Chapter 10

52 4 4
                                    

Dwight's POV




"Hoy Russell nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?" Sabi ni Ate sakin na katapat kong kumakain.



"Ahhh...ano ba yun ate? " tanong ko sa kanya. May iniisip kasi ako.




"Asus. Lutang ka na naman. Sabi ko diniclare ko na sa SVA na walang pasok ang kindergarten kaya ikaw lang pupunta sa school ngayon" sabi ni Ate. Oo nga pala. Malakas kasi ang ulan kagabi. Ngayon medyo na lang.



"Ano ba iniisip mo Russell?" Tanong sakin ni Ate.



"Yung babae kasi kahapon ate"



"Yung hinabol mo?" I nodded as an answer. "Bakit sino ba yun?"



"Para kasi siya yung babae na nakilala ni Audrey sa park at siya rin yung babaeng nasugatan ni Nicole" sabi ko habang tinitingnan ang pagkain ko.



"Talaga? So ibig mong sabihin yung kaibigan ni Audrey na may doll at ang babaeng sinaktan ni Nicole sa mall ay nag-aaral sa SVA?" taas na kilay na tanong ni ate. Nag nod uli ako. "What a small world!"



"Gusto ko siyang ma kita ate" sabi ko at binigyan lang ako ni ate ng mapanuyang tingin.



"Bakit Russell?  Kursunada mo nu?" Pagtutukso sakin ni ate.



"Ate" sabi ko at tumawa lang siya. Napailing na lang ako.




"Well di mo naman siya mahahanap ng ganun lang ka bilis Russell. There are more than hundreds of students studying at SVA" seryosong sabi ni Ate. Ito yung kinakatakotan ko eh. Ang biglaang pag shifts ng mood ni ate.




"I'll find a way ate." Tumayo na ako sa pagkainan at hinalikan si ate sa ulo. "I need to go Ate Twight"



"Bye Russell ingat" sabi ni ate at umalis na ako.




Habang nagda-drive ako naalala ko yung babae na nakita ko kahapon. I'm sure that was her.





Je t'aime ma Poupee PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon