Phoebe Heart's POV
"Hija ito ang apartment mo. Libre na dito ang tubig. Kuryente na lang babayaran mo pero sa akin ka magba-bayad ha? Ang pagkain mo ikaw na bahala. Bawal druga at inuman dito sa loob. Intyendes?" Pagi-explain ng land lady sa akin.
"Opo. Salamat po. Magkano naman po ang isang buwan na bayad sa apartment? " tanong ko. Ika-ilang apartment na rin 'tu.
"Tatlong libo at limang daang piso dala na ang kuryente dun." Sabi niya sakin na ikinalaki naman ng mata ko. Ta-tatlong daan at li-limang daang piso? Saan ako kukuha ng ganung kalaki na pera?! Estudyante pa lang ako!
"Bakit? Aba't mura na nga yan hija. Malaki na rin 'tung apartment na 'tu." Sabi naman bigla ng land lady.
"Ahh w-wala po. Okay na po. Salamat po. Ano po ba ang rules sa bahay na 'tu?"
"Yun lang naman hija. Walang pagdu-druga at walang iinom. Tsaka nga pala." Pagsabi bigla ng land lady sabay tapik ng mga palad niya. "May kasama ka sa apartment na 'tu. Babae rin siya. Bukas siya lilipat, tutal malaki rin 'tung apartment na 'tu at dalawa ang kwarto may kusina naman at isang banyo. Okay naman kayo dun diba?" Tanong ng land lady.
Umoo na lang ako at sumang-ayon. Okay rin siguro may kasama ako para di boring.
"Sige hija. Mauna na ako ha? At maniningil pa ako sa ibang apartments. Ay nga pala! Muntik ko nang makalimutan. Ako nga pala si Rose Medet. Tawag nila sakin dito nanay Rose. Tinuturing ko ang mga nagre-renta ng apartments ko na mga anak. So ikaw, anak na kita ha? Kaya magpaka-bait ka. Matulog na, gabi na rin." Sabi niya habang yinakap ako. Naipit tuloy manika ko.
Napapikit na lang ako ng yinakap ako ni Nanay Rose. Matagal na rin ng may yumakap sakin.
"Ang cute naman ng manika mo. Oh sige hija baka gabihin na rin ako. Paalam. E lock ang mga pinto at bintana ."
"Opo"
Sinundan ko si Nanay Rose sa pintuan at nang makaalis siya ni-lock ko agad ang pinto.
Tiningnan ko ang buong apartment. Parang maliit siya na condo. Kung iisipin nga masyadong mura ang 3500 na pambayad buwan-buwan. Kasu nga napakalaki na para sakin ang perang yun. Scholar lang ako sa paaralang ini-eskwelahan ko ngayon.
May nag suggest kasi sakin sa apartment na 'tu, e malapit naman siya sa eskwelahan ko edi kinuha ko na kahit di ko alam ang bayad per month. Medyo tanga lang.
Umakyat na ako sa kwarto ko at bago ako makapasok may nakita akong isang pintuan sa tabi ko at kwarto ata yun habang sa dulo naman eh isang pintuan na puti. CR ata yun. Tapos sa kabilang dulo e isang balcony. Pero maliit lang naman.
Nang makapasok na ako sa kwarto, feeling ko hindi ko ata pagsisihan ang 3,500 ko every month. Ang ganda!
Kahit hindi na ako gumamit ng electric fan malamig na. May malaki pang bintana sa gilid. Kompleto na rin sa mga appliances.
May study table,kama,unan at cabinet!
Itinung-tong ko ang mga bagahe ko sa itaas ng kama ko at binuksan ang isang maleta at pinaupo si Ziggy sa ibabaw ng unan ko.
Si Ziggy nga pala ang manika ko.
Kinuha ko ang mga damit ko at isinilansan sa cabinet. Inilagay ko na rin ang mga libro ko sa study table.
BINABASA MO ANG
Je t'aime ma Poupee Prince
Teen FictionWill you love someone who was made to love you? Or would you choose to pretend that you don't love him for the sake of everybody?