Nicole's POV
This is it pancit! I really need to do this. I want this. Whatever happens I will do this. Lord help me, guide me please? Gagawin ko po 'tu para sa pagbabago! World peace!
Eh! Ano ba naman Nicole! Kung ano pinagiisip mo!
Waaaah! Ngayon lang talaga ako kinabahan ng todo. Sa mga photo shoots ko wala naman. Hay.
Kanina pa ako nagda-dalawang isip kung bababa ba ako o hindi. Mga limang minuto pa lang naman ako dito sa hagdan. Shemberlo! Ano ba yan!
Okay Nicole. Kaya mo 'tu. *inhale* *exhale* nagsimula na akong bumaba para hanapin si Phoebe at kausapin.
Nasa sala silang lahat. Lumapit ako sa kanila at bigla namang tumayo si Thalmalia at lumabas. I know. Kinamumuhian niya ako, di na ako magtataka.
Huminga muna ako ng malalim at tinawag ang pangalan ni Phoebe. "Ph-Phoebe" humarap naman silang lahat. Eh naman e! Si Phoebe lang kaya tinawag ko.
Nakita ko namang nakataas ang kilay ni Prince same as Janine. Ang dalawang minors wala dito. Ewan ko saan nag punta kakababa ko nga lang eh.
"Ano yun Nics?" tawag niya sakin. M-may pangalan na ako agad sa kanya. Ngumiti ako at pinipigilan ang mga luha ko. Ang babaw ko talaga. Ayoko siyang kausapin na andito ang lahat. Tsaka kinakabahan ako. Ewan ko ba.
"A-ano. W-wala" sabi ko tsaka lumabas na. Naka salubong ko pa ang isa sa kambal. Si Yong ata yun, may kulay ang buhok eh. Binati niya pa nga ako pero di ko siya pinansin dahil sa sobrang bilis ko mag-lakad.
Huminto ako sa puno na may duyan. Dito rin ako pumunta kagabi at nag emote. Laking gulat ko e sumunod pala si Ziggy sakin.
"That was a good start" sabi niya na may ngiti pa.
"Z-ziggy. Ano gagawin ko? K-kinakabahan ako" panunumbong ko sa kanya na parang bata.
"Just do your best. Be you" sabi pa niya. Be me? "I know you're not that bad as what others think. I can see that" sabi pa niya. Ewan ko ba pero bigla ko na lang siya yinakap dahil sa sobrang tuwa.
Pero laking gulat ko na si Phoebe eh nasa likod pala ni Ziggy at nakita niya kami.
"Ph-Phoebe" banggit ko ng pangalan niya na nauutal pa.
"S-sorry. Nadisturbo ko ata kayo" sabi niya sabay alis.
Tiningnan ko si Ziggy at seninyasan niya ako na sundan siya kaya sinunod ko.
"Phoebe wait!" sigaw ko. Thank God at lumingon siya pero naluluha siya. Dahil ba sa nakita niya kami ni Ziggy na magkayakap?
"A-ano yun Nicole?"
"Pwede ba tayong mag-usap? Na tayong dalawa lang?" sabi ko. Nagtaka naman siya pero di rin nagtagal eh tumango siya agad. Tiningnan ko ang puno na may duyan sa di kalayuan at wala namang tao dun kaya dun na lang kami pumunta.
Umupo kaming dalawa sa duyan.
"Phoebe" panimula ko. Ngayon medyo di na ako kinakabahan. Slight na lang. "Ano...sorry" parang bahagya naman siyang nagulat pero pinalitan naman ito ng ngiti.
"Sorry for being a bitch to you since from the start. Sorry for making your first day miserable at school. S-sorry that I hurt you. Sorry for all the things that I've done. Pinagsisihan ko yun Phoebe. Maniwala ka sakin" sabi ko at nag simula ng pumatak ang mga luha ko. Naramdaman ko naman na hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit kaya tiningnan ko siya at nakangiti siya sakin. Kaya mas lalo akong naiyak.
BINABASA MO ANG
Je t'aime ma Poupee Prince
Novela JuvenilWill you love someone who was made to love you? Or would you choose to pretend that you don't love him for the sake of everybody?