kaya muna tayong pumasok. Since excuse naman tayo. Gala nalang tayo." sabi niya. Nako! Bad influence tong lalaking 'to.

.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Maaaring makakatulong ang paggala sa paglimot ko sa kanya. You know, si Sir.

.

"Okay." sabi ko nalang at walang pasabi ay hinila na niya ako tapos tumakbo.

.

Nakaabot na kami sa parking lot at pinahintay niya ako para iliko ang sasakyan niya. Wow, gara ng sasakyan ahh.

.

"Sakay ka na." sabi niya kaya sumunod nalang ako sa sinabi niya.

.

"Saan mo gustong pumunta?" tanong niya sa akin. Di ko alam kung saan ehh.

.

"Ikaw nag-ayang gumala tapos ako ang tatanungin mo kung saan. Like duhh, hindi ako sasama sa taong walang alam puntahan." mataray kong sagot sa kanya. He just chuckled and it feels so weird kasi naman, nagtataray ako tapos tumawa siya. -_-

Marrying my Teacher [COMPLETE/UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon