Phoebe's POV
Lahat sila nakatingin sakin. Nak ng! Kinalabit ako ni Janine at ng makaharap ako sa kanya ningitian niya lang ako. At parang sinasabi niya na 'ayos lang yan. Wag mo silang pansinin' kaya di ko na rin sila pinansin.
Nauna si Janine maglakad papuntang upuan niya kaya sinundan ko siya. Huminto siya kaya nabunggo ako sa likod niya. Nasapo ko tuloy ilong ko. Kawawa naman ilong ko.
Nilingon niya ako.
"I'm the one who is sitting here." Sabi niya sabay turo sa lamesa na nasa kaliwa ko. "And you will sit here" turo niya sa lamesa na nasa kanan ko naman. Gusto ko naman kasi gilid lang siya ng bintana.
Umupo na ako sa tinuturong upuan ni Janine. Ang iba nakatingin pa sakin pero yumuko na lang ako at umupo.
Mula sa bintana may nakita akong isang property na puro bata.
"Janine ano yun?" Tanong ko sa kanya. Ang cute ng mga batang nagla-laro sa playground.
"Obviously Department yan ng mga kindergarten. Cute right?" Sabi niya.
Tumango na lang ako. Ang cute nga pagmasdan ng mga bata. Napangiti naman ako sa nakita ko.
Ilang minuto rin ang nakalipas wala pa rin ang teacher kaya tinaas ko braso ko at ipinatong ang noo ko para matulog kaya lang nagulat ako sa sumigaw.
"Baklaaaaaaaa~!" Tili niya. Kaya napabalikwas ako. Tiningnan ko ang iba naming mga kaklase. Ang iba napa irap na lang pero ang iba parang wala ng pake.
"Prince! Lower down your voice! Geez!" Reklamo niya pero nung pumunta ang magandang lalaki sa pwesto niya nag beso naman sila at nag hug pa.
"Pasalubong ko? Bakla ka! Di ka pumasok kahapon!" Pagtatampo ni Janine sabay hampas pa sa braso ng, bakla?!
"Yeah. Delayed kasi flight namin kahapon from Paris so unfortunately di kami naka alis." Sabi ng bakla na nagngangalan ata ng Prince. Susko. Habang tinitingnan ko mukha niya pwede rin siyang maging babae, mas maganda pa siya sakin. Kung di 'tu bakla gwapo rin. Ano nangyayari sa mundo ngayon?!
BINABASA MO ANG
Je t'aime ma Poupee Prince
TeenfikceWill you love someone who was made to love you? Or would you choose to pretend that you don't love him for the sake of everybody?