Phoebe's POV
*kring~ kring~*
Tunog ng cellphone ko. Papunta kami ngayon sa cafeteria. Para mag lunch. Kasama ko sina Prince at Janine.
Nagkanya-kanya na kami nina Denver at Dwight pagbalik namin sa classroom kanina.
"Hello?"
[Phoebe kinulayan mo ba ito uli yung buhok ni Ziggy?] tanong sa kabilang linya. Pag dinig ko ng boses niya alam kong si Thalmalia yun. Umuwi siya agad?
"Hindi. Bakit?"
[Bakit naging pink na uli ang buhok niya?]
"Aba di ko alam. Tinanong mo ba siya? Baka siya ang nagkulay niyan"
[Marunong siya?] Tanong niya. Napaisip ako. Marunong nga ng gawaing bahay si Ziggy eh. Marunong rin mag english. Pagkukulay pa kaya ng buhok?
"Siguro" sagot ko pagkatapos ko mag-isip ng ilang segundo. "Nasa bahay ka na?" Tanong ko na lang nung di na siya nakasagot sakin.
[Oo. Kasama kami ni Mayumi]
"Di kayo pumasok?"
[Uhm ano...bye] tas toot-toot-toot na lang narinig ko. Ano nagyari dun?
"Bakla ano yung sayo?" Tanong bigla ni Prince. Nakapila na kasi kami. May kanya-kanya na kaming bitbit ng tray. Wala na daw bayad ang pagkain kasi dala na siya sa tuition. Swerte ko nga naman.
"Ahh pipili na lang ako" sabi ko sa kanya. Nag kibit balikat na lang siya at kumuha na rin ng kakainin niya, ganun rin si Janine.
Pagkatapos naming kumuha ng pagkain. Humanap kami ng mesa at may nakita kami agad. Dun kami umupo. Marami-rami na rin ang nakatingin samin. Sa ika-apat na araw ko na dito. Nasanay na ako. Sanay-sanay lang pala 'tu.
Nilapag namin ang tray at nag simula na ring kumain.
"Grabe lang bakla ha. Natakot talaga kami kanina. Akala namin napano ka na sa loob ng office. Ano ba sinabi sayo ni Miss President?" Tanong ni Prince.
"Wala naman. Sinabi niya sakin na ako raw ang nagpaligo ng itlog sa estudyante na yun."
"Tas sasabihin mong wala?!" Pagre-react ni Janine. Para sakin wala na yun, tapos na eh. Babalikan pa? Nagkibit balikat na lang ako.
Nagulat na lang ako na may tray na nakalapag sa gilid ko. Pagtingin ko si Dwight na nakangiti sakin.
Umupo siya sa gilid ko. Si Denver naman nasa tabi ni Janine.
"Hi Phoebe! Hi babe!" Bati samin ni Denver. Napairap lang si Janine sa tawag ni Denver sa kanya. Ako naman ngumiti lang.
"Hoy Denver! Andito rin ako!" Pagtatampo ni Prince. Nakanguso pa.
"Haha, sorna Prince! Hi" bati niya kay Prince. Di na lang pinansin ni Prince.
"Yan lang kakainin mo?" Tanong sakin ni Dwight. Napatango naman ako. Sandwich lang kasi at apple juice ang kinuha ko. Di naman ako nagugutom eh. "Gugutomin ka niyan. Ito" sabi ni Dwight sakin at inilapag ang bake mac sa harap ko.
"Eh? Busog ako" sabi ko.
"Sige na" sabi niya at kinuha ang sandwich ko at kinagatan niya sabay kindat sakin.
"Yun oh!" Panggu-gulat ni Denver. Napansin kong nagulat rin si Janine na nasa tabi niya.
"Alam mo Denver si Juan dela Cruz ka ba?" Tanong ni Janine. Kaming tatlo nina Dwight at Prince nakatingin lang sa kanila.
BINABASA MO ANG
Je t'aime ma Poupee Prince
Teen FictionWill you love someone who was made to love you? Or would you choose to pretend that you don't love him for the sake of everybody?