Chapter 27

13 1 0
                                    

PHOEBE'S POV 


It's been a week na mula nung nakarating kami sa mga bahay namin. For a week din di umuwi si Thalmalia sa apartment kasi umuwi muna sila sa bahay nila. Sumama sya kay Nicole. 


Medyo awkward na rin ako kay Ziggy. Pag alam kong lumalapit sya lalayo naman ako. In fairness ang hirap kasi talaga kasi nakatira lang kami sa iisang bubong. 


"Bakla break time na! Tara na nagugutom na rin ako." tawag sakin ni Prince. Since nung nakarating kami mula sa Guimaras, naging okay na kaming lahat. Wala ng away at pinapasalamat nga yun ni Mrs. Horan. Sabi pa nga niya baka next time dun niya na ipapadala ang lahat na nag-aaway. Yun daw ang punishment. Bongga naman na punishment yun haha. 


"Janine okay ka lang ba?" Tanong ko kay Janine. Kanina pa kasi siya tahimik. Magkaklase kaming lahat kaya magkakasama kami ngayon, kahit nga si Nicole na di namin kaklase andito eh. Sinq Mayumi at si Meynso andito. Ewan pano kami nag kasya. 


At syempre dahil andito lahat sa iisang table, lahat ng mga mata andito samin. Pangtu-tusukin ko tu ng tinidor eh. Kami na lang ba lagi?! Like duh? Ay ayan. Nahawa na ako ni Mayumi. 


"Hoy bakla! Hello! Earth to Janine Dionora!" Pagkukuha ng atensyon ni Prince kay Janine."Uh...ha? Ha? A-ano.." Gulat na sagot ni Janine. 


"Ay shit" dagdag pa niya ng nadumihan yung damit nya ng kinakain niya. 


"Mag-bihis ka. Sasamahan kita" pag-aalok ko sa kanya pero hindi sumagot si Janine. "Janine?" Tawag ko pa sa kanya. 


"Uhhh..o-oo s-sige" sagot nya at tumayo na. Halata na awkward sya sakin. Ano ba meron?  


Bago kami umalis tiningnan ko muna si Ziggy at nahuli ko rin siyang nakatingin sakin pero nung nahalata namin na nagtitinginan pala kami ay nagsialisan kami ng tingin. 


Naglalakad na kami papuntang girls room pero di ko kasabay mag lakad si Janine. Nauuna sya. Feeling ko may problema talaga tu eh. Akala ko lahat kami okay pero ngayon naalala ko na kami ni Ziggy hindi at ngayon si Janine di ako kinakausap. May mali ba akong ginawa? 


Nagbibihis na si Janine at ang tahimik grabe. Pagkatapos niyang magbihis ng pangtaas ay sinara nya na ang locker nya at yun lang talaga ang nabuong tunog sa buong kwarto.


 "Janine/Phoebe" sabay naming tawag sa isa't isa.


 "Ay Sorry. Ikaw na mauna" sabi ko."No you first" sabi pa niya. 


 "No I insist" sasagot pa sya sana nang tiningnan ko sya bigla.


"Fine. Okay. I am not good at holding my feelings and emotions and keeping it to myself only! Alam mo yung ang dami-dami kong sasabihin pero hindi ko kaya kasi ni kaibigan kong dapat hinihingian ko ng advice eh part ng iniisip ko!.." Magtatanong sana ako ng bigla nya akong pinigilan..."hep! Bawal sumagot at magtanong!Mamaya na. Ako muna, okay?" Tumango na lang ako. "Kasi alam mo yun gusto ko maging masaya pero bakit hindi ako sumasaya? Masaya dapat ako eh! Kasu naguguluhan ako! Ang hirap! Gabi-gabi yun ang iniisip ko! Di na ako makapag-focus sa studies ko! First time tu! Akala ko madali lang! Yun napapanuod ko sa mga movies and dramas eh! Bakit ganun?!" 

Je t'aime ma Poupee PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon