Author's note: Maraming typos at wrong grammar kaya pagpasensiyahan. ^
°_Chapter 38_°
.
Rebecca's Point of View:
.
Nagising nalang ako dahil sa may narinig akong ingay. Agad akong napaupo galing sa kakahiga at tumitingin sa paligid.
.
Wala pa naman akong naririnig na may multo rito, diba? Agad kong kinuha ang mga gamit ko kasi nagsisitayuan na ang mga balahibo ko.
.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto at tinignan ang nasa labas kung may mga tao bang umaaligid.
.
Nung napagtanto kong wala naman ay lumabas na ako agad. Dumiretso na ako sa locker room para ilagay ang mga gamit ko at kinuha naman ang swim wear ko para sa swimming class.
.
Pero laking gulat ko nalang ng may nakita akong litrato at note. Yung larawan--- ito yung panahon na nasa hotel kami ni Sir tapos... hinalikan niya ako.
.
Shit! Paanong may nakakita sa amin nun? Binuklat ko agad ang note tsaka binasa ang nakasulat.
.
ANG LANDI MO! LAGOT KA NALANG PAGNAKALAT NA ITO SA BUONG ACADEMY. STUDENT-TEACHER RELATIONSHIP PALA HAH!
.
Natakot ako. Para akong binuhusan ng ilang yelo dahil sa kaba na nararamdaman. Paano nalang kung ngayon pa lang ay nakakalat na ang larawan naming dalawa ni Sir? Damn!
.
Tinignan ko ang nakapaligid sa akin. Ako palang. At maaaring narito lang yung nagbigay nito. Siguro pinagtatawanan na ako nun kapag nakita niya ang reaksyon ko.
.
Kahit yung kabog ng puso ko ay dumoble pa ay kinuha ko agad ang phone ko. Muntik ko pa itong mahulog dahil sa nanginginig ako sa kaba.
.
Agad kong hinanap ang phone number ni Sir para tawagan. Ilang saglit lang ay sinagot naman niya agad.
.
"What is it, Becca?" mahina lang ang boses niya. Siguro nagtuturo siya ngayon.
.
"May nagbigay sa akin ng litrato at note." nangingig kong sagot. Hindi ko masabi ng diretso. Kahit kinakabahan at natatakot ako, nahihiya parin akong banggitin yung nasa larawan.
.
"And what is it? Pakidalian mo, Becca. May tinuturuan pa ako."
.
Napalunok muna ako bago sumagot. "Yung nasa larawan... yun yong panahon na nasa bodega tayo tapos nung hinalikan mo ako."
.
"Excuse me, class. Lalabas muna ako." narinig ko pang paalam niya sa mga istudyante niya.
.
"Anong gagawin ko? Nakasulat sa note na ikakalat niya yung nasa larawan." naiiyak na ako. Yung tipong para ka ng naiihi dahil sa sobrang kaba at takot. Ang hirap.
.
"Hey, hey. Everything will be just fine. Calm down. Just go to your next class and act normally. Don't let them see you getting affected to their threath. Okay?" ano bang meron sa kanya na kapag nagsalita siya parang ligtas ako. Na lahat ay magiging okay.
BINABASA MO ANG
Marrying my Teacher [COMPLETE/UNEDITED]
RomansaAll Rights Reserved, 2014. Story Started: April 9, 2014 Story Finished: June 1, 2016 Unedited!!!! [Anong magiging reaksyon mo kung ikakasal sa Teacher mo?] Nasa NewBurgh's League academy nag-aaral si Rebecca and she's taking business ad. At sa hindi...
![Marrying my Teacher [COMPLETE/UNEDITED]](https://img.wattpad.com/cover/14640335-64-k987775.jpg)