Phoebe's POV
Kakababa ko lang sa jeep at papasok na sana ako sa apartment ng may sumitsit. Lumingon ako at may nakita akong cute na lalaki.
"Hi bagong lipat ka?" Tanong niya. "Ay ako pala si Lejan." Sabi niya sabay lahad ng isang kamay niya.
"Ako naman si Phoebe" sagot ko sabay tanggap ng kamay niya rin at nag shake hands kaming dalawa.
"Kailan ka lang lumipat?"
"Kahapon"
"Ahh. Okay. Sana maging kaibigan tayo someday Phoebe! Nice meeting you. Bye!" Nginitian ko siya at nag wave na rin sa kanya.
Ang cute niya :) sana maging kaibigan nga kami. Wala pa kasi akong mga kaibigan eh.
Kinuha ko ang susi sa bulsa ng bag ko at binuksan na ang pinto.
Ang tahimik ng bahay. As usual. Inaasahan ko kasing ngayon darating yung board mate ko. Sabi kasi ni nanay ngayon yun dadating diba? Sana mabait siya.
Di na ako dumiretso sa kwarto ko. Dumiretso na lang ako sa kusina para makakain agad.
Kumuha ako ng pagkain sa loob ng ref at nagluto na. Habang luto na yung ulam, hindi pa luto ang kanin kaya nanuod muna ako ng tv.
Habang naka-upo ako sa upuan may kumatok sa pintuan. Tumayo ako at binitbit si Ziggy.
Binuksan ko ang pinto at sumilip. Aba malay mo naman kung sino yun diba? Wala pa nga akong kakilala dito eh. Except siguro yung si Lejan.
"Nanay Rose?" Tanong ko.
"Oh hija. Naisturbo ba kita?" Sabi niya sakin.
"Ah hindi po. Tuloy po kayo." Sabi ko at pumasok naman siya sa loob ng apartment. "Nanay gabi na ah. Ano po ginagawa niyo dito?"
"Chini-check ko kung andito na ang ka board mate mo."
"Wala pa po nanay eh."
"Yung bata na yun talaga."
"Baka po late lang. Maya-maya andito na rin po siguro siya." Pagpapagaan ko ng loob kay nanay Rose.
"Oo nga. Marunong na yun. Oh nakapang-hapunan ka na?" Umiling na lang ako sa tanong ni Nanay Rose.
Tinanong niya ako kung bakit. Sinabi ko na kakauwi ko lang dahil naghahanap ako ng part time job ko.
"Ang sipag mong bata ka. Oh siya! Aalis na ako ha? Babalik na lang siguro ako bukas."
"Opo. Nga pala Nanay Rose. Salamat sa pagkain." Sabi ko sa kanya na medyo nahihiya pa.
"Walang ano man hija. Aalis na ako ha? Mag-ingat"
"Opo"
At sinabayan ko si nanay Rose sa pintuan. Nang tuluyan na siyang makalabas, ni-lock ko na rin ang pinto.
Pumunta akong kusina at nakita ang rice cooker na ready na ang rice kaya kumuha ako ng kanin tapos ng ulam.
"Ay! Oo nga pala." Sabi ko sabay takbo papuntang salas na inupuan ko kanina. Pinatay ko ang TV at kinuha si Ziggy.
"Kakain na tayo Ziggy. Pero bago niyan. Pray muna tayo. Lord thank you sa lahat ng blessings na ibinigay mo sa amin ngayon ni Ziggy. Marami pong salamat." Tapos nag simula na akong kumain.
"Grabe Ziggy. Gutom na gutom talaga ako--*burp*" napahinto ako at bigla na lang tumawa. Haha gutom nga ako pero bigla naman akong dumighay.
Pagkatapos kong kumain hinugasan ko na ang plato,kutsara,tinidor at baso na ginamit ko. Pagkatapos umakyat ako sa kwarto at kinuha ang tuwalya ko para mag half bath. Tapos nagpalit at di rin nag tagal naka-tulog ako agad.
***
Tiningnan ko ang cellphone ko. Ala-una ng madaling araw pero bumangon ako dahil nauhaw ako bigla.
Tumakbo ba ako sa panaginip ko at uhaw na uhaw ako? Tss.
Nang makalabas na ako sa kwarto may narinig akong kaluskos mula sa kusina. Putspa! May magnanakaw!
Huhu ano ang gagawin ko? Wag ko na lang kukunin si Ziggy mula sa kwarto, natutulog yun baka ma disturbo at baka nakawin siya sakin bigla. Huhu di ko kakayanin.
Hinubad ko ang isang tsinelas ko at hinay-hinay na naglakad papuntang kusina.
Lord, di ko pa 'tu oras diba? Di pa po ako naka hanap ng trabaho. Tulungan niyo po ako.
Nang nasa pintuan na ako ng kusina. Naririnig ko na rin ang mga tunog ng pinggan at kutsara. Gutom ba ang magnanakaw na 'tu?
Hinalukipkip ko ang light switch sa dingding pero di ko mahanap! Ano ba!!!
"Makisama ka switch!" Sabi kong pabulong. Shengnerms na switch!
Nung mahawakan ko na ang switch bigla akong nakaramdam ng saya pero napalitan bigla ng kaba nung naalala ko uli na may magnanakaw sa loob ng bahay.
Pinaandar ko ang ilaw at umalis na sa pinagtataguan ko at ready ko ng itapon ang tsinelas ko sa magnanakaw. Sana makatulong!
"Yaaaaaa----si-sino ka?" Naudlot ang pag-sigaw at pag tapon ng tsinelas ko nung nakita ko ang isang magandang babae na nakaupo sa lababo at hinahawakan ang pinggan na may manok at kanin na niluto ko kanina.
"Sorry. Nagising ba kita? Teka lang tatapusin ko muna ang pagkain ko." Sabi niya habang ako tulala pa rin. Kung magnanakaw 'tu aba't magandang magnanakaw 'tu!
Sinuot ko na uli ang aking tsinelas na kanina pang handa sana na itapon ko sa akala kong magnanakaw.
Lumapit ako sa kanya at kumuha ng baso at tubig. Ininom ko ito kasi kabang-kaba pa naman ako kanina. Akala ko talaga magnanakaw.
Bumaba siya sa lababo na parang walang nangyari.
"Ako nga pala si Mayumi Aug Hwang. Board mate mo." Sabi niya.
"Ako si Phoebe Heart Manisable. May lahi ka?" Tanong ko sa kanya habang hinugasan ko ang basong ininuman ko.
"Ahhh. Oo. Korean pero 1/4 lang naman. Half korean kasi papa ko tapos mama ko naman pure Filipino"
"Ahhhh" sabi ko sabay tango-tango.
Aalis na sana siya ng tinawag ko siya.
"Bakit?" Tanong niya tas tinuro ko ang lababo na may pinagkainan niya.
"Hugasan mo. Ikaw ang kumain niyan." Sabi ko sabay alis pabalik sa kwarto. Mamaya ko na lang siya siguro kakausapin, inaantok pa ako eh. Anong oras pa lang kaya!
Bago ako tuluyang makaalis sa kusina narinig ko pa siyang nagdabog. "Naman eh!"
Pfft. Ang tamad naman niya. Well one fourth Korean naman siya. Bakit siya nag renta ng apartment?
Nakarating na ako sa kwarto ko at humiga. Nakita ko si Ziggy.
"Ziggy may bago na tayong kasama. Pangalan niya si Mayumi Aug Hwang. Oh diba? May lahi pa siyang Korean. Astig diba? Tapos ang ganda niya pa tapos ang puti-puti. Kaso tamad nga lang pero ayos na rin siguro yun? Sana maging kaibigan kami."
Pagkatapos kong kausapin si Ziggy natulog na uli ako.
BINABASA MO ANG
Je t'aime ma Poupee Prince
Teen FictionWill you love someone who was made to love you? Or would you choose to pretend that you don't love him for the sake of everybody?