Phoebe's POV
"Mayumi ano ba! Isa ko pang tawag sayo bubuhusan na talaga kita dyan! Isa pa!" Umagang-umaga nagmu-mukha akong nanay -_-
Susmeyo naman kasing bata 'tu. Pano siya magiging independent kung ako lagi ang gumagawa ng gawain? Anong oras na male-late kami nito.
"Opo andayan na" sabi niya habang kusot-kusot pa ang maga mata niya pababa sa hagdan.
"Umupo ka na at maliligo na ako. Ikaw na maghugas ng pinggan ha?" Utos ko sa kanya.
"Eh ate ikaw? Di ka kakain?" Tanong niya sakin. Umiling lang ako.
"Nakakain na ako ng tinapay at gatas. Dapat kasi maaga pa ako. Nagta-trabaho kasi ako sa faculty ng school."
"Grabe naman yan ate. Pati talaga sa school?"
"Yep. Maliligo na ako." Umakyat na ako sa CR at naligo na.
***
"Hija anong oras ba pasok mo?" Tanong ng isang teacher sakin. Naglilinis ako ng faculty ngayon. Unti pa lang teachers dito sa loob."7:30 po ma'am" paghinto ko sa paglilinis at humarap sa teacher.
"Ay oh sige. Dalian mo na yan at pumasok ka na sa klase ko ha? May bago kayo atang ka-klase eh."
Umoo na lang ako kay ma'am at binilisan ang paglilinis. Nagta-trabaho ako dito sa faculty kasi isa akong scholar. Alam ko di naman kailangan pero working student ako. Wala kasi ako pambayad sa magarang eskwelahan na 'tu.
Johnson's University isa sa mga paaralang gustong pasokan ng maraming estudyante ngayon. Lahat andito na. Masyado siyang malaki para sakin.
Lumabas na ako sa school at may nakikita akong ibang college student na andito. Tinatanong kung si ma'am ganito, sir ganyan.
Pumasok na ako sa room namin at umupo ako sa upuan ko.
Tumayo na si ma'am at nagsalita ng kung anu-ano. Hanggang ipinakilala niya ang isang new student.
"Hija pumasok ka na at magpakilala" sabi ni ma'am sa kanya. Pumasok naman siya.
Tanong ko lang bakit kaya pag bagong estudyante ka dapat naghihintay sa labas ng room? Pwede naman munang umupo diba? Ano yun? Grand entrance?
Tumayo naman ang bagong estudyante sa gitna at nagpakilala pero maikli lang.
"Good morning. I'm Thalmalia Mische." Sabi niya tapos umupo na siya sa vacant seat sa tabi ko.
"Yun lang yun?" Tanong ni ma'am. Nag nod lang siya. Feeling ko tahimik na babae 'tu. Di man lang nagpapakita ng emosyon!
Pag nakasama ko 'tu siguro mabu-buang ako sa tahimik niya. Pero okay rin siya maging ka seat mate eh.
Nagsimula ng mag lesson si ma'am hanggang natapos lang siya ng wala akong may natutunan.
Napansin ko namang maraming lumalapit kay Thalmalia pero parang wala siyang pake. Ay snobber.
Tumayo na ako at aalis na sana para mag lunch recess nung tinawag ako ni ma'am.
Lumapit naman ako sa kanya. "Yes ma'am?"
"Sumunod ka sa faculty" sabi niya. Kinabahan naman ako bigla.
Kakagaling ko lang dun tapos babalik naman ako dun? Baka di ko nalinisan ng maigi ang faculty. Hala.
Nasa faculty na kami. Sinundan ko si ma'am hanggang naka-upo na siya sa table niya.
"I want to inform you that as your fourth year high school adviser I'm so proud of you." Panimula ni ma'am na sobrang ngumingiti.

BINABASA MO ANG
Je t'aime ma Poupee Prince
Teen FictionWill you love someone who was made to love you? Or would you choose to pretend that you don't love him for the sake of everybody?