NARRATOR'S POV
"Queen you've got a visitor. Queen Heartily from the Kingdom of Heart" sabi ng isa sa taga-bantay ng palasyo.
"Let her in" utos ng reyna sa taga-bantay at binuksan naman ng taga-bantay ang malaking pintuan ng silid kung saan andun ang reyna.
"Salamat" pagsa-salamat ni Queen Heartily sa bumukas ng pintuan. "Queen Livelia I think we need to talk about something" agad-agad na sabi ni Queen Heartily.
Lumingon si Queen Livelia mula sa malaking bintana na kitang-kita ang buong kaharian niya. Tiningnan niya ang dalawang taga-bantay na nasa loob ng silid, naintindihan naman ng dalawang taga-bantay kaya lumabas muna sila sa silid.
Ang dalawang reyna na lang ang natira sa loob ng silid kaya nag-usap silang dalawa.
"Livelia nabalitaan ko ang tungkol sa pagbaba mo sa lupa para buhayin ang isang manika" sabi ni reyna Heartily.
"Bumalik lang ako Heartily at tinapos ang mission ko na dapat matagal ko pang ginawa" sagot naman ni reyna Livelia. Di na sila nagtatawagang dalawa na reyna kasi matalik na mag-kaibigan silang dalawa kaya pag silang dalawa na lang kinukuha na nila ang pangalang Queen sa pangalan nila.
"Pero Livelia may maling nangyayari. Abot na sa kaharian ng mga puso ang mga nangyayari at pag abot na sa amin ang balita alam mo na kung ano ang meron" napatahimik si Reyna Livelia sa binalita ni Reyna Heartily sa kanya.
"Kung abot naman pala sa inyo ang balita might as well tulungan mo na lang ako" magpo-protesta pa sana si reyna Heartily sa sinabi ni Reyna Livelia ng dagdagng niya ang sinabi niya. "What are friends for, right?"dagdag pa ni Reyna Livelia at nginitian niya pa ang isang reyna.
"Ikaw talaga Livelia kung di lang masama sa anghel ang mag-mura matagal na kitang minura" inis na saad ni reyna Heartily.
"I know"ngiting-ngiti namang saad ni reyna Livelia.
"Pero Livelia ano ang plano?"tanong naman ni reyna Heartily.
"Sa panahon na aalis sila para sa kanilang field trip dun tayo mag-umpisa" seryosong pahayag ni reyna Livelia.
"Pero pano?"takang tanong ni reyna Heartily. Tiningnan lang siya ni reyna Livelia ng walang gana.
"Alam mo minsan Heartily nagtataka na ako kung pano ka naging reyna"
"Livelia naman. Reyna ako ng mga puso"
"Oo kasi pag sa pag-ibig ang tali-talino niyo"
"Exactly! Kaya nga ako naging Reyna ng mga puso"
"Ewan ko sa'yo. Balik na nga sa plano! Magtatalo lang tayong dalawa eh" sabi ni Reyna Livelia.
Napatahimik silang dalawa at napa-isip kung ano ang plano.
Sabay silang nag snap ng mga daliri ng may naisip na sila."Ang mga apo natin!" tuwang-tuwang sabi nila.
Pero biglang napa-isip si Reyna Heartily."Pero Livelia pano natin mapapayag ang apo mo?"
"Papayag yan! Sus sumasama nga sa apo mo na puro ang kalokohan ang alam eh" pahayag ni Reyna Livelia.
"May point ka" sabi naman ni Reyna Heartily.Pagdating kasi sa mga apo nila seryoso sila kasi sa lahat ng anghel sa lahat na kaharian sila ang pinaka-makulit. Lalo na ang apo ni Reyna Heartily.
"Pano ang plano?" tanong ni Reyna Heartily.
"Sundin natin ang tadhana" nakangiting sabi ni Reyna Livelia.
"Ha? Eh tayo ang gumagawa ng tadhana"
"Exactly! Hayaan natin ang mga taga-lupa kung ano ang gusto nilang gawin at tayo ang susunod" pahayag ni reyna Livelia.
Biglang sumeryoso ang mukha ni Reyna Heartily. "Livelia alam mong dahil sa pagka-buhay ng manika marami na ang naiba simula nun. Baka ang ibang mga reyna at hari sa iba't ibang kaharian eh magre-reklamo at alam mo na ang kasunod nun"
"War" seryosong banggit ni Reyna Livelia. "Walang mangyayari na away basta sundin lang natin ang plano" humarap uli si Reyna Livelia sa malaking bintana na kitang-kita ang buong kaharian niya na masayang-masaya na nagsiliparan ang mga anghel.
Isa sa pinaka-respetado at mataas na kaharian ang kaharian ni Reyna Livelia at Reyna Heartily.
"Hindi lang tayo ngayon ang gagawa ng tadhana Heartily. Tayo rin ang gagawa ng storya ng buhay nila" seryosong sabi ni Reyna Livelia. Napailing na lang si Reyna Heartily kasi mula dati di pa nagbago ang matalik niyang kaibigan. Mahilig pa rin ng extreme na plano at buwis buhay na action.

BINABASA MO ANG
Je t'aime ma Poupee Prince
Teen FictionWill you love someone who was made to love you? Or would you choose to pretend that you don't love him for the sake of everybody?