Phoebe's POV
Nasa sasakyan kami papunta raw sa Ortiz sabi ni Dolly. Dun raw matatagpuan ang sasakyan namin papuntang Guimaras.
Nilibot ko ang buong mata ko sa loob ng sasakyan. Lahat ng mga kasama ko bagsak. Naka head-set silang lahat pati si Ziggy. Kinuha kasi ni Ziggy ang headset KO dapat kasu naawa naman ako sa kanya kasi wala siyang ginagawa kaya binigay ko na lang sa kanya.
Napapangiti ako sa mga taong nakikita ko tuwing may dinadaanan kami. Maganda rin naman pala dito. Ang laki ng malls at di masyadong traffic di tulad ng sa Manila.
Natigil ako sa pag-iisip ng biglang nag-salita si Dolly. Akala ko nga nung una ang driver kausap niya pero nakatingin siya kasi sakin kaya nalaman kong ako pala kausap niya.
"Ako ba kausap mo?" tanong ko sa kanya at tumango lang siya sa harap. "Ay sorry. Akala ko kasi ang driver ang kausap mo"
"It's fine. Nga pala ate Phoebe. Kamusta po kayo?" tanong niya. Nagtaka naman ako sa tanong niya. Maka tanong kasi siya sakin parang close kaming dalawa eh.
"Ayos naman" sagot ko sa kanya at tumango-tango lang siya. Ilang segundo rin ang nakalipas at may itinanong siya uli sakin.
"Ate kung okay lang sa'yo may itatanong po sana ako" sabi niya.
"Ano yun?"
"Pano mo kayo nagkakilala ni kuya Ziggy?" tanong niya. Nagtaka naman ako uli sa tanong niya at napansin niya naman siguro. "Ah kung ayaw niyo pong sagutin ayos lang sakin" dagdag niya habang nakangiti sakin.
Nginitian ko naman siya. Wala naman sigurlng masama kung mag she-share ako sa kanya tutal wala naman akong kausap siya na lang kasi tulog na silang lahat.
"Nung bata kami. Andyan na sya lagi sakin. Siya ang best friend na di mo lang mahanap sa tabi-tabi" sabi ko kay Dolly. Napangiti naman ako sa sinabi ko. Sus di lang kasi best friend tingin ko sa manika na 'tu eh. Gusto ko na kasi siya.
"Masaya po ba kayo pag andyan si kuya Ziggy?" tanong ni Dolly at tumango naman ako bilang sagot. Nakita ko namang ngumiti si Dolly. "Halata naman po na sobrang importante si kuya Ziggy sa'yo" tiningnan ko si Ziggy at napangiti na lang ako. Natutulog sya at naka sandal sa upuan ng sasakyan.
"Pero alam mo ate..." biglang sabi ni Dolly kaya napatingin ako sa kanya sa salamin. "Di lahat ng bagay na nagpapasaya sa'yo ay permanente na sa mundo at sa buhay mo. Ang iba andun lang para bigyan ka ng sandaling kaligayahan hanggang makahanap ka na talaga ng totoo at permanenteng kaligayahan mo" napaisip naman ako bigla. Masaya naman ako kay Ziggy ah. Pero permanente na ba? Sana. Masasaktan ako pag iiwan niya ako. Wala namang rason na iwan niya ako diba?
Pero parang nakakabasa ata ng utak 'tung si Dolly at nasagot niya ang tanong sa utak ko. "Lahat ng bagay ate nabubuhay, namamatay at nawawala ng may rason. Di mo pa siguro malalaman sa simula pero hindi pa huli para malaman mo kung ano ang simula ng pagkamatay, pagkabuhay at pagkawala ng isang bagay"
Tiningnan ko siya sa salamin at nakita ko siyang nakatingin rin sakin. "Oh ate I know everything" at ngumiti siya ng nakakaloko at tiningnan ang mga building na dinadaanan namin.
Napaisip ako uli. Bakit nga ba nabuhay si Ziggy? Pero hindi siya tao. Nabuhay lang talaga siya. Manika lang siya na may characteristics ng isang tao.
Maari rin ba na ang rason ng pagka-buhay ni Ziggy ay maging rason rin ng pagka-wala niya? No! Hindi pwede. Hindi ako papayag na mawala si Ziggy sakin. Siya na lang ang meron ako, mawawala pa siya? Di ko kaya.
BINABASA MO ANG
Je t'aime ma Poupee Prince
Teen FictionWill you love someone who was made to love you? Or would you choose to pretend that you don't love him for the sake of everybody?