Phoebe's POV
Bumangon ako sa higaan ko ng masakit ang lalamunan. Masaya kagabi. Di ko inaasahan na magugustuhan ng mga tao dun ang boses ko.
Kasu nga lang di ko rin inaasahan na mag ga-ganito ang lalamunan ko. Na bigla ata kagabi.
Bumangon na ako sa higaan at hinanap cellphone ko. 6:00 am pa lang.
Body clock ko na ang bumangon ng alas sais. Tiningnan ko si Ziggy. Gwapo pa rin pero ang malungkot manika pa rin. Hahaha.
Nag handa na ako ng pagkain para samin ni Mayumi. Alas otso pa pasok ko pero kailangan kong pumunta ng maaga dun para makuha ko na uniform ko at maasikaso ko na ang kung anu-ano pa.
Pagkatapos kong maghanda ng pagkain tinawag ko na si Mayumi pero di pa rin bumababa. Inakyat ko na lang. Maka-reklamo siya sakin kahapon na mahirap raw ako gisingin, parang siya indi eh.
Di na ako kumatok sa kwarto niya at pumasok na lang. Niyug-yog ko siya at di pa rin natitibag.
"Mayumi bumangon ka na. Yung pagkain natin dun nilalangawan na." Sabi ko sa kanya. Gumalaw naman siya. Salamat naman.
"Ate 5 minutes pa please? " favor niya pero di ko pinansin sinabi niya.
"Yan ka na naman sa 5 minutes mo eh. Yang 5 minutes mo aabot na naman yan ng kalahating oras." Sabi ko sa kanya. Salamat naman sa Diyos at bumangon na siya sabay tanggal ng eye mask niya.
"Diba ngayon pasok mo sa SVA ate?"
"Oo kaya dalian mo na at maaga akong papasok"
"Babangon ako dito sa isang favor ate" sabi niya na may playful na ngiti sa mga labi niya.
"Alam mo yang mga ngiti mo. Kinakatakotan ko yan." Toro ko sa kanya. Humalukipkip lang ako sa tabi ng higaan niya. Di talaga siya nagpapatalo. "Okay fine! Ano ba yun?"
"Yeeeeey!" Tuwang tuwa naman siya. "Ako pipili ng damit mo ngayon papuntang SVA habang wala ka pang uniform. "
"Tss. Oo na tara na." At bumaba na ako sa kusina. Di rin naman nagtagal sumunod rin siya sa akin.
Almusal namin ngayon ay hotdog kanin at gatas. Sabi niya diet siya eh.
"Ate uulan daw ngayon sabi sa balita." Panimula ni Mayumi habang kumakain kami.
"Edi magdala ka ng payong."
"Sabi ko nga ate magdadala ako ng payong" sarkastiko niyang sagot.
Di ko maintindihan bakit may halong sarcasm sagot niya. Inirapan niya lang ako nung tiningnan ko siya.
"Ate okay na ba yung galos mo?" Tanong niya habang tinitingnan ang kamay ko na natamaan ng basag na lamesa nung isang linggo.
"Galos? Sus maliit lang yun 'nu. Sisiw."
"Wow ah! Masyadong humble. Nahiya naman daw ba ako." Sabay irap niya uli sakin.
"Ang hilig mong umirap baka di na yan bumalik sa normal mga mata mo." Pananakot ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
Je t'aime ma Poupee Prince
Teen FictionWill you love someone who was made to love you? Or would you choose to pretend that you don't love him for the sake of everybody?