A/N: Maraming typos at wrong grammar, pagpasensiyahan.
°_Chapter 42_°
Rebecca's Point of View:
"Because if yes, then the feeling is mutual."
Ano daw?! Teka. May problema ata tong tenga ko. Ugh! Kailangan kong klaruhin 'to. Di na biro ang ganitong sitwasyon.
"Ha--hah?"
"I love you, Rebecca. And that's an honest confession." narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya.
I bite my lower lip and cry. Tears of joy, maybe. I mean, I thought that imposible ang mahalin niya ako pabalik. Akala ko hindi niya akong kayang mahalin.
"Bakit mo 'to sinasabi ngayon sa akin? Napasukan ka ba ng kung anong ispirito man?"
Narinig ko pa ang pagtawa niya ng kaunti. May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"Hindi ako napasukan, Becca. Losing you made me realize that I can't live my life without you. I can't lose you. I love you and don't wait for me to get crazy waiting for you. Kung asan ka man ngayon, please, umuwi ka na dito sa bahay natin. I miss you."
I can't help myself but to smile widely. May mas ikakasaya pa ba sa nararamdaman ko ngayon? He loves me. At mahal ko rin siya. Hindi naman masamang magsama kami ulit diba?
'Hindi kayo legal na kasal. The wedding is fake and I'm sorry for interrupting, Rebecca.'
Bigla nalang sumagi sa isip ko yung sinabi ng Mommy ko. We're not married legally. Napasandal nalang ako. And my tears kept on falling. Nadismaya ako at nanghinayang. Oo, noong una tutol ako sa kasalan na iyon. Naisipan ko pa nga sanang magpakamatay nung araw na iyon. Pero parang okay lang sa akin na nangyari iyon kasi sa taong mahal ko na mahal na rin ako. Everthing happens for a reason nga naman.
"I---I can't. I can't go back in there and be with you. I have nothing to do with you. Wala tayong ispesyal na relasyon. I am just your student na napakabobo na paborito mong pagalitan at pinapahiya." kahit naluluha na naman ako, pinilit ko paring pinapatatag ang sarili ko.
"You're my f*cking wife, Becca. What are you talking about? I know that I am an idiot to make you feel so stupid pero you are not just my student, you are my wife. You're my life." halata ang pangangamba sa boses niya.
Bakit ganun? Imbes na kiligin ako sa mga sinasabi niya ay nasasaktan ako. Dahil siguro alam ko sa sarili ko na hindi kami. Na walang kami kahit ni-minsan man lang. Nagkasama lang kami sa iisang bubong at nakasal sa isang kasunduan na peke pala. And I'm scared na baka malaman niya na peke iyon tapos magalit siya sa akin kasi ang sarili kong ina ang sumira nun.
"Thank you for being honest, Sir. Thank you for taking care of me. Thank you sa lahat. Pero I can't be with you." hindi na maitatago ang kalungkutan sa boses ko. Nakakaiyak na naman kasi.
"Wh---what? Wait, huwag kang padalos dalos Rebecca. I'm a jerk, I admit it. But atleast give me a chance to show how much I love you now. Remember, we have a contract that you are going to be with me and be my wife for atleast 1 month or more. Hindi pa yun natapos. You agree to that contract. Please, be with me and I will let you feel how scared I am to lose you and let you go."
Sino pa ba ang hindi maiiyak sa mga sinasabi niya? Ramdam ko ang sinseridad sa bawat detalye ng sinabi niya. I love him so much na kahit sino sa mundo ay hindi na iyon mapapalitan.
"Can you open my closet?" sabi ko. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko sa kakaiyak. Tears of joy ang nangingibabaw sa akin. Sino ba ang hindi sasaya kung malaman mong mahal karin ng taong mahal mo? Once in a blue moon na 'yon sa akin pero sinayang ko.
BINABASA MO ANG
Marrying my Teacher [COMPLETE/UNEDITED]
RomanceAll Rights Reserved, 2014. Story Started: April 9, 2014 Story Finished: June 1, 2016 Unedited!!!! [Anong magiging reaksyon mo kung ikakasal sa Teacher mo?] Nasa NewBurgh's League academy nag-aaral si Rebecca and she's taking business ad. At sa hindi...