Chapter 20

30 7 1
                                    

Phoebe's POV

"Ziggy ano na lang ba kulang?" tanong ko sa kanya na seryoso nakatingin sa listahan na hinahawakan ko. Kanina pa kami umiikot sa grocery. Grabe! Ang haba lang ng listahan!





Nasa harapan ako ng cart habang si Ziggy naman ang nagtu-tulak. "Hoy Ziggy" tawag ko uli sa kanya habang nakatingin sa listahan. Di ko siya nililingon mula pa kanina.




"Your smile" bigla niyang sabi. Napaharap naman ako bigla sa kanya at nanag maka-harap na ako sa kanya, nag-pretend siyang nagbibilang ng grocery na nasa loob ng cart. "I-I mean...I-I don't know! You're the one who's holding the list" pagde-depensa niya habang di naka-tingin sakin.




Tumalikod na lang ako sa kanya at nagpa-tuloy sa pagbabasa ng listahan para di niya makitang napapangiti ako dahil sa katangahan niya. Sa mga nakaraang araw nahahalata ko nang parang iba na si Ziggy. Ewan! Sobra lang siguro 'tu sa kilig. Okay na rin kaming dalawa. Pink na rin buhok niya.




Nag stop kami sa chips section para kumuha ng nasa listahan. "Ziggy di ko maabot ang malaking chips sa taas paki—" di natuloy ang sasabihin ko ng may lumapit na babae samin. Mataas siya at parang model.




"Hi Ziggy" bati niya kay Ziggy. "I'm Gia Mae Gelebern" sabay lahad pa ng kamay niya kay Ziggy at di inaalis ang tingin kay Ziggy. Si Ziggy naman parang nagda-dalawang isip pa siya na tanggapin ang kamay ni Gia kaya siniko ko siya.




"By the way what are you doing here?" tanong pa niya kay Ziggy. Nakiki-CR kami miss. Nakiki-CR. Inis 'tung babaeng 'tu ah. Andito kaya ako!! Walang galang.



"Obviously we are buying groceries" sagot ni Ziggy. Yan Ziggy! Tama yan!



Tiningnan ako ng babae mula ulo hanggang paa at inirapan. Humarap siya kay Ziggy at kinausap siya uli. Aba't ang attitude ng babaeng 'tu di ko gusto! Pigilan niyo ko!





"Anyway Ziggy. Do you want to go with me?" tanong niya kay Ziggy sabay angkla ng kamay niya sa braso ni Ziggy. Teka pano niya nakilala si Ziggy?




"Wait. How did you know my name?" takang tanong ni Ziggy.



"Hmm..sources. hihi" malanding sagot niya kay Ziggy. Amp! Isa pa. Obvious ka na te. Lumalandi ka na kay Ziggy. Sasampalin na talaga kita left and right, up and down.

Je t'aime ma Poupee PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon