Chapter 17

60 4 0
                                    

Phoebe's POV

Nagising ako dahil sa uhaw. Pag-mulat ko ng mata ko hindi ako pamilyar sa kwarto kung saan ako. Dun ko natandaan na nasa bahay pa rin pala ako ng mga Hwang.  Nakapag-palit na ako kasi pinahiram ako ni Ate Yuri ng damit niya, nung una ayoko kasi nahihiya ako ,mukha pa namang mamahalin pero sa huli napasuot rin nila sakin.

Tiningnan ko ang cellphone ko kung anong oras na 11:15 PM. Susme! Wala pang isang oras ako naka-tulog.

Tiningnan ko ang buong kwarto, wala ang dapat kong kasama sa kwarto. Lahat ng mga babae dapat kasama ko. Kumibit balikat na lang ako at bumaba papuntang kusina para uminom ng tubig. Feeling ko nakipag-habulan ako sa panaginip ko.

Nang makarating ako sa kusina, binuksan ko ang malaking refrigerator ng mga Hwang. Lumingon ako para sana kumuha ng baso ng magulat ako.

Binaba ko ang pitcher sa kitchen counter at hinampas si Yang. "Yang naman! Papatayin mo ba ako?"

"Pfft haha why would I do that?" nagpipigil pa nyang tawa.

"Naku wag mo kong ma ganyan-ganyan Yang ha! Buset ka! Aatakehin ata ako sa puso dahil sa'yo!" di ako galit. Epekto lang po 'tu sa pagka-gulat. Leche naman kasi eh. Tawa naman siya ng tawa. "Mawalang galang na kahit bahay niyo 'tu umalis ka dyan kasi kukuha ako ng baso"

Tumalikod siya sakin pero tawa pa rin ng tawa pero lumingon rin siya agad at ini-abot sakin ang baso. Tiningnan ko ang baso at siya pero parang ipakain niya na sakin ang baso sa sobrang lapit ng baso sa pagmu-mukha ko. Buset!

Dabog kong kinuha ang baso sa kanya at nag-lagay na ng tubig tapos uminom. Habang umiinom ako nag-salita si Yang.

" 'Ya know, dapat sumali ka din sa kanila" kunot noo naman akong humarap sa kanya at nag-salita siya uli. "Naglalaro sila ng spin the bottle sa kabilang kwarto. Sabi ko dapat sumali ka" ulit niya.

Binalik ko muna ang pitcher sa loob ng ref at huhugasan sana ang baso ng pinag-inuman ko kasu pinigilan ako ni Yang.

"Di mo yan trabaho" seryoso niyang sabi kaya ibinaba ko na lang ang baso. Kahiya naman.

Kinaladkad niya ako paakyat. "O-oy! Yang! S-saan mo ko dadalhin?" tanong ko sa kanya pero kaladkad niya pa rin ako. Huminto kami malapit sa kwarto na dapat tutulugan sana ng boys. Akala ko tulog sila pero mula dito sa kinatatayuan namin ni Yang rinig na rinig ang mga tawanan nila.

Je t'aime ma Poupee PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon