Phoebe's POV
Ilang araw na akong di pinapansin ni Ziggy. Napapansin ko rin na di na nagiging pink ang buhok niya. Nagtataka na nga rin ako, gusto ko na talaga siyang kausapin kasu ayaw talaga akong pansinin. Bukas Saturday na.
Simula nung umuwi kami galing sa bar nung Monday ganito na sitwasyon namin. Ewan ko pero parang may nag bago! Pwera kay Ziggy na hanggang ngayon di ako kinikibo!! Leche siya! Bahala siya sa buhay niya.
Andito akong library. Dito na lang ako tumatambay kasi kahit sina Thalmalia busy sa bestfriend niya daw na si Denver -_- si Prince? Ayoko muna sumama sa bakla na yun. Ang ingay niya masyado. Puro Guisi Beach ang dinadal-dal.
Tahimik akong nagbabasa ng biglang nag vibrate phone ko. Tiningnan ko kung sino at nakita ko ang pangalan ni Yang sa screen.
From: Yang Hwang
Phoebe, where are you? I saw Janine. Papunta siya ng library.
Wala akong gana na ni-replyan siya.
To: Yang Hwang
Andito ako sa library. Hanapin mo na lang ako.
Itinago ko na ang cellphone ko sa bag ko tutal nasabi ko naman kay Yang kung saan ako. Nagpa-tuloy ako sa pagbabasa ng maalala ko uli ang gabi na nag-usap kami ni Yang sa bar. Ugh! Kainis naman kasi! Bakit kasi sa lahat ng babae ako pa?! dinamay pa ako sa problema niya!
Magpapa-tuloy na sana ako ng pagba-basa nang nakaramdam ako ng tao na umupo sa tapat ko. Binaba ko ang libro at nakita ko si Janine. Nakatingin siya sakin kaya nginitian ko siya, yun rin siya sakin.
Ano ba dapat kung sabihin? Punyemas kasi 'tung Yang na 'tu eh! Pahirap sa buhay. Kaya lagi akong nakakaramdam ng awkwardness pag kasama ko si Janine eh! Pano ba naman kasi! Ang torpe! Meron pang kung ano-anong nalalaman.
Magbabasa na sana ako uli nang may umakbay sakin at hinawakan ang kabilang part ng libro kaya masyado kaming malapit sa isa't isa. Di ko na kailangan lumingon kung sino pa kasi alam ko na kung sino ang gumagawa ng ganitong da-moves ng ilang araw na. Si Yang Jun Hwang lang po naman.
"Nakapag-lunch ka na?" sweet na tanong ni Yang. I smiled bitterly. Inaasahan ko kasing iba ang gumawa at tumanong ng ganito sakin.
Umiling na lang ako bilang sagot. Magsa-salita pa sana si Yang ng biglang tumunog ang upuan sa tapat namin at nakita namin na wala na si Janine.

BINABASA MO ANG
Je t'aime ma Poupee Prince
Teen FictionWill you love someone who was made to love you? Or would you choose to pretend that you don't love him for the sake of everybody?