Chapter 22

25 6 5
                                    

Phoebe's POV

Naalimpungatan ako ng marinig ko ang malakas na alon mula sa malaking bintana ng kwarto ko. Kinapa ko ang cell phone ko at tiningnan ang oras. Maga-alas kwatro na pala. Hala. Parang pagod na pagod ako ah. Ang haba pala ng oras na ginugol ko sa pag-tulog lang.



Bumangon ako sa higaan ko at pumunta sa parang maliit na balcony dito sa kwarto na nagsi-silbi rin na bintana ng kwarto.


Ang ganda ng langit. Napangiti ako sa gandang taglay ng langit at ng karagatan. Hay. Mabuti pa ang dagat at langit may taglay na ganda, kamusta naman ako? Haha



Niligpit ko muna ang mga gamit ko at naisipan na bumaba na rin. Lahat sila nagtipon sa sala at nanunuod ng tv. Sa totoo nga lang parang si Janine lang ang nanunuod ng tv eh.

Ang iba may kanya-kanyang ginagawa. Si Prince selfie ng selfie. Ito namang mga batang 'tu na si Lejan at Mayumi may pinapanuod sa iPad at tatawa-tawa pa. Si Denver naman at Dwight naguusap ng kung ano at si Nicole nakikinig lang. Si Thalmalia naman pinipindot-pindot ang cell phone.



"Guys nakita niyo si Ziggy?" tanong ko sa kanila at humarap naman sila saking lahat. Oh bakit?

"Grabe pag-gising agad si Ziggy hinahanap" sabi ni Denver.

"Alangan namang ikaw" dagdag naman ni Thalmalia.

Ngumiti ng nakakaloko si Denver kay Thalmalia at umakbay pa ito sa kanya. Nakataas lang ang kilay ko na pinapanuod sila. "Alam mo babe kung nagseselos ka sabihin mo lang buong pus--aray!" napa aray si Denver at di na tapos ang sasabihin dahil siniko na siya ni Thalmalia.


"Umayos ka Denver! Yang kalandian mo di nakakatuwa. Matatamaan ka na talaga sakin" singhal ni Thalmalia. Ito naman kami tawa ng tawa.

"Natamaan na nga eh..." seryosong sabi ni Denver kaya napatigil kami sa kakatawa. "...dito oh" dagdag pa niya sabay turo sa parte ng dibdib niya kung saan ang puso niya.


"Aray!" napa-aray siya uli at di na namin napigilan. Tumawa kami uli ng malakas. Pano ba naman, nabatokan ni Thalmalia. Ang landi kasi eh. Hahahaha iba pa naman magalit si Thalmalia.


Tumayo si Thalmalia at nag walk out. Ewan kung saan papunta. Basta bigla na lang umalis. Susunod sana si Denver kasu pinigilan ni Dwight si Denver. Si Denver walang nagawa kaya naupo uli.

"Where is she going?" concern na tanong ni Denver. "Naku. Yaan mo na fafa Denver! Siguro sa ngayon kinikilig na yun. Ayaw lang ipakita satin" sabi naman ni Prince na natatawa pa. Si Thalmalia? Kinikilig? Weh?



"Guys. May nag walk out na at lahat-lahat di niyo pa nasagot tanong ko" sabi ko. Tinawanan lang ako ng mga abnoy.

"Ay oo nga pala" sabi nila sabay tawa. Anong nakakatawa?

"Actually di namin alam Phoebe. Pag gising niya bumaba siya agad sa third floor nakita ko pa ngang pumasok siya sa kwarto mo eh. Akala ko nga gigisingin ka niya kasu bigla naman siyang lumabas. Nakita ka niya sigurong tulog pa. Ayaw ka niyang madisturbo" sabi ni Denver.


Talaga? Pumasok si Ziggy sa kwarto ko? Hala. Ano kaya posisyon ko nun? May tumutulo kayang laway sa bibig ko habang natutulog? Parang pag-gising ko wala naman. Susmarya! Iniisip ko pa lang na tinitingnan ako ni Ziggy habang natutulog, kinikilig na ako! Feeling ko ampula-pula na ng mukha ko.

"He did?" takang tanong ni Dwight.

"Oo brad. Oh? Selos ka na nyan?" biro ni Denver sa kanya. Sinuntok naman siya ni Dwight ng pabiro at nagtawanan pa. Nakita ko naman si Nicole sa gilid na Dwight na nakayuko at parang natulala ng saglit.


Je t'aime ma Poupee PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon