Dolly's POV
Andito ako ngayon nakasilip sa malaking bintana ng kusina. Nasa labas ako. Sabi na nga bang may nangyari eh!
As far as I see kasi may nangyari talaga. Kanina pa ako dito sa labas nakasilip tapos sila wala lang naman imik! Tunog lang ng utensils ang naririnig ko. Sina Lejan at Mayumi nagti-tinginan lang. Nararamdaman nilang ang awkward ng atmosphere.
"A-ano. Mga ate at Kuya d-diba ano..." di natuloy ang salita ni Mayumi kasi natatakot sya kaya siniko nya si Lejan na katabi nya.
"Ano mga kuya at ate..." panimula ni Lejan.
"Why are you both scared to speak? Don't tell me you're both asking a permission to date each other?" taas kilay na tanong ni Yang.
"N-no! That's not it Kuya! Ano kasi parang ang tahimik at di ako sanay" sabi naman ni Mayumi.
"Oo nga. Ba't ba ganito ang atmosphere? Tsaka saan si Thalmalia?" tanong ni Prince at bigla namang napahinto si Nicole sa pagsubo.
"Di raw sya gutom" sabi baman ni Denver.
At napatango na lang lahat at bumalik naman sa pagkatahimik ang paligid.
"booo!"
"Ay pusang gala!" sabi ko at napatalon. Lumingon ako at hinampas si Cupid! Akala ko ba bumalik na 'tu sa kaharian?!
"Cupid!!" sigaw ko na pabulong. Basta ganun.
BINABASA MO ANG
Je t'aime ma Poupee Prince
Teen FictionWill you love someone who was made to love you? Or would you choose to pretend that you don't love him for the sake of everybody?